You are on page 1of 3

DECIPHERED KAB 23MGA PALIWANAG

1. May dalawang pangkat ng mga tao na kausap si Simoun bago umalis ng kaniyang bahay sa Escolta.

2. Ang hospital at kumbento ng Santa Clara ay magkatabi ay sa pagitan ay ang kalye kung saan si Simoun ay makatapatan at
mayroong isang maliit na iskinita sa pagitan.

3. Ang tugtog ng kampana sa ika-walo ng gabi ay para sa mga kaluluwa ng mga taong namatay.

4. Ang Teatro Variedades ay nasa Sampaloc, madali itong napupuntahan ni Simoun dahilan sa mayroon siyang sasakyan. Maaring
ang waring estudyanteng kasama ni Simoun ay si Placido Penitente.

5. Makikita ang pagiging pabaya ni Camaroncocido. Tandaan na Kabanata 21 ay ipinakilala siya ni Rizal na waring mayroong
bariles kahit saang dako. Ang bariles ay tulugan. Nais ipakita ni Rizal na ang tauhang ito ay katulad ni Diogenes na may dalang
tab o paliguan na nagsisilbing kaniyang bahay at ipinapangaral ang pilosopiya ng Cynicism – o ang kahalagahan ng kaisipan ng
pagwawalang bahala.

6. Sa pagitan ng mga salita ay makikita ang kahusayan ni Rizal sa pagpapasok ng isang uri ng kaisipan. Isipin na lamang na ang
katayuan ng maysakit na si Kapitan Tiago ay ang kolonyal na pamahalaan – bugnot kapag kakaunti ang nakukuhang buwis sa
sakop na bayan. Ang pagkakaroon ng maraming salapi sa kabang yaman ay waring opyo na nakapagpapasugapa.

7. Sa pammagitan nito ay ipinapakita ni Rizal kung papaano tinatrato ng pamahalaan ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa
pamahaan.

8. Ito ang mukha ng kolonyal na pamahalaan, kapag napatunayan na tama ang ipinapayo ng mga nasasakupan na inaakala nilang
mga kalaban nila.

9. Katulad ng pamahalaan – kapag napagbibigyan ang masamang hilig ay saka lamang kinikilala na mga anak niya kaniyang mga
nasasakupan.

10. Katulad ng pamahalaan, kapag napagbibigyan ay saka naaalala ang mga pagpapakasakit ng mga nasasakupang mga
mamamayan.

11. Pangako ng awtonomiya pagkatapos ng mahabang panahon ng paghahari.

12. Parunggit ni Rizal - ito ay dahilan sa Pilipinas ay hinahangaan natin kaysa pinagsususpetsahan ang pagyaman ng mga taong
yumayaman sa katiwalian.

13. Hayaan na lamang na mamamatay ang kolonyal na gobyerno sa babagsak sa sarili niyang masamang bisyo at pamamahala. Ang
mga taong ito na pinarurunggitan ni Rizal ay ang mga tao na kakampi ng isang magnanakaw na administrasyon at ngayon ay
kakampi ng panibagong administrasyon.

14. Alam ni Basilio na kung totohanin ni Kapitan Tiyago ang kaniyang ipinangangako na pagpapamana ay hindi na siya maghihirap.

15. Ginagamot ng isang repormista ang sakit ng bayan.

16. Tulog ang pamahalaan sa opyo, na nagpapamanhid sa kabuuan ng sakit ng katawan ng bayan. Ito ay bunga ng mga pambobola
atlabis na pagtitiwala sa kapangyarihan na pinapanaligan niyang katulong niya.

17. Mula sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal na imposibleng si Simoun ang nagbibigay ng opyo sa maysakit. Ang nagbibigay ng
opyo at maraming opyo ay walang iba kundi si Padre Salvi. Magugulat kayo, kung mababasa sa mga linya ng pananalita ni Rizal
ang tunay na kahulugan ng simbolismo ng opyo sa kabanatang ito.

18. Si Basilio ay pinangakuan ni Padre Irene ng maraming mga oportunidad. Tandaan na si Basilio ay estudyante ng medisina at sa
malaon at madali ay mapapansin ng binata ang mga sintomas ng labis na tustos ng opyo sa kaniyang katawan. Isang anyo ng
kabayaran sa pananahimik.

