You are on page 1of 2

“Jeep”

Pawisang nagmamadali ng tumakbo patungo sa umaarangkadang Jeep, “Mama!

sandal!” malakas na aking hiyaw, narinig naman ito ng pawisang mama, kaya agad-

agad naman niyang tinapakan ang preno ng kaliwang paa nito, “brrrp” huni ng mabilis

na jeep na agarang huminto, kumaripas ang takbo ko ng makitang huminto ang

umaarangkadang Jeep, di ko na pinansin kung puno na ito dahil sa aking pagmamadali,

nagtinginan ang mga ibang pasahero sa akin, siguro iniisip nilang “alam nang puno,

makikisiksik pa!” “pakiusod sa kaliwa!” sigaw ng nagmamadaling drayber, “ tiniis ko na

lang ang siksikan, tumirik ang mata ko sa ibang pasahero upang pagmasdan ang

kanilang reaksyon, nahagip ng aking mata ang tulog na ale na nakaupo sa likod ng

upuan ng drayber, mukhang napakahimbing ng tulog ng ale na hindi manlang napukaw

sa ingay na ginawa sa paghinto ng umaarangkadang Jeep, dumaan ang 5

napakahabang minute, nadaanan na naming ang 2 bayan, pero tulog parin ang ale,

nang may biglang pumara, na naman napa ‘sway’ kami dahil sa biglang pagtadyak ng

drayber sa preno, “kyah puno na kami, kung gusto mo sabit ka sa dulo”, ang sabi ng

drayber, ng di nag-alinlangan u-moo naman ang binata, sumabit ang binate sa jeep at

pinatok ang bubong hudyat na redy ng umalis ito, nang biglang sumigaw na “holdap to!”

hiyaw na lamang ng binatang sumabit sa jeep!.Napasigaw ang babaeng Kolehiyana na

katabi ko. Na napakalaki nitong pagkakamali. Ayaw yata ng holdaper ang maiingay.

Tinakpan agad nito ng kamay ang bibig ng Kolehiyana at itinutok ang baril na hawak sa

sentido nito.

“ Ilabas niyo na ang mga pera nyo!” sigaw samin ng holdaper, bata pa wala pang

biente-singko, “ Pati mga cellphone, alahas, lahat! Dahil kundi! Papatayin ko to!
Tumalima agad sila. Nagsilabasan ang mga pera, cellphone at mga alahas, walang

tumutol, walang nanlaban! Matatalinong tao sa isip-isip ko. Habang nangyayari ito

walang kamalay-malay na natutulog parin ang ale sa likod ng drayber, (teka? Bakit hindi

humihinto ang drayber? Walang kareareaksyon! Tatandaan ko platenumber mo loko!)

“Gisingin mo!” singhal sakin ng holdaper.

Tinapik ko ng makatatlong beses ang matanda bago ito maalimpungatan, napatingin ito

saakin saka sa holdaper.

“Anthony!?” hindi makapaniwala ang titig ng ale.”Ikaw ba yan?”

Natigilan ang holdaper, nanlaki ang mga mata at namutla. Nabitawan ang baril.

“Para na!” sigaw nito at dali-daling huminto ang jeep.

Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punumpuno ng hiya ang mukha nito. Para ngang

maiiyak pa.

“Sorry po Ma’am!”

At saka bumaba.

You might also like