You are on page 1of 44

DOPPLER

EFFECT

THE
JOURNEY
PART 1

"Tell me about yourself"

Shock's! Eto na panibagong yugto na naman


ng buhay ko. Goodbye junior life, Hello
senior high Life.

"I'm Czynah Vergina Aguilar, 16 yrs old


graduated in CTUST, from Cabanatuan,
pakilala ko.
Nakasalamin na babaeng matanda ang nag
interview sa akin. Mukha syang masungit
pero okay naman din. Hindi naman ako
natatakot kase may piso ako sa loob ng
sapatos.

"Kamusta ang araw mo?" Sabi nya.

"Okay naman po."

"Gaano ka okay ang okay mo?"


Natahimik lang ako sandali at ngumiti
sakanya

"Masaya po na kinakabahan." sabi ko

Tinignan nya yung requirements ko at una


nyang tinignan yung card ko maya maya
bigla nyang binaliktad at nakatitig sya ng
matagal.

"Hindi nako magtataka kung mataas ang


grades mo. Dahil halos lahat naman ng nag
eenroll dito e matatalino, One thing na
nakuha ang attention ko halos lahat ng
nakasulat sa likod ng card mo sa student
character ay OA, It means hindi kalang
matalino mabait kapa." Sabi nya

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Sa dami ng nahawakan ko ng records bihira


lang ang may makakuha ng puro line OA sa
values."

Ngumiti lang ulit ako, dahil diko rin alam


sasabihin ko.Para sakin naman natural lang
yon dahil mas tutok naman ako sa
academic.

"Alam mo bang binibigyan ng award ang


studyante na katulad mo. Dito kase kapag
puro line OA nasa characters mo
inaawardan namin." Sabi nya

Nagulat naman ako sa sinabi nya, hindi rin


kase ako sanay pag pinupuri ako ewan ko
kung bakit pero nahihiya ako.
Dahil don lang? Paano naman ako bibigyan
ng award nh dahil lang don. Sabi ko sa isip
ko.

"Ah..ehh bakit naman po." Sabi ko

"Dahil hindi lang puro talino, dapat may


magandang ugali kadin, bilang isang
studyante hindi dapat laging bumabase
kalagi sa marka dapat may good character
kadin at based don sa record mo lahat yon
meron ka." Sabi nya
Simula kase sa makadios hangang
makabansa OA ang nakasulat, Tumingin
lang ako sakanya at pinakinggan lahat ng
sinasabi nya,
Napansin ko naman na nakangiti sya.

"Yan kase una kong tinitignan talaga, dahil


dito makikita ko kung ano ang behavior ng
isang studyante, iba na kase mga kabataan
ngayon." Sabi nya.

Nakatingin lang ako kay ma'am at nakikinig.


"Kaya ikaw pag nakapasa ka dito wag mo
silang tutularan, dapat ikaw ang tutularan
nila, ikaw ang manghawa sakanila." Sabi nya

Natuwa naman ako sa compliment ni


ma'am to mukang nakakatakot naging
mukang mabait pinakinggan ko lang yung
mga sinasabi nya mayamaya may inabot na
sakin si ma'am na papel nakalagay don yung
schedule kung kailan ako mag eexam.

Umalis naman na ako at nag pasalamat.


Grabe kinabahan ako pero diko inaasahan
yung nangyari kanina.

.
.
.
.
.
.
.

+++

Eto na kinakabahan na naman ako, hindi pa


naman ako nag basa basa, sabagay di
naman nila sinabe kung ano yung coverage
ng entrance exam. Kaya lalo akong
kinakabahan nasa labas ako ngayon ng
SCUST kung saan ako nag enroll pumikit
muna ako at huminga ng malalim staka ako
pumasok hinanap ko naman agad kung
saang room ako, sa paghahanap ko nakita
ko naman si Alex. Kasama ko sya sa dati
kong school kaya magkakilala na talaga
kame.

"Uyy...." Sabi ko

"Uyy....hello" Sabi nya

"Anong room ka?" sabi ko

"Room 2 ikaw?" Sabi nya


"Room 4." sabi ko

Nalungkot naman ako bigla at yun din


nakita ko sakanya.

"Ano bayan dipa tayo magkasama wala pa


naman ako kakilala dito." Sabi ko

"Kaya nga nakakainis naman", sabi nya


"Hayaan na nga lang natin, pagbutihan
nalang natin sa entrance exam". Sabi ko

Mayamaya nakita na namin yung room ni


Alex at nag paalam narin ako para hanapin
kung saan ako nakaroom.

