You are on page 1of 6

F.

Pagtatalakay sa Kahalagahan ng Sampung Salita

1. Undak – ang Undak ay nagsisilbing instrumento sa

panghanapbuhay ng mga mamamayang Pilipino lalo na mga Waray.

Sa katunayan ito ay tila nagsisilbing identipikasyon ng mga

taong ito dahil sa napakaraming gumagamit sa undak. Ito ay

pinakasikat na kagamitan sa pangingisda sa Central Visayas na

may halos 33,568 at may ambag na 33.4 na kilo ng isada kada

araw (Armada et al. 2004)

2. Kitang – isa mahalagang kontributor ang paggamit ng kitang

dahil ito mayroong limangpu’t dalwang (52)kilong amabag kada

araw. marami rin ang gumagamit nito dahil ito ay pang-apat na

sikat na paraan ng panghuhuli ng isada na kung saan may halos

9, 705 ang dami nito sa Central Visayas. Pahina 54-57 (Armada

et. Al 2004)

3. Pukot- kasabay ng pagpapahalaga ng mga tao sa likas na yaman

ng ating bansa, mas minabuti nilang gumamit ng Pukot o Fishnet

sa pangingisda na kung saan maiiwasan ang illegal na paggamit

ng dinamita. Ito rin ay nakasaad sa Administrative Code,

sections 4, 7, 13 at 19 ng batas 4003 “An Act to amend and

compile the laws relating to fish and other aquatic products

of the Philippines, and for other purposes”. Ito ay mahalaga

hindi lamang sa pagbibigay ng hanapbuhy sa mga mamamayang


Pilipino-waray, kundi sa pagpepreserba ng ating likas na

yaman sa mga darating pang henerasyon.

4. Kayagkag- ang kayagkag ay isa sa mabisa at epektibong paraan

upang magkaroon ng mas madali at mas maramig huli ang mga

Pilipinong mangingisda. Ang indikasyon ng pagiging epektibo

ng isang gamit sa pangingisda ay sa Catch Per Unit Effort

(CPUE) na kung saan ito ay nakatalaga sa Kilogram kada isang

araw. Mahalaga sa mga tao ang kayagkag dahil sa kabuuang

limangpu’t anim (56) na porsyentong huli kada araw sa buong

Central Visayas ang nahuhuli gamit ito. (Amada et. Al 2004)

5. Bubo – Mahalaga ang paggamit ng Bubo dahil isa itong kultural

na pamamaraan nang panghuhuli ng isada. Ito ay pamamaraan na

kung saan minana pa sa mga ninuno ng mga taga Central Visayas.

May kabuuang apat na libo siyam na raan pitongpu’t isa(4971)

sa buong central visayas ang kagamitan o nakatagong bubo. Isa

rin sa may pinakamaraming nahuhuli ang kagamitang ito na may

68.2 na porsyento kada araw. Isang napakalaking basehan ng

pagkakaroon ng angat at masiglang ekonomiya ng Central

Visayas particular sa sektor sa pangingisda.

