You are on page 1of 9

II

IKALAWANG YUGTO
ANG PAGHIHIRAP NI KUYA JESS SA HARDIN SA HETSIMANI

Tagabasa: Si Jess sa hardin kasama ang mga Apostol, tumungo si Jess at ang mga kasama niya sa
bundok ng Olibo. Namalagi sila doon sa isang hardin “ Magsi-panalangin kayo nang nang h’wag ma hulog
sa tukso” sabi ni Jess sa kanyang mga alagad, at siya’y humiwalay sa kanila, lumuhod at nagsimulang
manalangin, “ AMA, KUNG ANG AKING KALOOBAN LAMANG ANG MASUSUNOD ILAYO MO AKO SA
SARONG DADANASIN KO! NGUNIT AMA AKO AY NAGTITIWALA SA IYO SUSUNDIN KO ANG IYONG
KALOOBAN.” Ang kanayang panalangin sa Ama, sa unang pagkakataon Nakita natin siyang lumuha, sa
pangayayaring magaganap sa hinaharap, at nagapakita sa kanya ang isang anghel na mula sa langit na
nagpalakas sa kanya siya ay nanglulumo siya’y nananlangin… matapos ang kanyang panalangin lumapit
siya sa kanyang mga alagad at nadatnan niya na sila’y natutulog dahil sa pagod at paghihintay, sinabi niya
sa kanial: “BAKIT KAYO NATUTULOG? HINDI BA NINYO AKONG MASAMAHAN SA GANITONG MGA
ORAS? SA KAUNTING ORAS LAMANG HINDI NINYO MAIBIGAY SA AKIN?

Alam ni Jess ang mga susunod na pangyayari, at ito ay nararamdaman niya maging ang takot at
kaba, sa kanyang paglalakbay ay kasa-kasama niya ang kanyang mga alagad na laging niyang katuwang at
Karamay. Ngunit bakit sa pagkakataong ito hindi nila dinamayan si Jess kahit saglit lang? ganito rin tayo,
mga alagad na sumusunod, mga alagad na sumasamba, kasa-kasama si Jess, pero hanggang saan natin
siya kasama? Tuwing kalian lang ba tayo lumalapit sa kianaya? Tuwing may problema tayo? O tuwing may
kailangan at nagigipit at kapag desperado na tayo? Saka lang ba tayo lalapit sa kanya?
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sa tuwing matatapos ang bawat estasyon ang ating itutugon. . .

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
III
IKATLONG YUGTO

ANG PAGKAKANULO NG DALAWANG ALAGAD

Tagabasa: Dumating si Hudas kasama ang dalawang tagatanod ng templo at ang mga punong
senandrin upang arestuhin si Jess, si hudas ang nagturo sa mga tanod at sa mga punong senandrin kung
nasaan si Jess, tatlumpung pirasong pilak kapalit si Jess, humalik si hudas sa pisngi ni Jess at ito ay nalaman
ng mga tanod na siya mismo ang kanilang dadakpin, alam na ni Jess ang mangyayari bago pa ang ginawa
ni Hudas, at ito ay sinabi niya sa hapag kainan: “…ISA SA INYO ANG SASAW-SAW SA KALIS NA ITO AT
SIYA ANG MAGKAKANULO SA AKIN UPANG AKO AY IBENTA” sinabi rin ni Jess, Pedro, gagawin mo rin
sa kin ito, tandaan mo sa ikatlong pagkakataon na ako’y iyong itakwil, maririnig mo ang pagtilaok ng manok
at ito ay iyong pagsisihan. At bago matapos ang gabi nang si Jess ay nahuli na at dalhin sa templo, upang
paratangan ng kasinungalingan, dahil sa kanyang pagsasabi ng totoo,si Pedro na siyang kasa-kasama ni
Jess ay naroon din upang tingnan ang pangyayari, naroon ang mgha taong nakakilala kay pedro, dahil alam
nila siya’y kasamahan ni Jess, sa bawat tanong nila paulit-ulit na sumasagot si Pedro “ HINDI KO KILALA
ANG TAONG IYAN” at sa kanyang ikatlong pagsagot nangyari ang sinabi ni Jess, tumilaok ang manok at
duon niya naalala at pinagsisihan ang ginawa niyag pagtanggi at pagtatakwil kay Jess.

