You are on page 1of 6

ABSTRAK

Pamagat : “Epekto sa Paggamit ng Piling Gadget sa Pag-aaral ng Grade 11

Senior High School sa Quezon City Polytechnic

University Batasan Campus 2017-2018”

Pangalan : Christopher C. Auditor

Jayson F. Castillo

Janielle A. Clavacio

Robby C. Lechuga

Chris Kyle B. Limbo

Kyle Fredrick A. Matias

Christine Emerald A. Perez

Paaralan : Quezon City Polytechnic University

Gurong Taga-payo : Ms. Annabell Peňa

Strand : Grade 11 - Science Technology Engineering and

Mathematics (STEM)

Petsa : Marso, 2018


Layunin ng Pag-aaral

PANGKALAHATANG LAYUNIN

Matugunan ang suliranin tungkol sa Epekto sa paggamit ng piling gadget sa pag-

aaral ng Grade 11 Senior high school sa Quezon City Polytechnic University.

MGA TIYAK NA LAYUNIN

1. Layunin ng pag aaral na ito na malaman ang propayl ng mga respondent batay sa

edad, kasarian at pangkat.

2. Layunin ng pag-aaral na ito na matuklasan ng mga mananaliksik kung may epekto sa

pag-aaral ng mga estudyante ang paggamit ng gadget batay sa pagbasa, pagsulat,

pasalita at pakikinig.

3. Layunin ng pag-aaral na ito na mabatid ng mga mananaliksik kung sa paaanong

paraan maaapektuhan sa pag-aaral ang paggamit ng gadget ng mga estudyante batay

sa pagbasa, pagsulat, pasalita at pakikinig.

Pamamaraan Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Deskriptibong at Analitikal paraan ng

pananaliksik upang ilarawan kung gaano kaepekto ang paggamit ng piling gadget sa pag-

aaral ng mga Grade 11 Senior high school sa Quezon City Polytechnic University

Batasan Campus.

Setting ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Quezon City Polytechnic University Batasan

Campus taong 2017-2018.


Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga respondente ay ang mag-aaral na Grade 11 Senior high school na

kasalukuyang pumapasok sa Quezon City Polytechnic University Batasan Campus.

Instrumento sa Pag-aaral

Ang instrumento na ginamit ng mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos ay

kwestyoneyr o talatanungan na naglalaman ng mga opinion ng mga respondent ukol sa

epekto sa paggamit ng piling gadget.

Mga Hakbang sa Pag-aaral

1. Ang mga mananaliksik ay nag isip ng mga ideya o kaalaman tungkol sa layunin ng

pag-aaral.

2. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham para sa coordinator ng eskwelahan upang

humingi ng permiso na makapagserbey sa eskwelahan.

3. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng serbey kwestyoner na konektado sa Layunin

ng pag-aaral.

Resulta sa Pagtataya

Gumamit ang mga mananaliksik ng ranking, percentage at weighted mean sa

pagtataya ng resulta. Narito ang mga resulta sa pagtataya sa bawat kategorya sa

talatanungan.

Batay sa propayl ng mga respondente, karamihan sa mga respondente ay may

edad na labing lima hanggang labing anim na taong gulang (15-16), na sinusundan ng

mga respondente na nasa pagitan ng edad na labing pito hanggang labing walong taong
gulang (17-18) at ang huli ay edad na labing siyam hanggang dalawampu (19-20). Batay

sa kasarian, mas marami sa mga respondente ang babae kaysa sa mga lalaki.

Batay sa lumabas na resulta ng serbey ng mga mananaliksik sa Grade 11 Senior High

School sa Quezon City Polytechnic University Batasan Campus ay tumugon na

nakakaapekto ang gadget sa kanilang pakikinig, pagbasa, pasalita at pagsulat sa

kanilang pag-aaral. Nakakaapekto ang gadget sa pag-aaral ng mga Grade 11 Senior

High School sa Quezon City Polytechnic University Batasan Campus kung kaya ang mga

respondent ay sumang-ayon na nakakaapekto ang gadget sa kanilang pag-aaral.

Sa pagsagot ng mga respondent sa talatanungan ay nabigyang kasagutan ng mga

mananaliksik kung nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante ang gadget.

Konklusyon

Base sa mga resulta na nakasaad sa itaas, ang mga sumusunod na konklusyon ang

nakuha:

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

1.1 Edad

Ipinapakita sa pag-aaral na ito na karamihan sa edad na labing pito hanggang

labing walo (17-18) ay may malawak na kaalaman sa epekto ng gadget sa kanila.

1.2 Kasarian

Ipinapakita sa pag-aaral na ito na karamihan sa kababaihan ay sumasang-ayon na

may epekto ang paggamit ng piling gadget sa pag-aaral nila.


2. May epekto bas a pag-aaral ang paggamit ng piling gadget, batay sa:

2.1 Pagbasa

Pinapabatid sa pag-aaral na ito na lumalabas na nakakaapekto sa pagbasa ng

mga estudyante ang paggamit ng gadget sa pag-aaral.

2.2 Pagsulat

Ipinapakita sa pag-aaral na ito na lumalabas na nakakaapekto sa pagsulat ng mga

estudyante ang paggamit ng gadget sa pag-aaral.

2.3 Pasalita

Ipinapakita sa pag-aaral na ito na lumalabas na nakakaapekto sa pakikinig ng mga

estudyante ng Grade 11 Senior High School ang paggamit ng gadget sa pag-aaral.

2.4 Pakikinig

3. Sa paanong paraan nakakaapekto ang paggamit ng piling gadget sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa Quezon City Polytechnic University, batay sa:


Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nais ibahagi ang kanilang nakalap na

impormasyon sa Isang daan at labing apat (114) na estudyante ng grade 11

sa Quezon city Polytechnic university batasan campus mula sa apat na ibat

ibang baitang ukol sa isyu ng Epekto ng piling gadyet. Ang mga mananalik

ay nirerekomendahan ang mga magulang na bigyan ng pansin at limitahan

ang paggamit ng piling gadyet. Sa mga estudyante na dapat manipulahin

lamang ang paggamit ng gadyet.

Ang mga mananaliksik ay gusto din ipadit sa mga professor na dapat

gabayan din nila ang mga estudyante sa paggamit ng piling gadyet dahil

meron din itong masamang epekto para sa mga estudyante.

You might also like