19. Mapapansin din na ang pangako kay Basilio ay isang mapapasukan sa malayong lalawigan. Inilalayo ni Padre Irene si Basilio sa
Maynila, kung saan nagaganap ang krimen ng pari. Ang pangako ng pagtuturo ng Medisina ay isang anyo ng safety net ni Padre
Irene, ito ay kung mananatili si Basilio sa Maynila.

20. Isang malaking kabalintunaan na ang mga pangako ni Padre Irene ay nagkaroon ng katuparan sa mismong sumulat ng nobelang
ito. Si Rizal ay ipinadala sa isang malayong lalawigan ng Zamboanga (Mindanao) sa bayan ng Dapitan.

21. Magiging ang tagapagturo ng medisina ay isang malaking pagbibiro ng kapalaran, sapagkat si Rizal ay pinangakuan na
papagturuin ng medisina sa UST, kapalit ang pagbawi sa lahat ng kaniyang mga simulat laban sa simban. Ang alok na ito ay
sinagot ni Rizal na “hindi ninyo ako nalunod sa dagat, at ngayon ay nais ninyo na ako ay lunurin sa isang basong tubig.”

22. Ang mga elemento na binabanggit rito ni Rizal ay isang mahusay na simbolismo ng edukasyon sa Pilipinas.

23. Matandang lamesa na kumakatawan sa makalumang saligan ng edukasyon, ang mga taong simbahan.

24. Malabong ilaw na kumakatawan sa makalumang edukasyon

25. Malabong pantalyang bubog ay kumakatawan sa sensura sa edukasyon


26. Ang madilim na mukha ni Basilio ay produkto ng kaniyang makalumang edukasyon – tandaan na ang edukasyon ay inaasahan
na magbibigay ng liwanag ng isipan.

27. Ang lumang bungo at mga buto na nakalagay sa lumang lamesa ay kumakatawan sa mga namatay bunga ng lumang
pamamaraan ng panggagamot at sa panahon na ito ay nabubuhay ay maaring naging biktima pa ng kaapihang panlipunan. Ang
katotohanang iyon ay makikita sa eksistensiya ng kaniyang bungo at buto sa lamesa

28. Si Basilio ay pinangakuan ni Padre Irene ng maraming mga oportunidad. Tandaan na si Basilio ay estudyante ng medisina at sa
malaon at madali ay mapapansin ng binata ang mga sintomas ng labis na tustos ng opyo sa kaniyang katawan. Isang anyo ng
kabayaran sa pananahimik.

29. Mapapansin din na ang pangako kay Basilio ay isang mapapasukan sa malayong lalawigan. Inilalayo ni Padre Irene si Basilio sa
Maynila, kung saan nagaganap ang krimen ng pari. Ang pangako ng pagtuturo ng Medisina ay isang anyo ng safety net ni Padre
Irene, ito ay kung mananatili si Basilio sa Maynila.

30. Isang malaking kabalintunaan na ang mga pangako ni Padre Irene ay nagkaroon ng katuparan sa mismong sumulat ng nobelang
ito. Si Rizal ay ipinadala sa isang malayong lalawigan ng Zamboanga (Mindanao) sa bayan ng Dapitan.

31. Magiging ang tagapagturo ng medisina ay isang malaking pagbibiro ng kapalaran, sapagkat si Rizal ay pinangakuan na
papagturuin ng medisina sa UST, kapalit ang pagbawi sa lahat ng kaniyang mga simulat laban sa simban. Ang alok na ito ay
sinagot ni Rizal na “hindi ninyo ako nalunod sa dagat, at ngayon ay nais ninyo na ako ay lunurin sa isang basong tubig.”

32. Ang mga elemento na binabanggit rito ni Rizal ay isang mahusay na simbolismo ng edukasyon sa Pilipinas.

33.

34. ng isang mag-aaral ng medisina at wala sa isang libingan. Ang palanggana ay kinalalagyan ng mainit na tubig at ang espongha na
ipinupunas niya sa kaniyang mukha ay simbolismo ng pagpapakasakit.

