You are on page 1of 6

 

ILANG MGA PAMAMARAAN NG BANAL NA MAHIKA ("SACRED MAGICK"):

 
1. Sa Google Play ay may application na "Direction of Prayer". I-download nyo po

iyon; iyon po ang "compass" na nagtuturo ng direksyon ng Jerusalem. Bago

manalangin ay kunsultahin nyo ang "compass" na iyon upang malaman nyo kung

saan ang eksaktong direksyon ng Jerusalem saang lugar man kayo naroroon, at

kapag nalaman nyo na ang tamang direksyon ay doon kayo humarap kapag

mananalangin kayo. Sa itaas po ng Jerusalem, sa kataas-taasang bahagi ng

kalangitan, ay naroon ang Bagong Jerusalem. Samakatuwid, ang materyal na

Jerusalem ay naka-"align" sa espirituwal na Jerusalem o "Bagong

Jerusalem"...kung saan nakaluklok ngayon ang MESSIAH! Kaya, napakahalaga na

doon tayo haharap kapag mananalangin upang magkaroon ng "miraculous power"

ang ating panalangin!...sapagkat nasusulat: "Ang Jerusalem ay syang bayan ng

dakilang Hari". (Mateo 5:35)

 
2. Ngayong alam na natin kung saan ang eksaktong direksyon ng Jerusalem,

humarap tayo doon sa ekastong alas tres ng hapon at dasalin natin ng dahan-

dahan ang Latin version ng Ama Namin ("Pater Noster"). Gawin natin ito ng

nakadipa ang mga kamay. Kapag nagawa natin iyon ng pitong araw SIMULA

SABADO HANGGANG BIYERNES ay maririnig natin sa ating isip ang ating

Panginoong Jesus na nagsasalita sa atin, at madarama natin sa ating puso ang

Kanyang Banal Na Presensya!...kaya napakahalaga na mayroon tayong ballpen at

notebook na katabi kapag ginawa natin iyon, para mai-record natin ang Kanyang

Mga Salita. Kadalasang mangyayari iyon sa ika-pitong araw (Biyernes po iyon).

Napakaganda na maging "spiritual practice" natin habambuhay ang sagradong

rituwal na ito. [Kapag ang Panginoon mismo ang nagturo sa atin ay sobrang

kamangha-mangha at puno ng karunungan at kapangyarihan!]

 
3. Hanggat maaari at hanggat kakayanin ay huwag na huwag makakalimot

magbigay ng limos sa mga pulubi; at kapag maglilimos tayo, malayo pa lang ang

pulubi ay hawakan natin ng mahigpit ang pera na ililimos natin at manalangin tayo
sa isip ng ganito: "Nawa ang perang ito ay basbasan at linisin ng Panginoon upang

magsilbing kapangyarihan ng aking kapatid na ito tungo sa kasaganaan at

kaligayahan, Amen." Kapag naging habit natin ito, magugulat tayo sapagkat

masagana palagi ang buhay natin, malusog palagi ang katawan natin, mabait sa

atin ang lahat ng kapuwa tao natin, maging kaaway natin ay nagiging maamo sa

atin, at nadarama natin na unti-unting nagigising ang mga spiritual powers natin.

(Grabe!)

...May malalim na kahulugan at "mystical" na kapangyarihan po ang pagbibigay ng

limos sa mga dukha at mga pulubi...na maging mga pari ay hindi batid. Isa po iyon

sa mga susi ng milagro!

 
4. Sa tuwing maliligo tayo ay lagyan natin ng asin ang tubig na ipangpapapaligo

natin. Tatlong dakot na asin sa isang timbang tubig, ok na po iyon. Tapos, habang

naliligo tayo ay isa-isip natin na sumasama na sa tubig palabas sa atin ang lahat ng

mga negative energies sa ating katawan. Isa po itong napakabisang pamamaraan

upang malinis ang ating aura. Tapos, kapag tapos na po tayong maligo sa gayong

paraan ay buhusan natin ng maraming tubig ang sahig na pinagliguan natin upang

iyong negative energies na natanggal sa atin ay dumaloy palayo at HINDI

MAKUHA NG IBANG TAO NA MAGAGAWI DOON. (Please po!)

 
5. Sa mga healers: upang lalong lumakas po ang ating personal magnetism at

healing powers ay maglaga tayo ng mga herbs o di kaya ay mga bulaklak, katulad

ng malunggay, sampaguita, ilang-ilang, gumamela, at iba pa. Tapos po, salain

natin yung tubig na pinaglagaan at ihalo natin sa tubig na ipangpapaligo natin;

iyon po ang ipangapapaligo natin palagi. Mas madalas, mas maganda.

