You are on page 1of 1

Sa isang artikulo na ginawa nina Blasco, P., Blasco M.

, Janaudis, Leviste at Moreto, (2015) kung


saan nagbigay ang mga awtor ng mga karanasan sa mas mainam na pagtuturo na iniugnay sa
tinatawag na “cinematic teaching”. Ayon sa kanila, ang pagkatuto ay maaaring sa iba't ibang
pamamaraan kung saan magkakaroon ng repleksyon ang mga estudyante sa kanilang sariling
kaalaman. Binigyang-diin ng mga manunulat na ang pagkatuto ay mas napapamalas kung may
emosyon na kasama at epektibo sa mga mag-aaral o tagapakinig. Kabilang dito ang “cinema” na
binigyang depinisyon bilang isang audiovisual na pagkukuwento na makahahasa sa emosyon na
nagsisilbing pundasyon sa pagsusuri ng mga konsepto ng isang palabas. Dagdag pa rito, ang mga
emosyon na nakukuha sa mga pelikula ay nakakapagpaunlad ng mga pag-uugali na nagagamit sa
araw-araw na pamumuhay. Sa kanilang pahayag, pinakita ang epektibo ng pagtuturo gamit ang
mga pelikula (movie-clip methodology) habang may sinasabing mga komento. Ang pamamaraan
na ito ay sinabing nakapagpaunlad sa pagtuturo at propesyon, higit sa lahat ay makakatulong sa
mga manonood upang maintindihan ang mga kaugalian, pamumuhay, aral, at mismong kwento
ng isang pelikula.

Blasco P., Blasco M., Janaudis, Leviste, & Moreto. Education through Movies: Improving
teaching Skills and Fostering Reflection among Students and Teacher. University of California,
2015.

You might also like