Professional Documents
Culture Documents
Su Layman
Su Layman
☰ MENU
INDARAPATRA AT SULAYMAN – Epikong Mindanao
tixij.zeal
Date Published:
Date Updated:
in: NEWS
Share to Facebook
Share to Twitter
More...
INDARAPATRA AT SULAYMAN – Isang Epikong Mindanao
INDARAPATRA AT SULAYMAN – Sa paksang ito, babasahin natin ang epikong Mindanao na
isinulat ni Del Valle na nangangalang Indapatra at Sulayman.
INDARAPATRA AT SULAYMAN
Ang epikong ito ay isinulat ni Bartolomeo Del Valle. Ito ay tungkol sa dalawang
magkapatid na si Indapatra, isang hari at mandirigma, at si Sulayman, isa ring
mandirigma, at ang kailang laban sa apat na halimaw na nangangalang: Kurita, Pah,
Tarabusaw, at ang Ibong may Pitong Ulo.
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang
tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si
Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas,
napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng
tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si
Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito
sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay
nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si
Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si
Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman.
Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si
Sulayman na siya niyang ikinamatay.