Bukod dyan, pumunta tayo sa isang matandang puno (katulad halimbawa ng

akasya o balite), ilapat natin ang dalawang kamay natin sa katawan ng puno, at

habang humihinga tayong papasok (inhale) ay iniimagine natin na mayroong

liwanag na kulay-"light green" na nagmumula sa puno at pumapasok sa atin sa

pamamagitan ng ating hininga. Muli, mas madalas po nating gawin ito ay mas

maganda!
 
6. Kapag nangomunyon tayo, habang nasa bibig pa natin ang hostiya ay bigkasin

natin ng tatlong beses na pabulong at dahan-dahan ang paborito nating oracion.

Doon po iyon maa-activate. At kapag ginawa nyo iyon habang hawak nyo ng

dalawang kamay na pasimple ang inyong dalang medalyon ay mabubuhay iyon sa

oras na iyon. Minsan ay madarama pa ninyo ang kanyang spiritual heat o init na

espiritual.

 
7. Kapag inilaan natin ang ating sarili sa panghabambuhay na pagpa-practice ng

meditation, pinakamaganda na pagnilay-nilayan natin at higit sa lahat ay isabuhay

natin ang PANGANGARAL NG PANGINOONG JESUCRISTO SA BUNDOK. Ang

dahilan nito ay sapagkat kapag nag-meditate tayo (lalo't inabot ng ilang oras!) ay

may bumababa sa atin na malakas na spiritual energies galing sa higher worlds. At

ang mga energies na iyon ay parang matinding fertilizer na ibinudbod sa mga

pananim na may kasamang mga damo...tataba pareho yung mga pananim pati

yung mga damo na perwisyo sa pananim! Kaya nga, bago magtanim ang isang

magsasaka sa bukid ay sinusunog nya muna ang mga damo (yun ang tinatawag

na "kaingin") upang kapag nagsaboy sya ng fertilizer ay iyong mga pananim lang

ang lalago. Gayon din po sa meditation...kailangang sunugin muna natin ang ating

mga bad qualities upang kapag bumaba sa atin ang spiritual powers mula sa

higher worlds ay iyon lamang mga good qualities ang lalakas at lalago sa atin,

sapagkat wala na tayong bad qualities. (Sapagkat iyong spiritual powers na iyon

ay parang nagsisilbing pampaalsa ng tinapay.) At ang paraan na napakabisa

upang maghari sa ating pagkatao ang good qualities ay ang pagninilay-nilay at

pagsasabuhay ng PANGANGARAL NG PANGINOONG JESUS SA BUNDOK.

 
8. Tuwing bago at pagkatapos nating mag-meditate ay i-bless natin ang buong

sangkatauhan. Ang mga dahilan:

- Kapag nag-bless tayo sa buong sangkatuhan bago mag-meditate ay may

bumababa sa ating divine power, lulukob iyon sa ating aura at syang magiging

spiritual protection natin habang nagme-meditate tayo para hindi tayo

mapakialaman ng masasamang ispirito ng hindi natin namamalayan. Iyon po ang

tinatawag na "spiritual insulation".


- Kapag nag-bless tayo sa buong sangkatauhan pagkatapos nating mag-meditate

iyong napakalakas na spiritual and psychic powers na bababa sa atin bunga ng

ating meditation ay macha-channel palabas at hindi mai-stock sa atin.

Napakahalaga po nito sapagkat kapag na-stock ang malalakas na powers sa atin

ay magpipirmi po iyon sa ating physical brain at iyon po ang tinatawag na "psychic

congestion" o pagbabara ng psychic energies sa ating etheric body. Ang

magiging resulta po niyon sa atin ay maaaring may ma-develop sa ating utak na

"cancerous brain tumor", o di kaya ay mauwi iyon sa "insanity" o pagkabaliw, o di

kaya ay maaaring mapunit iyong "etheric web" na syang proteksyon ng ating

utak...dahilan para mapasok tayo ng ano mang entity at mauwi iyon sa "demonic

possession".

...Ang pinaka-"the best" po talaga na pang-bless sa buong humanity ay walang iba

kundi iyong i-shinare ko na dati: iyon pong "THE GREAT INVOCATION"...