35. Ang amoy ng opyo ay katulad ng mga makalumang aral ng simbahan na nagpapatulog sa malayang pag-uusisa.

36. Ang patuloy na pag-aaral ng siyensiya ang panlaban sa aral na opyo ng ikinakalat noon ng mga tagapagturo ng kolonyal na
Kristiyanismo.

37. Pansinin sana na ang pamagat ng libro na ginagamit ni Basilio sa pag-aaral ng bungo at mga buto ay “Medicina Legal at
Toxicologia” – ang medicina legal ay pag-aaral sa naging tunay na dahilan ng pagkamatay ng tao at ang kaalaman na ito ay
ginagamit sa pag-iinbestiga ng mga krimen. Ang taxicologia naman ay pag-aaral kung sa epekto ng lason sa katawan ng tao.

38. Si Dr. Pedro Mata y Fontanet (1811–73) isang dalubhasang manggamot na Espanyol, nagturo ng kursong Medico Legal sa
Universidad Central de Madrid noong 1840’s. Ang kaniyang aklat na ito ay umabot hanggang sa ikalimang edisyon.

39. Si Dr. Pedro Mata ay isa sa mga dakilang manggagamot na nagbigay daan sa modernisasyon ng pag-aaral ng medisina sa
Espanya.

40. Mula sa kaligiran ng personalidad na ito ay tiyakan na pinili ni Rizal na gamitin at banggitin ang aklat na kaniyang sinulat sa
kaangkupan ng kabanatang ito.

41. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng aklat mula sa kaniyang hiniraman.

42. Ang guro ni Basilio sa aralin ay isang pangahas at mahusay na guro ayon sa aklat na ipinagamit niya sa kaniyang mga
estudyante sa Medisina Legal at Taxicologia.

43. Bakit ipinagbabawal na ipasok sa Maynila ang aklat ni Dr. Pedro Mata?

44. Si Dr. Pedro Mata ay isang hindi lamang manggagamot, siya ay isang pilosopo at alagad ng panitikan. Dalawang beses na siya ay
ipinatapon/exile dahilan sa kaniyang pampulitikang pananaw at ang kaniyang nobela ay ipinagbawal na mapalathala.

45. Tandaan na si Rizal ay nagtapos ng dalawang kurso una ay ang pagiging manggagamot at ikalawa ng pilosopo at panulat sa
Unibersidad Central de Madrid.

46. Ano ang mga aklat na hindi binuksan ni Basilio na galing sa labas ng Pilipinas na naglalarawan ng kalait-lait na kalagayan ng
bayan? Hindi pa matiyak ng nagsasaliksik ang mga iyon – subalit ang mga nilakihang salita sa bahaging ito ay magpaparamdam
na ang aklat na nais tukuyin dito ni Rizal ay ang NOLI ME TANGERE.

47. Ano ang katunayan na Noli Me Tangere ang aklat na tinutukoy?

48. “na doo’y kasama ang sa kapanahunang iyon ay siyang napupuna ng lahat dahil sa masama at kalait-lait na pagpapalagay sa
mga anak ng bayan” Sa panahong isinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay ipinagbabawal na ang pagbabasa ng Noli sa
Maynila at ang may kalakip na parusang pagkakulong ang sinuman na mahuhulihan nito.

49. Hindi masarap na makabasa ng insulto na hindi mo naman masasagot.

50. Sinesensor ang mga pahayag na laban sa gobyerno at simbahan, subalit pinahihintulutan ang mga lathalain na dumudusta sa
mga Pilipino.
51. Sa mismong salas na iyon sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere ay makikita ang kasayahan ng kapaligiran at katuwaan ni Kapitan
Tiago. Sa pagkakataon na ito ay inilarawan ang iisang tagpuan sa napakapanglaw na ambiance

52. HALIMAW TALAGA ITO SI RIZAL. – Pansinin na ang tinatanong ni Simoun ay ang maysakit, samantalang ang tintingnan naman
niya ay ang mga polyetos at NOLI ME TANGERE na tumatalakay sa kanser ng lipunan.

