You are on page 1of 2

PAGHANDLANG SA KARAGDAGANG BANYO PARA SA LGBT: MADADAGDAGDAN ANG PROYEKTO

NG PAMAHALAAN, KAKULANGAN SA PONDO, MAKADARAGDAG SA NASABING ESPASYO.

Hindi na bago sa ating kapaligiran ang mga LGBT. Maraming isyu na ang narisolbahan at marami pa rin ang
naaaksyunan o pinaguusapan pa rin. Isa na rito ang pagpapatayo ng karagdagang banyo para sa LGBT na naging isyu sa
kasalukuyan at gustong mailunsad ng nakararami upang masolusyonan ang naturing problema, ngunit lingid sa kaalaman
ng nakararami ang maaaring maging negetibong epekto nito. Sa aking pananaw, hindi ito nararapat dahil maaaring
magtulak ng kuryosidad ng mga bata, magkaroon ng diskriminasyon, at maaaring makasikip sa nakalaang espasyo dahil
sa magiging apat na ang banyong magagawa. Ang tradisyonal na banyo na kung saan ay para sa lalaki at babae, sa mga
PWD, at LGBT.

Ang isyung nangyari kamakailan lang na kumalat sa social media. Si Gretchen Diez ay biktima ng
diskriminasyon sa kadahilanang paggamit ng banyo sa salungat sa kanyang tunay na kasarian sa isang mall. Pinalipat siya
ng janitress para sa PWD dahil may mga babae na hindi kumportable sa kanyang prisensya ngunit ang naturing banyo ay
kasalukyang nagagamit at dahil dito ay nais niyang ipalunsad ang SOGIE Equality Bill.

Maraming isyu ang importante kaysa sa pagpapagawa ng mga banyo. Ang gobyerno ay maraming kailangan
unahin kaysa rito. Isa na rito ang trapik sa EDSA na may posibilidad na makapagpababa ng ekonomiya dahil ang
transportasyon sa kasalukuyan ay napakahalaga. Maaaring unahin na muna ang kalidad ng edukasyon at mga health
centers sa mga liblib na lugar. Puwede ring solusyonan ang problema ngmga magsasaka gaya ng patubig, binhi, abono,
utang sa patubig, at ang kawalan ng sariling lupain. Marami ring problema sa kabataan. Bakit kailangan pa mauna ang
banyo kung madadaan naman ito sa pagkakaunawaan?

Para sa akin, ang usaping ito ay madadaan sa parang hayaan na lamang silang gumamit ng banyo na naaayon sa
kanilang nararamdaman o kung saan sila kumportable. Oo, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pagiging mailas sa at
ang mga mapagsamantalang tao sa panahon ngayon. Ilan sa mga iyan ang ay hindi na problema ng lipunan kung hindi ay
sa bawat indibidwal. Ang kailangan na muna ng tao ay ang edukasyon patungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng
pangatlong kasarian upang magkaroon ng unawaan, simpatya, at paggalang sa bawat isa.

Kung maipasa ang SOGIE Equality Bill ang proyekto ng pamahalaan ay dadagdag dahil sa kagustuhan ng mga
tao at mga miyembro ng LGBT. May ilang mambabatas na nagsabing madali lamang masolusyonan ang isyung ito. Ayon
kay Sen. Cynthia Villar ay nararapat daw gumawa ng additional toilet…

Sa ibang salita ang mungkahing ito ng nasabing Senador ay mali para sa akin dahil hindi na niya naisip agad ang
nakalaanhg pondo ng pamahalaan lalo na at gusto na matapos ng kasalukuyang Pangulo ang kanyang Build Build Build
Project bago matapos ang kanyang termino. Tinatayang nasa 816.2 bilyon ang nakalaan para sa kanyang proyekto para sa
taong 2019 at hindi rito kasama sa pagplano ang hinihinging banyo ng LGBT kung sakaing maisapasa ang SOGIE
Equality Bill. Kung titingin sa ibang gawi, ang pagpapatayo ng mga banyo ay maaaring maging malaking problema na
magresulta sa pagriserba sa nakalaang espasyo ng partikular na gusali dahil sa magiging tatlo o apat an banyong gagawin

Ang kailangan na lang ng tao ngayon ay ang malalim na paguunawa dahil an gating panahon simula ngayon ay
nababago na.
Sa ibang gawi si Sen. Cynthia Villar ay may kakaibang mungkahi na may toilet tayo para sa PWD, baka pwedeng
‘yun na muna ang ipagamit para walang gulo. Ito ang ginawa ng janitress kay Gretchen, ngunit sa sarili na ang kanya na
ang problema dahil nag-live pa siya ng video sa pamamagitan ng kanyang social media account na umani pa ng batikos
para sa janitress na kung saan ay ginawa lamang niya ang kanyang responsibilidad bilang isang janitress at may nabuong
konklusyon sa aking utak patungkol sa sinabi ng nasabing Senador ang ating lipunan ay unti-unting niyayakap at
tinatanggap ang LGBT ngunit maraming salungat dito dahil hindi ito tama at nararapat kaya para sa kanila ang pagiging
parte ng LGBT ay parang isa pa ring kapansanan.

You might also like