Kaibigan, too ba ang tawag na kaibigan sa iyo? Tapat ka bang kaibigan? Kilala mob a si Jess?
Kaibigan mob a si Jess?, Hindi man natin maipagpalit si Jess sa parehong halaga, pero maraming beses na
natin siyang ipinagpalit sa mas maliit na halaga, nasisislaw tayo sa pera, nasisislaw rin tayo sa kayamanan,
mas masarap mamuhay ng maranya at maraming pera, Pero kahit anong halaga at gaanung kalaki ang pera,
salapi, kayamanan, karangyaan, kapangyarihan at material na bagay, may lugar ba si Jess at duon ba
makikita mob a siya?
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IV
IKA-APAT NA YUGTO

ANG PAGLILITIS

Tagabasa: Ang paglilitis kay Jess sa harap ni Poncio Pilato, si Jess o si Barabas? Ang naging tanong
niya upang isa sa kanila ang palayain, ito ay nakagawian nila sa tuwing sasapit ang panahon ng paskuwa,
dagdaga pa ditto ang panghuhusga ng taong bayan kay Jess, dinala si Jess sa bahay ni Poncio Pilato, si
Pilato ang ang gobernadora na itinalaga ng Roma na siyang namamahala sa lahat ng mga Hudyo, sa harap
ni pilato nakatayo si Jess na inuusisa, tinitingnan si Jess mula ulo hanggang paa at sabay tanong; “IKAW BA
ANG HARI NG MGA HUDYO? Tugon ni Jess; “IKAW NA ANG NAGSABI”, dinala si Jess sa harap ng
taumbayan, sabi ni pilato sa kanila; “ WALA AKONG NAKIKITANG KASALANAN SA TAONG ITO” upang
maging patas siya at malaman ng taumbayan ang nararapat gawin, pinapili ni Pilato ang taumbayan ‘ SI
JESS O SI BARABAS” at dahil nais nilang parusahan at maghirap si Jess mas pinili nilang palayain si
Barnabas ang taong magnanakaw, at patuloy ang pagsigaw ng mga tao PALAYAIN SI BARABAS, IPAKO
SA KRUS SI JESS, SIYA’Y IPAKO SA KRUS!”

Kapag tayo ang pinapipili, Mahal mo o si Jess,makamundong pagnanasa o si Jess? Masasayang


mga oras o si Jess? Masarap nga naman ang mga taong nagpapasaya saiyo at nagbibigay ng aliw, sa kahit
anomang trip o kagustuhan kasama mo sila, dahil duon ka masaya? Ngayon paano naman si Jess? Si Jess
katayuan ng Nanay mo? Na siyang nag aruga at nagpalaki sa iyo, si Jesss sa katayuan ng Tatay mo? Na
tinuturuan kang itama ang pagkakamali mo,si Jess sa katayuan ng ng mga kapatid mo? Na umaasa sila sa
tulong bilang kapatid nila? Nasaan ka? Kahit na hindi si Jess ang pinagpalit natin, dahil ipinagpalit pa rin
natin siya sa ibang mahahalagang taong sa mas maliit na bagay, mas madali para sa atin na ipagpalit si
Jess sa ibang tao, dahil mas palagian natin sila nakikita, nakakasama at hinahanap, si Jess bihira natin siya
Makita, si Jess bihira natin makasama, si Jess bihira mong hinahanap at hahanapin mo lang siya kapag huli
na, nasa huli ang pagsisisi kapatid!
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
V
IKALIMANG YUGTO

ANG PAGHIHIRAP AT PAGPAPAKASAKIT

Tagabasa: Aang paghihirap ni Jess at ang pagtanggap niya sa Krus, bago siya ipako at s autos ng mga
senandrin, dinala si Jess sa garrison ng mga bilanggo, tinaggalan siya ng pang itaas, tinali sa isnag maliit na
poste, na animo’y isang hayop na pinahihirapan habang walang habas na paghampos, nilalatigo, nagmarka
sa kanyang balat ang mga hampas at palo, tumatama sa kahit saan mang balat niya, masakit, makirot at
mahapdi kung titingnan siya, sa bawat hampas at palo, lumalatay ang sugat at pasa, tumutulo ang Dugo sa
tuwing nagkakasugat, at makikita ang mga taong humahampas sa kanya na parang walang awa at galit,
papalit-palit ang mga taong humamapas at pumapalo, at ito ay tinanggap niya ni hindi siyang sumigaw ni
pumalag para magmakaawa, para siyang maamong tupang habang siya ay sinasaktan walang, natagil
lamang sila nang sila ay napagod na, matapos ang masalimuot at masakit na pangyayari ay dinala siya sa
isang lugar upang ibigay ang korona na tanada ng pagkilala bilang hari sabi pa nila; “ MABUHAY ANG HARI
NG MGA HUDYO! MABUHAY!” ang koronang ito ay puno ng mga tinik, nang ito ay isuot sa kanya ang dugo
na tumutulo na parang pawis mula sa kanyang ulo, dugo na lumalabas sa kanyang sugat, mga balat na
lapnos at nakalaylay mula sa kanayang katawan, mga sugat ni Jess, sugat na galling sa inyo, lumipas ang
oras sa tanghaling tapat, siya ay nilabas sa kalye, at sinimulan ipabuhat sa kanya ang krus, dadalhin niya ito
sa tuktok ng bundok na kung tawagin ay lugar ng mga bungo ang bundok ng gulgota.

