You are on page 1of 2

Ulanday, Alexandra Zoila D.

August 13, 2019

2016-90074 BC 199

In a Relationship With: Research

Relasyon sa isang ina, sa isang pagkain, at sa isang taong sinisinta-sa mga konseptong gaya nito

iniugnay ng karamihan sa aking mga kaklase ang kanilang relasyon sa pang-akademikong pananaliksik.

Noong nakaraang Martes, Agosto 6, 2019, naatasan ang aming klase sa BC 199 upang pag-usapan sa

pagitan ng dalawang tao kung ano ang estado ng aming ugnayan sa larangan ng pananaliksik. Mula

dito aking napulot ang ideya karamihan sa amin ay may matibay at malapit na pananaw ukol sa paksa,

di lamang bilang mga iskolar ng bayan, kundi maging bilang mga alagad ng midya. Sa palitan namin

ng mga opinyon, napagtanto ko na sa apat na taon o higit pang pananatili namin sa kolehiyo,

makikitang kaakibat na ng aming pagkatuto at kritikal na pag-unawa sa mundo ang pananaliksik, sa

puntong bitbit-bitbit na namin ito sa aming mga araw-araw na buhay.

Sa aming pagbabahagi ng aking naging kapareha na si Josh Camo, nagtagpo ang aming mga ideya

sa tatlong malalawak na punto. Una, para sa amin, hinahayaan ng pananaliksik na magkaroon tayo ng

mas malalim na pag-unawa sa mga bagay-bagay. Binibigyan tayo nito ng pagkakataong mas halukayin

ang pinagmulan ng isang konsepto, ideya o penomenon upang mas maintindihan kung bakit, paano, I

kailan ito nangyari. Pangalawa, ito ay nagbibigay daan upang mas ma-appreciate pa natin ang mga

media content na ating kinokonsumo at mas mapagtibay pa natin ang pundasyon ng ating mga nililikha.

Bilang mga alagad ng midya, tungkulin natin maging responsable at kritikal sa ating mga kinokonsumo

at pinuprodyus sa midya, ngunit malimit ay nakaliligtaan natin ito. Sa pamamagitan ng pananaliksik

tayo ay ibinabalik sa tunay nating layunin na maging mas maingat, sigurado, ngunit magkaroon pa rin

ng tindig sa ating mga nilalabas sa telebisyon, radyo, dyaryo o internet man. Pangatlo at panghuli,

nagtuma rin kami ni Josh sa puntong palaging tandaan sa bawat pananaliksik kung kanino nga ba natin

ito ginagawa. Hindi na lingid sa atin na sa akademiya, ang mga iskolar ay may tiyansang kaligtaan na

lumubog sa mismong mga paksa ng mga isyung kanilang tinatalakay sa kanilang mga pag-aaral.

Madalas ay ating nakakaligtaang ihulma ang ating mga pag-aaral sa paraang maaabot ang mas

malawak ng masa. Nawawala sa ating mga isipan kadalasan ang pinakamahalagang bahagi sana ng

pananaliksik-ang maiparating sa mas malaking dami ng tao ang ating mga natutunan.

Bagama’t aking nabanggit ang pagiging malapit sa pang-akademikong pananaliksik, ako, bilang

isang indibidwal ay itinuturing bahagya ang aking relasyon dito bilang isang “love and hate” na
relasyon. Maging hanggang ngayon, ako ay nasa proseso pa rin ng pagdadalubhasa at pag-aaral nito.

Marami pa ring pagkakataon na dapat ay aking mas matutunan pa ang wastong pagsasagawa, proseso,

o pagsulat ng isang papel. Aaminin ko na minsan o madalas pa rin akong nahihirapan dito. Ito ay

marahil na rin siguro sa aking mahinang pundasyon sa pananaliksik noong hayskul. Sa aming mga

asignatura, halos wala kaming natalakay ukol sa pananaliksik. Ang konseptong ito ay mas napakilala

lamang sa akin noong ako ay tumuntong na sa kolehiyo. Sa kolehiyo ko mas naunawan ang halaga nito,

lalong-lalo na sa natatangi naming larangan, ang midya. Mas binibigyang diwa nito ang mga

produksyon na aming nililikha. Mas binibigyang bigat nito ang mga kuwentong aming nakakalap at

ibinabahagi. At, mas iminumulat nito ang aming mga mata at isipan sa isang larawang sagisag ay

katotohanan.

Ang pagbabahagi na aming ginawa sa klase ay nakatulong upang ipaalala ang aming mga

pananaw at pagtrato sa larangan ng pananaliksik. Para sa akin, hinayaan ako nitong harapin ang mga

pagsubok na aking kinakaharap ukol dito, at pinag-iisip ako ngayon pa lang ng mga paraan upang ito

ay bigyang solusyon. Ilan na sa mga solusyong aking naisip ay ang mas matiyaga at malalim pang

pagbabasa ng mga akda ukol sa pananaliksik. Naniniwala akong mas matindi pang eksposyur sa

mundong ito ang tutulong sa akin upang mas magkaroon pa ng kumpiyansang ito ay gawin. Ang

klaseng BC 199 ay nakikita ko bilang isang avenida upang mas hasain ko pa ang aking kaalaman sa

pananaliksik. Inaasahan kong ang aking mga kaklase at propesor ay magiging maunawain, lilikha ng

‘safe space’ sa pagbabahagi ng mga opinyon ng bawat isa, at magiging ‘support system’ ng bawat isa.

Sa ganitong paraan, higit na mas mapalalalim at mapapagtibay pa ang kani-kaniya naming mga

relasyon sa pananaliksik, sa anomang konsepto o larawan namin ito iugnay.

You might also like