You are on page 1of 4

Sa Kuko ng mga Liwanag

ni Edgardo M. Reyes

I. Banghay

A. Tauhan

o Julio – mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang


hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya

o Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila dahil


pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng
prostitusyon

o Pol – matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang mga


problema

o Atong – mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang


construction site

o Ah Tek – isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den;


nagkagusto siya kay Ligaya kaya pinakasalan niya

B. Tagpuan
o Lugar : Maynila
o Panahon : Dekada sisenta

C. Panimula
o Pumunta si Julio sa Maynila upang hanapin si Ligaya. Pagdating niya sa
Maynila, siya ay nanakawan. Nagtrabaho siya sa kung saan-saan gaya ng
mga construction sites tulad ng La Madrid Building upang magkapera.
D. Saglit na Kasiglahan
o Hinanap ni Julio si Ligaya at nakita niya ito sa may palengke. Sila ay
nagkausap at nagkaalaman tungkol sa kapalaran ng bawat isa. Naisipan ni
Julio na patakasin si Ligaya sa bahay ni Ah Tek.

E. Tunggalian
o Tao laban sa Sarili : Hindi mapigilan ni Julio na makapagnakaw sa
isang lalaki. Higit pa, hindi niyang sinasadyang mapatay ito.
o Tao laban sa Kalikasan : Malaki ang dinanas na hirap nina Julio at
Ligaya sa Maynila. Gutom, prostitusyon, kawalang hustisya ang ilan
sa mga ito.

F. Kasukdulan
o Namatay si Ligaya. Hinihinala ni Julio na si Ah Tek ang may gawa nito.
Pinuntahan ni Julio siya sa burol.

G. Kakalasan
o Pumunta si Julio sa bahay ni Ah Tek para maghiganti at siya’y
pinagsasaksak ni Julio. Narinig ng mga tao sa paligid ang nagyayari at
sila’y kumuha ng sari-sariling sandata at sinugod si Julio.

H. Wakas
o Namatay si Julio.

II. Isyung Panlipunan sa Nobela


o Kahirapan sa Pilipinas

A. Dahilan
May mga taong hindi maalam mag-alaga ng sarili at maging masipag. May mga
iba rin na nandadaya at nangunguha ng pera sa ibang tao. Hindi rin pantay-pantay
ang pagtrato sa mga Pilipino. Ang ibang mayayaman, ibis na tumulong sa kapwa
mahirap ay lalo pang pinahihirapan kaya dumadami ang kahirapan sa bansa.
Kasakimaan, kawalang hustisya, at pagka-ignorante ang mga nagdulot ng
kahirapan.

B. Epekto/Implikasyon
Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang hindi nakakakain.
Madami ang nawawalang trabaho at marami ang nagtitiis ng hirap. Madami rin
ang hindi nabibigyan ng pagkakataong mag-aral kaya lalong hindi umaasenso ang
kanilang buhay. Naapektuhan ang buhay ng ibang Pilipino kaya nawawalan sila
ng pag-asa upang magsikap at mabuhay.

III. Reaksyon
o Nagandahan ako sa aking binasa pati sa mensaheng pinaparating nito.
Naisip ko na sa buhay sadyang hindi pantay-pantay ang mga tao. May
mga nakakalamang, may mga naghihirap. Pero kahit anong kapalaran,
tayo pa rin ang may hawak ng ating buhay. Tayo ang may desisyon kung
ano ang gusto nating gawin at makamit. Kahit gaano kasama ang mundo,
nasa sarili natin kung paano ito papagandahin.
Simbolismo sa Nobelang Sa Kuko ng mga Liwanag

1. Sa Kuko ng mga Liwanag


Sinisimbolo nito ang nakakasakit na pang-aakit ng pangsisilaw ng liwanag ng
Maynila. Ang mga karakter na napapunta sa Maynila na may mga malalaking
pangarap ay naloko lamang.
2. Ligaya Paraiso
Ang pangalang Ligaya Paraiso ay tumutukoy sa isang bagay na puno ng
kagandahan at kasayahan. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng nangyari kay Ligaya.
Kagaya ng Maynila na kung saan umasa si Ligaya na magbibigay sa kanya ng
magandang buhay ay nagdulot lang sa kanya ng problema.
3. Ah Tek
Mula sa lumang salitang Filipino na “atik” na ang ibig sabihin ay pera,
sinisimbolo nito ang mga Intsik noong panahon ni Reyes na makapangyarihan
dahil sila ang may hawak ng pera.
4. Julio
Ang pangalan ni Julio ay galing sa pangalang Julius Caesar. Si Julius Caesar
katulad ni Julio ay may malakas na karakter na hindi basta-bastang sumusuko sa
anumang pagsubok. Si Julio ay matatag kahit siya ay naghihirap na. Ngunit ang
pagkamatay niya ay nagsimbolo ng pagkawalang-hustisya at pagkamatay din ng
pag-asa.
5. Estero Sunog- Apog
Ang Estero Sunog-Apog ay isang maduming lugar na wari lahat ng kapangitan sa
mundo ay naroon na. Tinutukoy nito ang Maynila na nasisira na ang kagandahan
at puro kapangitan lang ang meron, kahit sa lugar man o sa mga taong nakatira
roon.

You might also like