You are on page 1of 1

July 7, 2019

HON. LANIE G. ABOGADO


Punong Barangay
Barangay Liminangcong
Taytay, Palawan

Mahal naming Kagalang-galang na Punong Barangay,

Magandang Araw po! Ako po ay sumusulat na kinakatawan si Gng. Hilda T.


Abenoja at ang kanyang mga kapatid na siyang mga tagapagmana ng yumaong
si G. Victoriano Tayuni Sr. na nagmamay-ari sa lupaing tinutukoy sa Tax
Declaration No. 23-017-04801 na pumapasok sa inyong nasasakupan sa So.
Lagyo, Liminangcong, Taytay, Palawan.

Na noong ika-12 ng Hulyo, 2013 ang Regional Trial Court Branch 49 ay binuhay
ang nauna nitong desisyon sa kasong HEIRS OF VICTORNIANO TAYUNI, SR.,
namely: MA. SOCORRO TAYUNI VDA. DE VICTORINO, et. al., vs. PASCUAL
MACABENTA CIVIL CASE No. 4455 at nag-aatas na:

“WHEREFORE, premises considered, judgment is hereby rendered


ordering the revival of the judgment rendered in Civil Case No. 2799
insofar as the following unexecuted portions thereof are concerned:

1. The defendant and his privies and assigns to vacate the premises
in question and to remove their houses therein; and,

2. The defendant to pay plaintiffs the amount of money stated in the


original, final and executory judgment, and to pay the cost of the
suit.”2

Na ang nasabing desisyon ay nais naming maisagawa na sana subalit aming


nabalitaan ang kamatayan ni G. Pascual Macabenta3 at napag-alaman na ang
nasabing lupain ay patuloy pa ring sinasaka ni G. Em Balagosa na siyang
pinahintulutan noon ni G. Pascual Macabenta.

Na ang sulat na ito ay nagnanais ng pagkakataong mapag-usapan sa inyong


harapan kasama si G. Em Balagosa ang estado ng nasabing lupa at kung
mamarapatin ay matapos na ang usaping ito.

Lubos ng gumagalang,

ATTY. ARIEL A. ABIS

1
Tax Declaration is herein attached as Annex A
2
Decision is herein attached as Annex B
3
Certificate of Death of Pascual Macabenta Annex C

You might also like