Umakyat ako sa second floor at doon ko


nakita yung pangalan ko pag pasok ko iilan
palang kami sa loob siguro mga nasa pito
palang kame maya maya nagdadatingan
naman na yung iba lahat kame dito sa room
ay transferee kaya medyo awkward at
tahimik."
Bigla naman may tumabi sa akin at medyo
na mukaan ko sya kaya kinausap ko

"Hello". Sabi ko

Ngumiti naman sya tas nag hi.

"Sa CTUST karin grumaduate diba?" Sabi ko


"Ah oo". Sabi nya

"Kaya pala familiar ka". Sabi ko

"Ahh oo namumukaan nga kita e nakikita


rin kase kita don". Sabi nya

"Ahh hehehe parang tayo lang dalawa same


ng school dito sa room, Czynah pala pakilala
ko".
"Ahh Joanah pala pakilala nya".

Maya maya may pumasok na teacher at nag


pakilala.

"Good morning class. Ako pala si teacher


Ronnie call me sir ron. I see lahat kayo dito
ay transferee, Alam nyo naman na siguro
ang kalakaran ng school dahil lahat kayo na
interview hindi nakayo mga bata para
paalalahanan pa kung ano kayo sa school na
pinanggalingan ibahin nyo na dito".Sabi nya

Matangkad, bigotilyo at maganda ang tindig


ng katawan nya. Gwapo naman si sir kaso
masungit magsalita at nakakatakod ang
dating nya.

"Mukang masungit nakakatakot mag salita


eh". Sabi ni joanah

"Oo nga tas yung datingan niya kakaiba" .


Sabi ko

Pagkatapos mag pakilala ni sir Ron at


pinaayos na nya kami at sinimulan nya nang
mag pamigay ng test paper.
+

Paglabas ko ng room ay pumunta agad ako


kay Alex para sumabay na pauwi.

"Ano kamusta yung exam". Sabi ko

"Ayun ayos lang naman, pero grabe


nakakapagod tong araw nato". Sabi nya
"Buti ka pa e ako nga nahihiya nga ako sa
mga kaklase ko e, pangatlo ako sa last na
natapos grabe ang bilis nila sumagot". Sabi
ko

"Ano kaba kaya yan ikaw pa". Sabi nya

"Hehehe, na mangha lang ako kase ang


gagaling nilang lahat at halatang
matatalino". Sabi ko.

Naglakad na kame ni Alex para umuwi,


habang naglalakad kame may napansin
kaming teacher na lalaki na pinapagalitan
ng isa pang teacher.

"Grabe noh kawawa naman yung teacher


nayun. Sabi nung isang istudyante malapit
samin"

"Kawawa naman,grabe naman yung


teacher nayun". Sabi ni Alex

"Baka naman kase malala yung kasalanan".


sabi ko nalang.
Medyo natulala ako "Si si...sir Ron yun!"
sabi ko kay Alex.

"Kilala mo" sabi nya.

"Ahhh oo sya yung nag bantay samin


kanina" sabi ko.

Awang awa naman kame ni Alex.


"Ang creepy kaya nyan ni sir Ron nako sana
diko sya maging teacher ulit, oo nga staka
walang bago lagi naman napapagalitan yan
si sir Ron sa office noh" sabi naman nung
mga istudyante na nakasalubong namin

"Parang di naman" bulong ni Alex sakin


habang nakikinig sa mga studyante.

"Nakakatakot talaga sya kase Ang sungit


nya sa room, Pero diko inaasahan to". Sabi
ko sakanya
Nagpatuloy na lang kame sa pag lalakad ni
Alex pag dating namin sa labas ng school
sumakay na kame ng jeep para umuwi.

Mga 1:40pm na ako nakauwi medyo


nararamdaman ko narin yung pagod malayo
din kase yung binyahe ko e

Pagdating ko ng bahay napaka dumi


nakakalat lahat ng damit nila sa sofa
pumunta naman ako sa kusina para
uminom pero walang baso pag tingin ko sa
lababo napakadaming hugasin tambakan.
Nakita naman ako ni tita.
"Oh! Czynah nandito kana pala bakit ngayon
kalang bilisan mo na, Mag bihis kana at
magtrabaho maglinis ka ng bahay ah pati sa
kwarto ko, Aalis lang ako saglit pagbalik ko
dapat malinis na ah dadating mga kumari
ko" sabi nya.

