You are on page 1of 1

Hanguan ng Kaalaman

Sa pag-usad ng panahon, samu’t saring kasanayan ang matutunghayan


Puno’t dulo nito’y edukasyon na Maykapal natin ang nagkaloob
Pagka Pilipino nati’y nahubog, ating pagkakakilanlan ay natunton
Pagka’t kaalaman rin ang nag-ugat sa tinatamasa natin ngayon

Imulat mo ang iyong mga mata, ipahayag na ang edukasyon ay mahalaga


Saan ka man dumako sa iba’t-ibang lugar ng ating bansa
Kamalayang dulot ng edukasyon ay makikita
Tiyak maipagmamalaki mo na tayo ay Pilipino na ganap sa puso’t diwa

Ika’y humakbang kaakibat ng matibay na paniniwala


Kasabay ng dalisay mong ambisyon
Ibunyag na kaalaman nati’y susi sa pangarap
Dahil rito’y maaabot natin ang ating tagumpay na abot alapaap

Edukasyon ay nararapat nating pahalagahan


Hindi lamang sa paghubog ng ating kinabukasan
Ito rin ay para sa patutunguhang bukas nating mga sambayanang Filipino
At ito’y pinto sa ambisyon nating umaatikabong

You might also like