You are on page 1of 3

BanghayAralinsa FILIPINO

IkalawangMarkahan

WEEK 9 / DAY 3

Agosto 14, 2019

I. LAYUNIN
 Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, bagay, lugar at
pangyayari
F3PU – Ig -1-4

II. PAKSANG ARALIN


Ang Pangngalan sa Pagsasalaysay

Sangunian: K-12 Curriculum Guide FILIPINO

Teaching Guide pp.79-80

Kagamitan: mga larawan, laptop, TV monitor

III. PAMAMARAAN
A. Panlinang na Gawain

1. Balik-Aral
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
Bigyan ang bawat bata ng card na may nakasulat na ngalan ng tao, bagay,
hayop, at lugar. (Ang pangngalan ay may pantangi at may pambalana)
Hahanapin nila ang kanilang kapangkat.
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan

C. Paglalahad
1. Ipakita ang larawan ng iba’t-ibang lugar sa isang pamayanan.
2. Tutukuyin ng mga bata ang mga katulong sa pamayanan na makikita rito.
3. Ipabasa nang malakas sa mga bata ang kwento sa Alamin Natin.p.46

4. Pagtalakay at pagpapahalaga
Itanong:
 Sino-sino ang binanggit na katulong ng pamayanan dito?
 Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
 Tukoy ba ang tiyak nilang ngalan?
 Paano ito isinulat? Ano ang tawag natin kung hindi
tiyak o tukoy ang ngalan?
 Ano ang ngalan ng bawat katulong sa pamayanan sa kwento?
Ipabasa ang mga ngalan na inilista. Itanong: Kilala mo na ba kung sino
ang tinutukoy sa bawat ngalan?Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Paano ito isinulat?

Hayaang pumili ang mga bata ng pares ng pangngalan sa talaan

Ipagamit ito sa sariling pangungusap

5. Pagpapayamang Gawain
Kukuha ang mga bata sa kahon ng mga pangngalan at ilalagay sa tamang talaan
kung ito ay pangngalang pantangi o pangngalang pambalana.Gagamitin ito sa
sariling pangungusap.

C. Paglalapat
Ipangkat ang mga bata sa apat. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan at sumulat
ng mga pangungusap tungkol sa larawan gamit ang mga pangngalan.Guhitan ang
pangngalang ginamit at tukuyin kung pangngalang pantangi o pangngalang
pambalana. Ipabasa sa mga bata ang mga nagawang pangungusap.
D. Paglalahat
Itanong: Ano ang pangngalang pambalana? pangalang pantangi?

IV. PAGTATAYA
Iwasto ang mga pangngalan sa bawat pangungusap .
1. Si minda ay tumula sa paligsahan.
2. Bumili ako ng bagong lapis na monggol.
3. Ang aming aso na si browny ay mataba.
4. Nagpunta ako sa laguna kahapon.
5. Marami kaming handa tuwing sasapit ang pasko.

V. TAKDANG ARALIN
Makipanayam sa isang katulong sa paaralan. Sumulat ng dalawang pangungusap
tungkol sa mga gawain niya araw-araw,

Inihandani:

MARIBETH T. CASTILLO
Guro III

You might also like