You are on page 1of 2

Minamahal kong Filipinas,

Kinalulungkot ko ang nangyayari sa ating bansa. Unti-unti na tayong lumulubog


na para bagang isang isla. Tila umuulit ang nakaraan, ang mga nangyaring
paghihirap noon ay mukhang malapit na natin muling makamtan. Hindi pa ba tayo
natuto mula sa kamalian ng ating kahapon?

Ang ating pamahalaan ay mas pinapahalagahan ang huwad na kapayapaan. Isang


kapayapaan na walang kalayaan. Ako ay natatakot sa katahimikan at pagiging
malamya nila, hindi ba’t mas delikado ang mga bagay natahimik? Maaring sa
kanilang pananahimik ay may nagbabadyang panganib. Sila ay taksol sa
pakikipagkaibigan nila sa mga tunay na kalaban at nakikipaglaban sa mga
nararapat na maging kakampi. Iniibig kong bayan, nangangamba ako na maaring
dahil sa ating pangulo maging alipin muli tayo ng mga dayuhan(Tsina).Habang
ang ilang Filipino ay buong pusong nakikipaglaban para sa tunay na kapayapaan,
ang mga kasama ng pangulo ay patuloy na nakikipagkaibigan sa kalaban ng mga
Filipino. Mga nasa pamahalaang nalulok sa pamamagitan ng pakikisama. Sinusunod
nila ang pangulo kesa sa nararapat na gawin. Wari silang mga tuta ng isang
ding tuta. Patawarin mo kami Inang Filipinas.

Alam nating lahat na mga tuso at matatalino ang mga dayuhang ito (Tsina),
lahat ay kanilang gagawin makamtan lang ang kanilang nais, lalo na sa
aspektong pangkalakalan at ekonomiya. Ngunit, sinisintang Perlas ng Silangan.
Ang mga Filipino ay nag-aalab sa pag-ibig nila sa iyo. Maraming handang
ipaglaban ka. Gagawin ang lahat at nararapat para sa iyo. Maaring mayroon
silang malalakas na mga kagamitan; barkong pangdigma, makabagong mga baril at
bomba. Ngunit hindi mananalo ang mga ito sa nag-aapoy na pag-ibig na handang
ipaglaban ka hanggang sa kamatayan.

Inang Filinas, nais ko magising sa isang umagang naayon na ang lahat sa kung
ano ang tama at totoo. Isang umaga kung saan papanig ang mga nasa itaas sa mga
tunay nalumalaban sa ngalan mo. Isang umaga na kahit watak-watak ang ating
bayan, nagkakaisa ang puso ng gobyerno at mga tao para sa tunay na Kalayaan at
kapayapaan mo. Umaasa ako na matapos na ang henerasyon ngayon na yumakap sa
bandila ng pagiging makasarili at magsimula ang bagong henerasyon ng mga may
pag-ibig, tapang at pananalig. Hindi pa huli ang lahat! Sa tulong ng mga
Bathala, mananalo ang apoy ng pag-ibig laban sa duwag at pagiging makasarili.

Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Filipinas!

You might also like