 
...Iyon pong THE GREAT INVOCATION ay si Lord Maitreya po ang nag-reveal

niyon sa sangkatauhan...noon pong katatapos pa lamang ng

World War 2...Si Lord Maitreya po ay walang iba kundi ang tinatawag nating "THE

LORD CHRIST" o "THE MESSIAH" sa Hebreo. Sya po sa katotohanan ang

tinatawag na "ANAK NG DIOS" na lumukob at sumanib kay Jesus upang magawa

ni Jesus ang Kanyang "spiritual mission" dito sa lupa.

Ayon po sa Kanya, ang GREAT INVOCATION daw ay inire-recite araw-araw ng

LAHAT NG MGA ASCENDED MASTERS kung kaya't kapag ini-recite o dinasal iyan

ng mga tao ay ma-connect tayo sa KANILA. Syempre, ang resulta nyan ay

makakakilos SILA sa sangkatauhan sa pamamagitan natin...upang maliwanagan,

magabayan at maprotektahan NILA ang sangkatauhan laban sa tinatawag na

"cosmic evil".

...na syang may kapangyarihang pumuksa sa sangkatauhan. (Ni sa imahinasyon

natin ay wala tayong tunay na kaalaman tungkol sa "cosmic evil" na iyan.

 
At iyon pong THE GREAT INVOCATION ay isa sa mga formula ng MGA MASTERS

upang dumating na sa daigdig na ito ang "Golden Age".


 
Mas maganda rin po na pagkatapos nating mag-meditate ay mag-exercise tayo

ng bahagya upang makatiyak tayo na hindi tayo magkakaroon ng energy

congestion. (Iyon pong energy congestion po ay kahalintulad iyon ng sipon na

nakabara sa ilong kung kayat hirap makahinga ang isang taong may sipon.)

 
At ngayon po na alam na natin iyan ay ini-encourage ko ang lahat na

magmeditate, sapagkat ano man po ang tahakin nating spiritual path patungo sa

Dios, halimbawa po,

- Kabbalah

- Shamanism

- Alchemy

- Magick

- Mysticism

- Occultism

- Psychism

- Spiritualism

- Spiritual Warriorship

- etc., etc.

...ang lahat po ng iyan ay nagsisimula sa MEDITATION, at kung hindi po tayo

magme-meditate at papasok sa loob ng ating "inner consciousness" ay

mahihirapan po tayo masyado sa ating pagtahak sa Landas Na Paakyat Sa

Sangkalangitan, kung saan naroon ang Panginoon na naghihintay sa pagbabalik

ng Kanyang "alibughang anak".

 
Tanong: Nasa Biblia po ba ang meditation?

 
Sagot: Opo, basaaa!

"Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at

kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa

lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka." (Mateo 6:6)

...iyan po ang tinatawag na "inward prayer" - walang iba kundi ang meditation.

- "And Isaac went out to meditate in the field toward evening. And he lifted up his

eyes and saw, and behold, there were camels coming." (Genesis 24:63/ESV)
(...kaya kung gusto nyo pong makakita ng mga camel, mag-meditate po

kayo...Joke lang po.)

  9. Kapag nanaginip po tayo ng masama ay huwag nating ikukuwento iyon bago

sumikat ang araw upang hindi sya magkatotoo.

 
10. Ano man ang mga plano natin sa buhay ay huwag nating basta-basta

ikukuwento kahit kanino upang iyong energy nila upang sila ay mabuo ay hindi

maglaho ("dissipate"). Gayon din, ano man ang mga hawak nating agimat/anting-

anting, at ano man ang mga "spiritual practices" natin ay huwag na huwag nating

basta-basta ipagtatapat kahit kanino, lalo't doon sa mga walang nalalaman sa mga

lihim na kaalaman/karunungan. Tandaan natin palagi ang sinabi ng ating

Panginoon: “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga bagay na banal, dahil

baka balingan nila kayo at lapain. At huwag din ninyong ihagis sa mga baboy ang

inyong mga perlas, dahil tatapak-tapakan lang nila ang mga ito.” (Mateo 7:6)

Tandaan po natin: kadalasan na sa likod ng gayong mga tao ay naroon ang mga

demonyo!...kung kaya't mas maigi na palaging pairalin natin ang pananahimik ng

ating isip at ng ating bibig. Iyon pong una ay walang iba kundi ang meditation na

natalakay na sa itaas, at iyon pong pangalawa ay syang susi sa "concentration of

our physical,mental, psychic and spiritual forces".

"AD MAIOREM DEI GLORIAM! "

You might also like