You are on page 1of 3

Wayne C. Booth & Gregory G. Colomb & Joseph M.

Williams & Joseph


Bizup & William T. FitzGerald - The Craft of Research, Fourth Edition
(Chicago Guides to Writing, Editing, and Publishing) 2016

INTRODUCTION:

 Hindi lamang pangangalap ng impormasyon kaakibat ng pagiging


isang magaling na mananaliksik. Kakabit ng kaniyang trabaho ang kritikal na
pag-eksamin o pagbasa sa mga datos at kaalamang kanyang nadidiskubre at
maibahagi ito sa pinakamainam at pinakawastong paraan.

 Ang pananaliksik ay mainam na instrumentong tumutulong sa atin


upang mas lubos na maunawaan ang katotohanang inihahain sa atin ng midya
at produktong ating kinokonsumo.

 Ang pagbibigay kasagutan ang mga katanungang umiinog sa ating


mga isipan at pagtuklas sa mga kaalamang di pa napagtatanto ninuman ay
nabibigyang daan ng pananaliksik.

 “And no matter how carefully you plan, research follows a crooked


path, taking unexpected turns, sometimes up blind alleys, even looping back
on itself.”

CHAPTER 2

 Isang kadalasan ay nakakaligtaan ngunit malaking batayan ng tagumpay


ng isang pananaliksik ay ang mga mambabasa nito. Inilahad ni Booth
(2016) ang kahalagan ng pag-intindi at pagtukoy sa mga gampanin o
“roles” ng isang mananaliksik at ng odyens sa larangan ng pananaliksik.

 Bilang isang mananaliksik, ilan sa mga roles na tinutukoy ni Booth (2016)


na maaari mong gampanan ay ang (1) pagbibigay ng bago at
interesanteng impormasyon, (2) pagbibigay ng solusyon sa isang
problema, o (3) paghahanap ng kasagutan sa isang mahalagang
katanungan o kuro-kuro. Dagdag pa niya, ang mga roles na ito ay
nakadepende sa iba’t-iba ring mga roles na ginagampanan ng iyong mga
odyens gaya ng

CHAPTER 3

 Kaakibat ng bawat pagsisimula ng isang pananaliksik ang pagbuo ng


research question o research problem na nangangailangan ng
masinsinang pagmumuni-muni at pagpaplano. Sa proseso ng pagbuo nito
makatutulong kung iyo munang aalamin kung ano ang paksang nais mong
talakayin habang isinasangalang-alang ang oras na mayroon ka, ang mga
ebidensyang maaari mong makalap ukol dito, at sa anong paraan mo ito
maaaring mahanap. Mainam na magkaroon ng pangkat o grupong
makakasama sa iyong pananaliksik na maaari mong bahagian ng mga
kuro-kuro at plano at tunguhin ng iyong pag-aaral.

You might also like