53. Napakatalas ni Rizal – ang mga sinasabi ni Basilio kay Simoun ay mga sintomas ng karamdaman ng isang pasyente na biktima ng
pagkalason.

54. Talagang ibang pasyente ang tinutukoy ni Rizal sa pamamagitan ng titig ni Simoun sa aklat.

55. Ang ipinapaliwanag ni Basilio sa bahaging ito ay ang marupok na kalagayan ng pasyente – tinatawga ito ng mga nag-aral ng
medisina na septic shock.

56. Gaya ng Pilipinas na kalat na ang lason ng korupsiyon at ang mga organo ng katawan ay hindi na gumagana na mabuti at ang
isang biglaang pangyayari ay maaring makapagpabagsak sa kolonyal na pamahalaan.

57. Napansin ni Basilio na ang kaniyang mga paliwanag na medikal ay binibigyan ng politikal na komparison ni Simoun at dahil dito
ay iniba niya ang pagpapaliwanag sa kalagayan ng maysakit – mulo sa punto ng taxicologia tungo sa pagpapaliwanag na ang
gamit ay sikolohiya.

58. Makikita ang talas ni Simoun, ito ay nang patuloy pa rin niyang hindi pinalalampas ang pagbabagong paksa ni Basilio. Ang
nagpapahina sa pamahalaan ay ang takot at bangungot.

59. Paglalarawan ni Basilio sa labis na estado ng disilusyon ng pasyente.

60. Nagagalit ang kolonyal na pamahalaan sa mga nagmamalasakit na taong bayan at inaakala na ang mga liwanag na kaniyang
nakikita ay galing sa mga alagad ng kolonyal na simbahan. Tama po ba ako Father… kelan po uli tayo magkakaroon ng pagkilos
laban sa RH Bill?

61. Ang kolonyal na pamahalaan ay hinahanap-hanap ang kaniyang mabuting nagawa noong mga nakalipas na panahon, na
kinupasan ng bisa. Ang pagbibigay ni Basilio ng isang inahin, kapalit ng isang namatay na tandang ay simbolismo na ang maliit
na remedyo at ang malaking pagbabago ay magkapareho lamang sa kolonyal na pamahalaan.

62. Nota: Magkakaroon ako ng pagtutuwid o kalibrasyon sa kronolohiya sa nakalipas na anotasyon sa kabanata 22. Ang ikasiyam
sabay ng pag-awit ng scit, scit, scit, ay lumilitaw na panahon ng pagtatanim ng bomba sa tanghalan at ang gagamitin ay isang uri
ng time bomb.

63. Akala ni Basilio, ang kaniyang magiging papel sa himagsikang pasisimula ni Simoun ay serbisyong medikal para sa mga
masusugatang kalahok nito.

64. Ipinapaalam na ni Simoun na sa isang iglap ay lilipulin na niya ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan at militar sa
Maynila at ito ay ang pagsabog ng tanghalan.

65. Walang makakatayo sa gitna ng dalawang naglalabanang pangkat. Sa isang rebolusyon ay kailangang pumanig ang tao sa
alinman sa dalawang naglalabang pangkat.

66. Mula sa leksiyon ng mga himagsikang anti-klerikal sa Europa na lumaya mula sa malakas na inpluwensiya ng simbahan sa
kanilang mga lipunan.Maging ang Espanya sa kaniyang mga digmaang sibil noong ika-19 na siglo ang simbahan ay nakaranas na
samsaman ng estado ng mga ari-arian partikular ang kaniyang mga kumbento.

67. Mapansin na ang pagdadalamhati ni Kapitan Tiago ay nawala noong humitit o ipinahitit sa kaniya ni Padre Irene. Ang relihiyon
at ang opyo ay kapwa gamit sa pampapalubag ng kalooban. Ang opyo nga lamang ay narkotiko na sinisindihan, samantalang
ang opyo ng relihiyon ay sinisindihan sa pamamagitan ng kandila o ng insenso.

68. Mapalad ang isang babae na hindi mag-aanak sa bayan na ang kaniyang anak ay magiging alipin.

69. Mga Pilipinong mulat na mayroon silang dapat na maging kalayaan, samantalang pinagkakaitan sila.

You might also like