You are on page 1of 2

WW2

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Setyembre 06, 1939. Ito ay iyinuturing na pinakamadugo at
pinakamahal na labanan sa kasaysayan ng mundo. Ito ay naganap dahil sa pitong salik.

Ito ay ang mga sumusunod:


1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria- noong Setyembre 18, 1931 , sinakop ng Japan ang machuria na matatagpuan sa
China. Sinakop nila ito dahil kailangan ng mga Hapones ang hilaw na materyales at tirahan. Isa sa mga dahilan din ay
ang pagpapatigil ng Estados Unidos ng pag eexport ng langis sa Japan, dahil alam nila na gagamitin nila ito sa
transporatasyon para sa pagsakop o paglusob sa kanila.

2. Pag-alis ng Germany sa League og Nations- Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga ng mga Nasyon noong
Oktubre 19, 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman ang pangaabuso sa pagkatalo nila noong ww1 ay nagbigay ng
sobrang pagkapahiya sa kanila, kaya’t ninais nilang maghiganti ngunit hindi nila magagawa ito kung kasapi sila sa liga
ng mga nasyon dahil may sinusunod silang batas o patakaran kung kaya’t umalis sila upang makagalaw ng Malaya at
makagawa ng planong paghihiganti.

3. Paglusob ng Italy sa Ethiopia ( Abyssinia) – nagkaroon ng kaguluhan sa “border “ ng Ethiopia at Italian Somaliland
noong Disyembre 1934 . Ito ang naging hudyat sa pagtatangkang sakupin ulit ng Italy ang Ethiopia. Nangyari ang
paglusob noong ika-3 ng Oktubre 1935 at nanalo ang Italya laban sa Ethiopia noong ika-9 ng Abril 1936 sa pamumuno
ni Benito Mussolini
Ang Italian Somaliland kung minsan ay tinutukoy din bilang Italyano Somalia, ay isang kolonya ng Kaharian ng Italya sa
kasalukuyan sa hilagang-silangan, central at southern Somalia. Pinamahalaan noong ika-19 na siglo ng Somali
Majeerteen na Kasaysayan at ang Kasaysayan ng Hobyo, ang teritoryo ay natapos noong 1880s ng Italya sa
pamamagitan ng iba't ibang mga kasunduan.

4. Digmaang Sibil sa Spain Isang hidwaan ang sumalanta sa Spain mula 17 Hunyo 1936 hanggang Abril 1, 1939. Nagsimula
ito pagkaraan ng isang kudetang tinangkang isagawa ng isang pangkat ng mga heneral ng hukbong- katihan ng
Espanyalaban sa pamahalaan ng ikalawang republika ng Spain na noon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Manuel Azana. Ang
makabayang kudeta ay may pagtangkilik ng konserbatibong kastilang konpederasyon ng mga karapatang Awtonomo (
Confederation of the Autonomous. Kasunod ng kudetang military, lumalaganap ang rebulusyon ng mga manggagawa sa
buong bansa bilang pagsuporta sa pamahalaang Republikano, subalit ang lahat ay marahas na nagupo ng hukbong- katihan.
Nagwakas ang digmaan sa pagtatagumpay ng puwersang nasyonalista. Ang pagpapatallsik ng pamahalaang republikano at
ang paagtatag ng estadong awtoritaryanismo na pinamunuan ni Hen. Framcisco Franco pagkatapos ng digmaang sibil.

5. Pagsanib ng Germany at Austria- Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa
Germany. Sumalungat ang mga bansang kasapi ng Allied Powers ( Pransya, Gran Britanya, Estados Unidos ). Tumutol
si Mussolini sa unyon kaya nawalan ng bisa ito noong 1938. Ito ang kinalabasan ng kasunduan ng Italya at Germany na
Rome-Berlin Axis. Ang pagtutol ni Mussolini sa uganyan ng Austria at Germany ay nawaln ng bias noong 1935. Isa sa
mga dahilan ay ang kagustuhan ng Germany na maging estado lahat ng mga bansang gumagamit ng lenggwahe nila at
dahil ginagamit ng Austria ang lenggwahe nila pwinersa ng mga Austrian Nazi na sumali ang Gobyerno nito sa
Germany.

6. Paglusob sa Czechoslovakia – noong Setyembre 30, 1938, nilusob ng bansang Germany anf Czechoslovakia na
pinamunuan nim Adolf Hitler dahil ang bansang Germany ay nagpapalakas at nagpapalawak dahil sa kanyang balak na
paghihiganti . Sa pangyayaring ito tuluyang napasakamay ng Germany ang aczechoslovakia, pinakinabangan nito ang
mga lupa at yamang mineral tulad ng mga bakal, pilak at ginto.

7. Paglusob ng Germany sa Poland – binaliktadng Germany ang Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Molotov
ribben trop, kasunduang dapat paghahatian nila ang Poland noong setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga
Aleman sa sudetan na matamo ang kanilang awtoritarya , dahil ditto hinikayat ng egnland si Hitler na magdaos ng
pagpupulong sa Munich, nasakop ni hitler ang sudetan at ang mga natitirang teritoryo ng Czechoslovakia.

Ang pitong salik na ito ang nagging dahilan sa pagsisimula ng ww2. Tinatayang ang pag alis ng Germany sa liga ng mga
nasyon ang pinakanaging dahilan, dahil sa aksyong ito ng Germany nagkaroon nan g kutob ang mga kasapi ng
organisasyon nais magdeklara ng digmaan ang Germany.

You might also like