Mahapdi ang sugat, masakit masugatan, madapa ka lang o masugatan ng maliit, nagiinarte ka na
sa sakit, O di kaya sakit sa puso ang nararamdaman mo, yung nagaaway kayo ng mahal mo, o nung
panahong iniwan ka niya, O di kaya yung mawalan ka ng maha sa buhay, Boreken hearted ka noon, may
dinaramdam ka, masakit ang kalooban pero walang pisikal na sugat, ang sugat ay nasa puso, tinaggap mob
a? nagalit ka ba? Bakit ako? Bakit ko nararamdaman ito? Ano ang ginawa ko? Sinaktan mo rin sila tulad ng
ginawa nila sa iyo, MATA SA MATA, NGIPIN SA NGIPIN, gantihan lang ba?

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IKA-AMIN NA YUGTO

ANG PAGKADAPA AT PAGKAHULOG

Tagabasa: Ang pagkahulog ni Jess dahil sa bigat ng krus (ibabagsak ang krus sa harap ng participants)
Ilang beses siyang nahulog at nadapa dahil sa bigat ng krus. Pagod na siya, sugatan, at duguan. Pero pilit
parin niyang binubuhat ang mabigat na krus. Hanggang sa may tumulong. Si Simon na taga Cirene. Napilitan
man si Simon dahil sa utos ng mga bantay ng romano, tumulong pa rin siya. Dinala ni simon ang mabigat na
krus hanggang sa Golgotha
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IKA-PITONG YUGTO

ANG PAGPAKO KAY JESS SA KRUS

Tagabasa: Nang dumating ang lahat sa tuktok ng bundok sa lugar ng mga bungo, ang Golgotha. Inihiga
ang malaking krus sa lupa. Inilatay ang bubog at duguang katawan ni Jess sa krus. Inilapat ang kanang
kamaysa kahoy,kumuha ng malaking pako at pinatong sa kamay. Inasinta ang pako at walang tigil na
pinukpok ang pako gamit ang martilyo, hanggang sa tumagos ang pako sa buto’t balat at bumaon ang pako
sa kahoy At Muli itong inulit sa kaliwang kamay, Nilapat sa kahoy ang kaliwang kamay, pinatong ang pako
at pinukpok ng pinukpok hanggang maging isa ang pako, kamay, at kahoy. Sinunod naman ang paa nilapat
ang paa sa kahoy, pinagpatong ang dalawang paa. Pinatanong ang pako, inasinta, at pinukpok ng pinukpok
ng martilyo hanggang tumagos ang pako sa magkabilang paa, at tumagos sa mga buto. Itinirik ang krus sa
harap ng maraming tao nakatirik kasama ng dalawa pang may sala. Sa itaas ng krus at naka sulat ang mga
katagang ‘’SI JESS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA HUDYO’’.

Isang taong walang kasalanan. Isang taong hinusgahan at ipinako sa krus. Kaya mo bang akuin ang
pagkakamali ng iba? Paano naman ang pagkakamali at pananagutan mo? Kaya mo bang panagutan ang
pagkakamili ng iba, pero di natin nagagawang umamin sa sarili nating pagkakamali. Paano ba natin
pinagbabayaran ang mga pagkakamali natin? Kung hindi tayo mananagot may ibang mananagot para sayo
Tulad ng pagkapako ni Jess sa krus. Pinanagutan ni Jess ang kasalanan natin. Kung hindi mo kayang
magpapako sa krus para sa kabayaran ng mga kasalanan mo, tulad ng ibang tao sa paligid mo. May ibang
mananagot sa mga pananagutan MO Tulad ng ibang tao sa paligid mo. May ibang mananagot sa mga
pananagutan mo Hanggang kalian ka tatakbo? Hanggang kalian ka iiwas sa mga pananagutan mo?
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IKA-WALONG YUGTO

ANG MAGNANAKAW

Tagabasa: Si Jess at ang nagsising magnanakaw. May dalawang tao rin na nakapako sa krus sa
makabilang gilid ni Jess. Parehong criminal at nahatulan ng katulad sa kanya. Ang kamatayan sa krus
Nagsalita ang isa kanila ‘’HINDI BA IKAW ANG DIYOS NA MULA SA LANGIT, ANG TAGAPAGLIGTAS’’
bakit, hindi mo tawagan at utusan ang mga anghel sa langit para iligtas ka? Iligtas mo ang sarili mo! ‘’ Bago
pa man makasagot si Jess nagsalita ang nasa gawing kanan niya ‘’TUMIGIL KA! Hindi moa lam ang mga
pinagsasabi mo. Wala ka bang takot sa Panginoon? Nararapat lang sa atin ang kaparusahang ito. Pero siya
wala siyang ginawang Mali ‘’Tumingin ang lalaking ito kay Jess at sinabi ‘’ALALAHANIN MO AKO
ALALAHANIN MO AKO KAPAG NASA LANGIT KANA’’. “Pagkatandaan mo sa oras ding itoisasama kita sa
Paraiso’’ Wika ni Jess sa kanya.

