You are on page 1of 3

Noli Me Tángere

Kabanata LVII- VAE VICTUS


(Sa Aba ng Mga Manlulupig)

Ipinasa ni:
Cristine Charlotte P. David
Ipinasa kay:
Gng. Maria Oliva T. Mallari
Pangalan: Cristine Charlotte P. David Petsa: Hulyo 29, 2019
Seksyon: SSC 9A Marka:
Layunin: Nasusuri ang tunggalian ng nabasang kabanata ng isang nobela.
Pagsusuri:
A. Pamagat
Noli Me Tangere

B. May Akda
José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

C. Bansa na Pinagmulan
Pilipinas

D. Buod ng kabanata sa Nobela


Balisa ang mga Sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa
puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang Alperes, Direktorsillo, Donya
Consolation at ang Kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang Kura at wala sa
loob na naitanong niya sa Alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parang batang
umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa Kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga Sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa
nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay
upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga Sibil. Dahil dito, iniutos ng Alperes na
dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang lubid sa leeg. Dahil sa
patuloy itong walang imik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang
Alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Hindi makakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring
nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang
nuong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong
katawan. Hindi nakayanan ng Kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla.
Nakita ng Kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal,
humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at
Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang Alperes. Binulungan pa siya ni
Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang
kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay
itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang beses ibinulusok
ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng
hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang
isa pang bilanggo.Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa
patyo ay upang magbawas sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang Alperes sa
naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

E. Tunggalian sa napiling kabanat sa Nobela

Tao vs Tao- dahil sa parte na pinapahirapan ng alperes at guwarduya sibil si Tarsilo sa pamagitan ng
pagpalo.
Pagsusuri
sa
Tunggalian ng
Nobela
(Noli Me Tangere-
Kabanata LVII-Vae Victus- Sa Aba ng Mga
Manlulupig)

Ipinasa ni:
Cristine Charlotte P. David

Ipinasa kay:
Ma’am Maria Oliva T. Mallari

You might also like