You are on page 1of 2

SEPTEMBER 6,

2019
HANUDIN, ANTON P. BSCE-1 ST YEAR

GE-10(MWF 1:30-2:30)

NFA humingi ng karagdagang-pondo sa pagbili ng mga palay.

Humingi ng karagdagang pondo ang National Food Authority o NFA sa Palasyo ng


Malaknyang matapos na pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilhin ng
ahensya ang lahat ng palay ng mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Judy Carol Dansal na isang NFA Administrator, ika niya'y na hindi sapat ang
taunang pondo upang mabili ang lahat ng palay ng mga magsasaka.

Isinaad din ng NFA na kinakailangan din umano ng karagdagang bodega para sa mga
maibiling palay. "Kailangan mo ng bodega kung ang instruction ay lahat. Bibilhin mo,
bibili kami ng higher than out target and mandate, kailangan talaga ang pera." ani ni
Dansal.

Higit na 7 bilyong piso ang kabuuang halaga ang ibinibigay ng gobyerno sa ahensya ng
NFA bilang pondo kada taon. Na may katumbas na 9 milyong sako ng bigas o pang 15
na araw na buffer stocks.

Sa isang panayam, isinabi ni Magsasaka Party-list Representative, Argel Cabatbat na


suportado niya mismo ang inuutos ni Pangulong Duterte, ngunit kinakailangan
umanong ilatag kung gaano kabilis magagawa ang pagbili ng palay at kung saan
manggagaling ang nasabing pondo.
Pinag-utos ni Pangulong Duterte noong miyerkules ang ahensya ng NFA na bilhin ang
palay ng mga lokal na magsasaka upang maiahon ang mga ito sa pagkalugi dahil sa
bagsak-presyong mga palay.

Ang Rice Tarrification Law ang sinisisi ng mga magsasaka dahil sa pagsadsad sa
presyo ng mga palay. Bumuhos umano ang inaangkat na mga bigas, dahilan upang
bumagsak hanggang sa 7 piso ang presyo ng mga palay. Samantala, nasa higit 3,000
milyahan ng bigas ang temporaryong itinigil ang kanilang operasyon mula ng maisa-
batas ang rice tarrification law, ayon sa Philippine Confederation of Grains Association.

Noong nakaraang pebrero ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang batas sa rice


tarrification na nagtatanggal ng limitasyon sa pag-angkat ng bigas kasabay narin ang
pagpapabigat ng taripa sa mga imported na bigas.

You might also like