You are on page 1of 1

Maaaring hindi komportable at hindi sanay ang mga mag-aaral na kumausap sa mga awtoridad kaya’t sila ay

kinakabahan kapag kailangan nilang makipag-usap sakanila. Ipinapakita sa Talahayanan Blg.1 na marami ang mag-aaral
na kinakabahan ay tumutugma ito sa kanilang katangian.

Maaaring nahihiya o hindi komportable ang mga mag-aaral sa kanilang mga kausap kaya hindi nila kayang
makipagtinginan sakanila. Ipinapakita sa Talahayanan Blg. 2 na marami parin ang hindi sanay makipagtinginan habang
nakikipag-usap sa iba na tumutugma sa kanilang katangian .

Maaaring natatakot ang mga mag-aaral na mahusgahan ng iba kaya’t tensyonado sila kapag kailangan pag-usapan ang
kanilang sarili o kanilang damdamin. Ipinakita sa Talahayanan Blg.3 na maraming mag-aaral ang tensyonado pagdatind
sa ganitong bagay na tumutugma sa kanilang katangian.

Maaaring magka-iba ng gusto, magka-iba ng ugali o hindi makasundo ng mga mag-aaral ang kanilang mga
nakakasalamuha kaya’t nahihirapan sila na maging komportable sakanilang nakakasalamuha. Ipinapakita sa Blg.4 na
maraming mag-aaral ang nahihirapan maging komportable na tumutugma sa kanilang katangian.

Maaaring hindi komportable at hindi sila matalik na magkaibigan kaya’t ang mga mag-aaral ay tensyonado kapag isang
tao lang ang kanilang kasama. Ipinapakita sa Talahayanan Blg. 5 na maraming mag-aaral ang tensyonado na lubhang
tumutugma sa kanilang katangian.

You might also like