Nakakainis! Sya na ata ang pinaka


nakakabwisit na taong kilala ko napaka
plastic na tao at puro utos ng utos, Step
mom ko sya, Wala na kase si papa after
nilang magpakasal isang taon lng namatay
na agad si papa.
"Opo tita" sagot ko sakanya at ngumiti lang
sya.

sumunod nalang ako at nag linis pag tingin


ko sa orasan mga 5:30pm na kaya nag
madali na ako tapusin lahat pagkatapos ko,
Umagyat agad ako sa kwarto ko para
maglinis ng katawan pag katapos ko umalis
na agad ako ng bahay para pumasok sa bar
ni tita.

Nag tshirt na ako ng white at nag lagay ng


scarf sa noo. Muka tuloy akong albularyo
palagi. Plus pa yung nakasabit sa bewang ko
kung saan nakalagay yung mga panlinis ng
mga table at kung ano ano pa.
"Ohh Czynah, sa table 1 to" sabi ni kuya
Cris. Parang sya kase yung boss namen at
namamahala sa cashier, mabait sya at
talagang matulungin.

Kinuha ko yung sisig na order at 5 beer at


binigay sa table 1. Mga studyante tong mga
to kase mga naka uniform pa sila.

"Hey! Waiter, pa order naman ng babae"


sabi ng isang lalaki sa table 3.
"Bwisit ka tol, bakit nag iinom kana
naman?" Si Mattew yun tropa ko at mukang
walang kasama.

Si Mattew ang nag iisang lalaking kaibigan


ko actually crush na crush ko sya dati pa
pero diko masabi kase nahihiya ako, Kaya
nga ang saya ko nung naging magkaibigan
kame. Naalala ko first year kame nung
makilala ko sya medyo badboy kase
datingan nya kaya di kame magkasundo
non.

"Ehh kase nakakaiyak yung get up mo, sino


ba nakulam at nagiging albularyo kana
naman?".
"Hahaha ewan ko sayo, nakakainis nga
uniform namin eh"

"Uniform, eh kahit naman hindi ka


nakaganyan, mukha ka paring albularyo sa
porma mo. Haha" Pang aasar nya

"Ano bang masama sa porma ko?" Mahilig


kase ako sa large na damit at elephant na
pants. Siguro, korny pero dito kase ako
komportable e.
"Ang yabang mo!" sabi kopa.

"Joke lang tol. bigyan mo nalang ako ng


beer please, staka tuna sisig mag iinom
lang ako mag isa dito."Sabi nya

"Staka sama mo narin pala si Jessica sabihin


mo table ko sya hehehe",Sabi nya

Si Jessica yung isang waiter na maganda,


maganda talaga sya dimo kase maikakaila.
Minsan nga gustong ibooking kaso hindi
naman ganito yung bar namen. May mga
gusto rin mag booking sakin pero syempre
ayoko staka bawal dito samin yun.

"Baliw ka, akin muna si Jessica bawal yun."


Sabi ko

"Nako selos kalang eh gusto mo ikaw nalang


hahahaha", Sabi pa nya.

"Che ewan ko sayo" Sabi ko nalng


Umalis na ako para kunin yung order nya.
So, ganun nga yung buhay ko. Nag aaral ako
sa umaga, nagttrabaho naman ako sa gabi.
Kaya wala akong oras sa lovelife imbis na
mag lolovelife ako itutulog ko nalang.

Yung shift ng trabaho ko palaging 6pm-9pm.


Kapalit non allowance ko at tuition sa
school. Malaki rin naman kaya okay na
May ilang linggo nalang ako kaya lagi akong
nag OOT sa trabaho pasukan na kase sa
susunod na linggo okay narin yun para
makaipon ako.

Pauwi na ako samin. Nakatira rin ako sa


bahay namin ni papa dati na ngayon
inangkin na ni tita Maggy. Sakanya kase
napunta lahat ng ari arian ni papa.
Pag uwi ko as usual maraming kalat sa sala
at tambakan ang mga urungin sa kusina
wala kasing alam yung mga tao dito kaya
ako lang laging kumikilos. Naglinis ako ng
bahay at pagkatapos tsaka ako umakyat
agad sa kwarto ko pumunta agad ako sa cr
may cr din kase yung kwarto ko kaso sira
yung lock. Pagkatapos ko maligo at
magbihis humiga na agad ako hindi nako
bumaba baka utusan na naman nila ako. Sa
sobrang pagod ko diko na namalayang
nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako medyo maliwanag na


pagtingin ko sa cellphone ko 8:23am na,
agad naman akong bumangon para mag
asikaso sa baba. Ako kase taga luto at nag
lilinis ng bahay tamad kase mga tao dito
kaya ako lang gumagawa.

"Czynah hindi kapaba tapos nagugutom


nako kanina kapa dyan" si Kim yun step
sister ko sya anak ng bruha kong step mom.
Halos kaidaran ko lang kase sya.