6. Buli buli

7. Sapyaw – itinuturing na “fishing tradition” ang pamamaraan ng

pangingisdang ito. Ito ay isang kakaibang paraan ng

pangingisda na kung saan hugis letrang V ang pagkakalatag ng

lambat dito. Ayon sa The Fisheries of Central Visayas,


Philippines: Status and Trends “may kabuuang 310 ang nahuhuli

sa paggamit sa pamamaraang ito”. Dagdag pa rito mahalaga ang

pamamaraang sapyaw sapagkat nagpapakita ito ng pagtutulungan

ng Pilipinong-waray. Ito ay makikita sa operasyon o paraan ng

pangingisda dahil kinakailangan ng dalawang tao na nasa

tigkabilang Bangka ang magtulungan upang matagumapy nilang

mahuli ang mga isda na nagpapakita rin ng isang progresibong

lipunan dahil sa pagtutulungan (Marine Biology section,

universityof San Carlo 1996) https://www.jstor.org

8. Pangulong - Sa panahong kinakaharap ang problema sa

kakulangan ng pagkain at kakulangan ng isdang nahuhuli s

dagat, nakakatulong ang pangulong sa pagpapanatiling balanse

ng bilang ng isda sa ating karagatan a pamamagitan ng paghuli

lamang sa isdang nasa wastong laki lamang sapagkat

nakadisenyo ang pangulong sa panghuhuli ng malalaking isda

lamang. Dahil dito nagkakaroon pa ng sapat na oras ang

maliliit na isda para lumaki at makapagparami na nakakatulong

upang mapanatili ang dami ng isda sa ating karagatan. Sa

pamamaraang ito nakakasigurado na ang ating yamang dagat ay

mapagkukunan pa ng mga susunod pang henrasyon.

9. Trol - Ang trol ay nagsisilbing kabuhayan ng mga ilang mga

Filipino na nakatira sa tabing dagat. Ito ay ang pamamaraan


ng pang huhuli ng hipon, alimasag o pusit na hindi

nangangailangan ng malaking bangka at lambat. Ang mga huli

mula sa trol ay madalas ginagawang delikasiya na nagsisilbing

tatak o pagkakakilanlan ng isang lugar. Ito rin ay

nakakatulong sa paglago ng ekonomiya at pagunlad ng kabuhayan

ng isang lugar na kung saan sa paggaamit ng paraang ito ay

nakakahuli ng may pinakamaraming isda sa isang araw na may

bilang na 4,911 o may 31.2 porsyento sa kabuuang (15,734) na

huli kada isang araw sa Central Visayas.

10. Libuo - \
Sentisis

Ang sector ng pangingisda ay isang napakahalagang bahagi ng

ekonomiya ng ating abnsa. Sa katunayan, ika-12 ang ating bansa sa

pinakamalaking prodyuser ng produktong pangingisdaan.

Marahil, dala ito ng kalakihan ng nakapaligid na tubig sa

ating kapuluan. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalaking

dalampasigan sa buong mundo. Ito ay 17,460 kilometro na humahangga

sa 26.6 milyong ektaryang tubig dagat at 193.4 milyong ektaryang

tubig ng karagatan.

Base sa datos na ito, isa sa ikinabubuhay ng mamamayang

Pilipino ay ang pangingisda. Ang kahalagahan nito ay nakapaloob sa

tatlong kategorya. Una ay ang kultura, pangalawa kabuhayan, at

pangatlo ay ekonomiya.

Ang pangingisda ay mahalaga dahil ito ay bahagi na ng ating

kultura. Ag mga pamamaraan at mga kagamitan sa pangingisda ay mga

yamang ibinahagi sa atin n gating mga ninuno upang palaganapin at

ituro sa mga makabagong henerasyon.

Ang pangingisda ay nagbibigay kabuhayan sa napakaraming

Pilipino sa buong Pilipinas. Sa katunayan, isa sa mga

tagapanaliksik ng proyektong ito ay anak ng isang mangingisda na

kung saan apat na dekada ng ikinabubuhay at ipinapangtustos sa

pag-aaral ng walo nitong anak.


Ang pangingisda ay nakapagpapaangat at nakapagpapasigla ng

ekonomiya n gating bansa. Noong taong 2012, isa sa pinakamaring

ambag sa “global market” ang bansang Pilipinas na may 3.1 milyong

tonelada na binubuo ng isda isda, mollusks, at crustaceans. Sa

pamamagitan nito mas madadagdagan ang trabaho para sa mga Pilipino

at mas madadagdagan ang bilang ng nailalabas na produkto galing sa

Pilipinas patungo sa ibang bansa.

Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng pangingisda. Isa

itong napakagandang dahilan upang piliin ng mga tagapanaliksik

upang humahanap ng mga terminolohiya para sa Ambagan. Sa

pamamagitan ng mga pamamaraan at kagamitan na nakalista sa

proyektong ito, nagsilbi itong instrumento upang pahalagahan ng

kultura, hanapbuhay at ekonomiya

You might also like