You are on page 1of 1

Hayudini, Rosevin G.

180823

BSEd-II / SFLE -4

Ika-12 ng Septyembre, 2019

Mga mag-aaral na Atleta ng Pilipinas

Ang saya ng Bansa natin tuwing mananalo ang ating mga kababayan sa
pangdaigdigang patimpalak sa palakasan tulad nina Pacquiao at ng mga team Gilas
Pilipinas, ngunit naisip ba natin kung paano at saan nagsisimula ang mga bayani nating
ito? Ang ating paaralan ang nagsisilbing tuntungan ng ating bansa para makatuklas ng
mga bagong atleta, dugo at pawis ang puhunan ng mga mag aaral na ito upang
mapaghusay nila ang kanilang galing sa kani kanilang larangan. Minsan na din ako ay
naging manlalaro sa aming skwelahan at makailang ulit ng aking naranasan ang madapa,
masugatan at mapilayan sa pag-eensayo pa lamang, hindi madali ang aking
pinagdaanan. Hindi ko alintana ang mga bagay na yaon bagkus ay aking pinaghusay pa
para mabigyan ng karangalan ang aking paaralan, masaya ako sa tuwing mananalo kung
baga nabibigyan ko ng sukli ang lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa at naibigay
na oras sa pag eehersisyo. Ang isang atleta ay binubuhos ng kanyang oras para matuto
at matuklasan ang bawat aral na kanyang matutuklasan. Ang benipisyo ng pagiging
atleta sa paraan na nakayang nitong ibalanse ang lahat ng bagay mula sa pang-
akademiko hanggang sa mga gawaing pangpapalakas, at nagagawa niyang ibalanse ang
oras niya para sa mga bagay na mahalaga sa kanya. Ang pagiging atleta ay hindi biro
kung baga tayo ay sumasabak sa isang laban na kinakailangan ng determinasyon at
tiwala sa sarili upang malampasan at magtagumpay sa bawat laban.

Ang pagiging mag-aaral at sa parehong oras na pagiging atleta ay medyo mahirap


dahil hindi mo alam kung saan magsisimula, ang daming mga prayoridad na dapat
gampanan. Gumigising ng maaga upang pumasok sa paaralan at pagkatapos ay uuwi
ng gabi dahil sa pagsasanay na dapat hasain upang maging malakas na atleta, mga
kinakailangan na isumite pang-akademiko na kinakailangan mapuyat upang matapos
ang isang output, at mapanatili ang mga marka upang maipasa ang isang asignatura, isa
lamang ito sa mga dinaranasa ng mga mag-aaral na atleta sa ating bansa. Walang sino
man ang nakakaramdam ng pagod at hirap na nararanasan ng isang mag-aaral na atleta
kung kaya bigyan natin sila ng pagpapahalaga at pagkilala sa kanilang mga naitatamo at
nagagawa dahil sa paraang ito nabibigyan natin sila ng mga self-esteems at sa kabuoan
bigyan natin sila ng isang karangalan at pagbibigay pugay sa kanilang mga
pinagdadaanan.

You might also like