Ang nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop. Nagtataglay ng mga yamang mineral na pinagkukunan ng tao ng mga enerhiya, mga ibat-ibang uri ng bato na ginagawang mga pahiyas o mga palamuti. Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim at pastolan ng mga alagang hayop. An ating lupain ang pinagtataniman ng sari-saring halaman tulad ng halamang gamut na pinagkukunan natin upang gawing medisina
Pangunahing Anyong Tubig
Pakinabang ng Anyong Tubig sa bansa:
Pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ating mga kababayang mangingisda. Dito nakukuha ang mga mamahaling isda at mga korales na maari nating ipagmamalaki sa ibang bansa. Pinagkakakitaan din ito ng ilan nating mga kababayan na may-ari ng mga resort sa mga gilid ng dagat, lawa, ilog tuwing tag-init. Ang mga ibat-ibang shell na makukuha sa pangpang ng dagat ay ginagawang mga palamuti sa katawan at tahanan.