"Isa pato manang mana sa nanay nya nako


kung buhay lang si papa sana may kakampi
ako". Sabi ko sa isip ko
"Malapit na napo" sarcastic kong
pagkakasabi.

"Aba dapat lang kukupadkupad ka kase


kumilos"Sabi nya.

Diko nalang pinansin at naghain nako sa


sala sila kumakain tas ako sa kusina. Okay
narin sakin yun para diko sila nakikita.
Pagkatapos ko kumain nag linis nako ng
pinag kainan nila at nag hugas ng plato.
Umakyat naman na ako sa kwarto ko at
nahiga tumingin muna ako sa cellphone ko
at nag bukas ng data pag tingin ko sa
messager ko nag pop up agad chat sakin ni
Alex.
"BB nakita mo naba yung post sa page ng
SCUST tignan mo dali"Sabi nya.

Pumunta naman agad ako sa page ng school


at sa sobrang gulat ko napatayo agad ako sa
sobrang tuwa pang 4 ako sa mga nakapasa.

"BB nakapasa ako" Sabi ko sa kanya

"Alam ko BB kaya nga sinabi ko sayo dipa na


tignan mo" Sabi nya
"Ikaw! nakapasa kaba? Tanong ko

"Oo BB pang 14 ako" Sabi nya

"Congrats BB" Sabi ko

"Congrats satin"Sabi namn nya


"Sige BB matutulog na ako salamat ulit"
Sabi ko

"Ano kaba wala yun ikaw paba"

Grabe sa dami nang nag exam diko akalain


na papasa ako at pang 4 pa
Grabe di ako mapakali sa saya.

Chinat ko rin si Mattew para sabihin na


nakapasa ako. Pero offline sya kaya pinatay
kona agad yung data ko at nagpahinga.
++++++++++++++++++++++++++++++++

Guys support nyo naman po yung page


namin hehehe Doppler effect visit po kayo

First time ko palang gumawa ng podcast


pero maganda yung story sana pagpatuloy
nyo lang yung pag babasa hehehe.

Maganda po sya base sa true life medyo


may mga binago lang ako
Abangan nyo po yung mga susunod na
mangyayri sa buhay ni Czynah.
Chapter 2

Nasa tapat ako ngayon ng SCUST medyo


kinakabahan ako kase wala ako masyadong
kilala. Pumikit muna ako saglit at huminga
ng malalim, tinext ko narin si Alex Kung
nasan sya pero hindi pa nag rereply.

Bigla naman may kumalabit sa likuran ko.


Nagulat naman ako pag tingin ko si Mattew
pala yun. Naka uniform din sya nang pang
SCUST.
"Ohh.. Bakit parang gulat na gulat ka?" Sabi
nya.

"Bakit naka uniform ka ng SCUST kala koba


ayaw mo umalis sa CTUST?" Bungad ko
sakanya.

"Eto naman bawal naba mag bago nang isip


namiss ko lang yung best friend ko, ikaw ha
mag tatampo nako sayo lagi nalang kayo
magkasama ni Alex." Sabi nya

Sinabi ko kase sakanya na kasabay ko si Alex


nung exam. kaya alam nya.
"Ikaw eh madaya ka pano ka pala nakapag
enroll ehh di naman kita nakita nung
enrollment staka nung nag interview?"

"Ehh magkaiba kase tayo ng schedule staka


okay narin sakin yun para surprise"

"Nag chat pako sayo hindi kamanlang


nagreply" Sabi ko.
"Hahahh, actually sinadya ko yun kala ko
nga pipilitin mo ko sumama sayo mag enroll
hindi pala kaya nga nag tatampo nako
huhu."

"Nako ang drama mo tara na pumasok baka


mamaya pa si Alex" Sabi ko sakanya.

Umakbay naman sya sakin staka


pumasok na kame ng school para hanapin
kung anong section kame.
Malaki din tong school malapit sa gate yung
gymnasiums malaki din yung field, Sa
sobrang lawak pwede nang gawing terminal
ng bus. May tatlong court din dito at may
studio din sila. Sa pagod namin ni Mattew
kakalakad ng room namin inaya ko mina sya
mag pahinga buti nalang maaga pa. Nasa
canteen kame ng school ang ganda rin nang
canteen nila open area at may second floor
pa parang fast food ang datingan.

"Gutom kana ba?" Tanong ni Mattew sakin.

"Oo, tara umorder na tayo hindi rin kase


ako kumain sa bahay e naiinis din kase ako
sa mga tao don" Sabi ko.

You might also like