You are on page 1of 2

PAGBUWAG SA IDEYANG IBALIK ANG DEATH PENALTY SA BANSANG PILIPINAS: WALANG

EPEKTO SA PAGBAWAS NG KRIMINALIDAD, ALTERNATIBONG PARAAN IMBES NA SA


PAGPAPATUPAD NITO AT WALANG EPEKTO NITO SA EKONOMIYA.

Posisyong Papel ukol sa pagbabalik ng Republic Act 7659.

Ang Death Penalty o Parusang Kamatayan ay tumutukoy sa parusa sa isang tao na napatunayan sa hukuman ng
katarungan na may ginawang karumal-dumal na krimen. Ayon sa RA 7659 ang death penalty ay ipinasa sa kongreso
upang masugpo ang sinasabing tumataas na kriminalidad. 46 na kagimbal-gimbal na krimen ang nakapaloob dito.

Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan dahil sa Saligang Batas
noong 1987 na nagsasaaad na siguradong estado ng pagtatanggol sa mga karapatang pantao at sa buhay. Noong 1993
binalik ang parusang kamatayan gamit sa Republic Act 7659 na nag sasaad na parusang kamatayan sa nagawang karumal-
dumal na krimen. Pinalitan din ang paraan ng pagbitay, mula sa electrocution ay ginawang lethal injection. Noong 2000
naman ay pansamantalang ipinatigil ni Pangulong Joseph Estrada matapos manawagan ang mga taong tutol sa parusang
kamatayan. Sa ilalim ng administrasyong Arroyo, nangako ang bansa sa kasunduang na hindi sila magpapataw ng
parusang kamatayan at nangako rin silang buwagin ang parusang kamatayan. Noong mga nakaaraang buwan ay naging
maiinit sa usapin ang parusang kamatayan dahil sa kampanya ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si President
Rodrigo Duterte. Isa sa plano ni President Duterte ay bawasan ang krimen ngayon sa Pilipinas at isa sa mga paraan nya
para rito ay ang pagpapatupad muli ng death penalty. Marami ang naging balita sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa
Pilipinas dahil sa mahabang panahon na lumalala ang kriminalidad sa bansang ito. "It pains me to say that we have not
learned our lesson. The illegal drug problem persists," wika ng ating presidente. Nakasisiguro ba ang gobyerno na
mababawasan ang kriminalidad sa bansa kung ipapatupad muli ang death penalty? Wala namang sapat na datos na
nagpapatunay na kayang bawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na ito. Hindi naman nito
mapipigilan ang pag gawa ng krimen dahil na rin sa kahirapan o sa estado ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa isang pag-aaral, mayroong nagsasabi na ang death penalty ay hindi nakapagpababa ng kaso ng
kriminalidad sapagkat hindi hawak ng batas ang pag-iisip ng tao kung gagawa siya ng krimen. Ayon din sa isang survey,
88.2% sa mga sumagot sa survey ay nag sasabi na hindi raw sagot ang death penalty upang mabawasan ang kriminalidad.

Sa halip na ipatupad ito, hindi ba’t mas higit na makakapigil sa paggawa ng krimen ang katiyakang mahuhuli ang
gagawa nito kaysa sa bigat ng kaparusahang ipapataw. Hindi ba’t mas maayos kung mas tutuunan ng bansa ang
pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pag-empleyo ng mas maraming pulis at sa higit na masusing
pagsasanay sakanila. Kung ang mga pulis ay may sapat na pag-eensayo mas tataas ang posibilidad na mahuli ang
gumagawa ng krimen. Sa ilalim ng RA 6975, ang sapat na dami ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) ay isang
pulis sa bawat 500 na tao. Sa isang pag-aaral sa Amerika, natuklasang katiyakang mahuli ay higit na nakapipigil sa
paggawa ng isang krimen kumpara sa kaparusahan (Wright, 2010). Sa pag-aaral naman tungkol sa karumal-dumal na
krimen sa Kalakhang Maynila, natuklasang tumataas ang bilang ng krimen habang bumababa ang crime solution
efficiency na tumutukoy sa porsyento ng mga kasong nalutas ng kapulisan kumpara sa kabuuang bilang ng mga krimeng
naitala sa loob ng isang takdang panahon. May iba’t ibang paraan sa pagbabawas ng krimen sa isang bansa at isa na rito
ang pag aayos ng ekonomiya.

Makakatulong ba ang pag papatupad ng parusang kamatayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya? Higit na


nakakapipigil sa paggawa ng krimen ang pagpapaunlad ng ekonomiya kaysa sa parusang kamatayan. Hindi naman
makakagawa ang isa tao ng isang krimen kung wala itong dahilan. Isa sa mga nangungunahang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng krimen ay ang kahirapan. Hindi ba’t mas maayos kung gagawa na lamang ng mas maraming trabaho o
oportunidad para sa mamamayan.

Sa isang pag-aaral ng ginawa noong 2004, ipinakikita ng mga datos mula 1983 hanggang 2000 na ang mga pang-
ekonomiyang salik (economic factors) ang siyang pinakamatibay na tagapagtakda ng crime rates sa Pilipinas (Gillado at
Tan-Cruz, 2004). Ayon sa pag-aaral na ito, kung mas matatag ang ekonomiya ng isang bansa, mas mababa ang insidente
ng krimen. Dagdag pa rito, bumababa ang murder at homicide sa bawat punto ng pagtaas sa mga salik katulad ng kita o
income, kakayanan ng pamilyang bilhin ang kanilang mga pangangailangan at kakayanang makumpleto ang bilang ng
taon ng pag-aaral

Ang paggawa ng kasalanan ay hindi sapat na solusyon upang wakasan ang buhay ng isang tao. Ang parusang
kamatayan o death penlty ay isang batas o parusa na dapat alisin dahil ito hindi makatarungan at may gawi sa moral.
Kapag pumatay ang isang tao, ang tamang parusa rito ay hindi pagpatay sa kanya, kundi bigyan ito ng pagkakataon at
tulungan sila. “We don’t steal from the thieves, or rape the rapist. Why do we murder the murderers?” Ang death penalty
ay inaalis ang atensyon sa biktima kundi binibigay ang atensyon sa mismong kriminal. Dapat mas bigyan ng pansin ang
biktima at ang kaso at ang paraan kung paano ito mareresolba at kung paano ito maiiwasan na maulit pang muli.

Tayo ay nasa realidad kung saan marami ang krimen ang nangyayari, mababaw man o karumal-dumal na krimen.
Ating pakatatandaan na ang death penalty ay walang kasiguraduhan na makakabawas sa krimen, may alternatibong
paraan at wala itong madudulot na maganda sa ekonomiya. Ang ideyang ibalik ang death penalty ay dapat patayin,
buhayin natin ang mga alternatibong paraan upang makamtan natin ang kapayapaan ng ating bansang Pilipinas.
EXECUTE JUSTICE NOT PEOPLE.

You might also like