You are on page 1of 3

NAPAKALAYO sa atin ng Amazon rainforest, nasa kabilang

bahagi ito ng mundo, na inihihiwalay sa atin ng Karagatang


Pasipiko at sa kabilang bahagi ng mga kontinente ng Asya at
Africa at ng Karagatang Atlantic, na maaari natin itong balewalain.
Ngunit sa nangyayari ngayon—ang sumisiklab na sunog sa
kagubatan—maari itong makaapekto sa buong mundo, kabilang
dito sa ating bansa.
Walong buwan nang nananalasa ang sunog sa iba’t ibang bahagi
ng Amazon rainforest, malaking bahagi sa Brazil ngunit may
bahagi rin sa Paraguay at Bolivia. Ipinapakita ng mga imahe mula
sa satellite ang mga usok na nagmumula sa forest fire na patuloy
na lumalamon sa bahagi ng buong kontinente ng South America.
Sinasabing ang bilang ngayon ng mga naitalang wildfire sa lugar
ay 84 porsiyentong mas malala kumpara noong nakaraang taon.
Sa gabi ng idinadaos na summit ng Group of 7 (G7) na mga
bansa sa France nitong nakaraang Linggo, tinawag ni French
President Emmanuel Macron na isang ‘international crisis’ ang
nagaganap na sunog sa Amazon at hinikayat na maisama ito sa
agenda ng G7. Una nang nabanggit ng Germany at Norway ang
tila kawalan ng aksiyon ng Brazil para labanan ang deforestation
at nagdesisyong ipagpaliban muna ang $60 milyong na ilalaan
sana para sa proyektong magpapanatili ng kagubatan sa Brazil.
BATAY SA AKING PAGASASALIKSIK AY 400 (PLUS)
NA INDIGENOUS PEOPLE ANG NADAMAY SA
NASABING SUNOG.

You might also like