Alalahanin mo ako. Sinabi nung isang criminal kay Jess. Kapatawaran ang hinihingi niya.
Kaparehong kapatawaran na hinihingi natin ngayon. Marami na tayong kasalanang nagawa laban kay Jess
at laban sa iba. Eto ang pagkakataong panagutan natin ang mga maling na gawa natin.
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IKA-SIYAM NA YUGTO

ANG MGA HULING SALITA

Tagabasa: Ang mga huling salita ni Jess. At Sinabi ni Jess, “AMA PATAWARIN MO SILA SAPAGKAT
HINDI NILA ALAM ANG KANILANG GINAGAWA’’.At sa pagbabaha -bahagi nila ng kayang kasuotan ay
kanilang pinagsapalaran(lucas 23:34). “KATOTOHANAN ANG SINASABI KO SAYO NGAYON DIN
ISASAMA KITA SA PARAISO’’(lucas 23:43).Pagpakakita ni Jess sa kanyang ina at sa nakatayong alagad
na kanyang minamahal ay sinabi niya sa kanyang ina “BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK!’’ nang
magkagayong sinabi niya sa kanyang alagad, “ANAK, NARITO ANG IYONG INA!’’ at buhay nang mga oras
na yaon at tinaggap siya ng alagad sa sarili niyang tahanan.(Juan 19:26:27). At ng malapit na ang mag-
iikatlo ng hapon ay sumigaw si Jess ng malakas na tinig “ELI ELI LAMA SABACHTHANI?’’ o ang ibig sabahin
ay DIYOS KO, DIYOS KO BAKIT MO AKO PINABAYAAN?’’ (Mateo 27:46) Pagkatapos nito, pagkaalam ni
Jess na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, upang matupad ang Kasulatan ay kayang sinabi
‘’NAUUHAW AKO’’ (Juan 19:28). Nag matanggap nga ni Jess ang Espongaha na isinawsaw sa suka, ay
sinabi niya na nakayukayo ang kanyang ulo. Sumigaw ng malakas na tinig ‘’AMA, SA MGA KAMAY MO
INIHAHABILIN KO ANG AKING ESPIRITU’’. At pagkasabi nito ay nalagot na ang kanyang hininga
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!
IKA-SAMPUNG YUGTO

ANG PAGKAMATAY NI JESS

Tagabasa: Namatay si Jess sa Krus. Nagulantang ang Guwardiyang nakabantay. Dumadagudong ang
kalangitan. Nagdilim ang langit. Yumanig ang lupa. Nagsikalat ang mga tao. Napunit ang tabing ng templo.
May isang guwardiya na kumuha ng sibat at tinusok sa tagiliran si Jess. Walang kibo. Patay na si Jess.
Ibinaba siya sa krus. Binalot ng putting tela, at inihimlay sa isang kweba at doon siya ay inilibing
(Manahimik sumandali)

Mga kapatid sabay-sabay tayong manalangin tugon;

O HESUS KO PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA, ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG


IMPIYERNO HANGUIN MO ANG MGA KALULUWA SA PURGATORYO LALUNG-LALO NA ANG MGA
HIGIT NA NAGANGAILANGAN NG IYONG AWA!

*papilahin ang mga participants. Blindfolds up


*Dadalhin sila sa activity area kung saan gaganapin ang Passion Skit(HT Skit)
*pagkatapos ng HT skit dadalhin an mga participants sa Disco at paupuin half
Circle ang posisyon paharap sa susunod na speaker
*ilagay sa likuran na bawat participants ang kandila
*bukod sa speaker at participants. Ang kandila
*Ang susunod na activity ay Easter Morning
*Ang lahat ay tutungo sa Mass area at maghihintay sa pagdating ng mga
Participants at sa pagdating ng mga partcipants kaagad sisimulan ang
Pambungad na awit na siyang hudyat ng pagsisimula ng banal na misa
*pagkatapos ng misa ibabalik ang mga participants sa disco para sa palanca
Habang ang mga sponsor ay nakapila sa labas
*at pag nakapila na ang lahat ng partcipants agad silang dadalhin sa palanca area

You might also like