Week 8 Daily

You might also like

You are on page 1of 5

`

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON


Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 12, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 13)

Unang Wika

 Ang Unang Wika ay kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong wika
(mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak
hanggang sa panahon kung kalian lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang
nasabing wika.
 Sa ibang lipunan, tinutukoy na katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang
etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibiduwal, at hindi ang unang
natutuhang wika.
Halimbawa: Kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng taal na Iloko,
ngunit simula pagkapanganak ay tinuturuan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko
ang kanyang katutubong wika o mother tongue.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, ng unang wika sa gamit sa lipunang Pilipino

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng unang wika sa lipunan ginagalawan ng mga Pilipino

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nalalaman at naiuugnay ang unang wika sa sariling kaaalaman, pananaw at mga
karanasan.

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 13)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 13, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 14)

Pangalawang Wika

 Ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao salabas pa sa kanyang unang


wika.
 Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang
wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.
 Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang
wika ay tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o
sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aaral nito.
Halimbawa: Maituturing na ikalawang wika ng mga Pilipino ang wikang
Ingles sapagkat bukod sa isa ito sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ay
laganap ang paggamit ditto sa Sistema ng edukasyon at iba pang larangan
habang banyaga wika ang wikang aleman sapagkat hindi natural na
ginagamit sa ano mang larangan o lugar sa Pilipinas, liban na lamang kung
sadya itong pag-aaralan.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, ng pangalawang wika sa gamit sa lipunang
Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng pangalawang wika sa lipunan ginagalawan ng mga
Pilipino

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nalalaman at naiuugnay ang pangalawang wika sa sariling kaaalaman, pananaw
at mga karanasan.

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 14)

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Unang wika


at Ikalawang wika. Bawat isa ay may isang puntos.

Unang Wika Pangalawang Wika

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 14, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 15)

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

 Interaksyunal- ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatag,


pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa:
Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang
pormularyong panlipunan (Magandang Umaga, Maligayang Kaarawan, Hi/Hello at
iba pa), pangangamusta at pagpapalitan ng biro.
Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ay ang liham-
pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lgar o sa
isang bagong kakilala at maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.

 Instrumental- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa mga


pangagailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.
Halimbawa:
Ang paggawa ng liham-pangangalakal (business letters) ay isang
magandang halimbawa upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan.
Kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application
letter , bukod sa iba pang requirements.

 Regulatori- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos


o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano dapat o hindi
dapat gawin.
Halimbawa:
Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala, ang panuto sa pagsusulit at
mga napaskil na do’s and don’t’s kung saan –saan ay nasa ilalim ng
tungkiling ito.

 Personal- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling


damdamin oopinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit
ang tungkuling ito
Halimbawa:
Ang pagsulat ng liham patnugot at ng mga kolum o komentaryo.

 Imahinatibo- ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagpapahayag ng


imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit
ng idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo.
Halimbawa:
Akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha.

 (Heuristik at Impormatib) Heuristik- tungkulin ng wika na ginagamit sa


paghahanap ng paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling
Impormatib na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid ang
PAGTATANONG ay heuristik ang PAGSASAGOT ay impormatib (maliban kung
ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata ng
marami.).
Halimbawa:
Ang pagsasarbey ay HEURISTIK at ang pagsagot sa survey sheet ay
impormatib.
Ang pakikinayam sa pananaliksik ay isang halimbawa rin ng heuristik. Ang
pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng papel o pamanahong papel naman ay
mga halimbawa ng tungkuling impormatib.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang pagkakaiba ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng interaksyon sa tao sa lipunan na ating ginagalawan.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang gamit at pagkakaiba ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan
ng maikling dayalogo.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon
kay M. A. K. Halliday)

V. Pagtataya : (Pagsasanay Blg 15)

Panuto: Sa pamamagitan ng maikling dayalogo, tukuyin kung ano ang gamit ng wika ang
tinutukoy sa bawat na dayalogo. Bawat dayalogo ay magkakaroon ng isang puntos.

MALOU: Emma, Kamusta ka? (_______,________)


EMMA: Uy, Hi Malou! (_______) Mabuti naman ako. (________) Ilang taon na nga ba nang huli
tayong magkita? (________)
MALOU: Maglilima na yata. Nu’ng graduation natin ang huli nating pagkikita. (_________)
EMMA: Ikaw, kamusta naman? (__________,____________)
MALOU: Heto, medyo hindi mabuti. (___________) Pinagkaitan yata ako ng tadhana eh. Hindi na
nga pinalad na makikilala ang aking prince charming, nagbibilang ng poste sa ngayon! (________)
EMMA: Sa palagay ko, sinusubukan ka lang ng kapalaran. Darating din ang swerte mo. (________)
MALOU: Teka, ano na ang trabaho mo ngayon? (_______) Mukhang big time ka na ah. Ang ganda
ng attire mo eh. Professional na professional! (_________)
EMMA: Naku, hindi naman. (_______) Personnel officer ako ngayon sa isang kumpanya rito sa
Malabon. (____________)
MALOU: Uy, tulungan mo naman akong makapasok sa kumpanya ninyo. Please! (_________)
EMMA: Ay, tamang-tama. Kailangang-kailngan namin ng sales representative ngayon. (_______) Sa
palagay ko, puwedeng-puwede ka roon! (________)
MALOU: Naku, Emma, hulog ka ng langit sa akin! Pinagtagpo siguro tayo ng tadhana ngayon!
(________)
EMMA: Naks! Ang lalim nun ha. (________)
MALOU: Paano ba ang pagpunta sa kumpanya ninyo? (________)
EMMA: Madali lang. Sumakay ka lang ng jeep mula rito hanggang Mc Arthur Highway. Sa Barangay
Potrero, bumaba ka sa harap ng Potrero Elementary School, tapos, sumakay ka ng traysikel. Pahatid
ka sa drayber sa Mutya Publishing House. Nasa third floor ako. (________,___________)
MALOU: Sige, sa Lunes ng umaga, asahan mo ako. (__________)
EMMA: Sige, ingat ka ha. (_________,_________)
MALOU: Salamat ha, Emma. (__________)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 15, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 16)

LINGGWISITIKONG KOMUNIDAD

 Isang termino na sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga


taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o alituntunin sa paggamit ng wika.
 Nagkaskasundo ang mga miyembro ng lingguwistikong komunidad sa
kahulugan ng wika at interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural ng
paggamit nito.
 Ayon kay Yule (2004), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang
porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang
ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang
tiyak ng grupong panlipunan.
 Tandaan: Hindi lahat ng nagsasalita ng isang wika ay kasapi ng isang tiyak ng
lingguwistikong komunidad.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto ng Linggwistikong Komunidad na wika sa
lipunan.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng Linggwistikong komunidad sa wika sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng isang tao.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nagbibigyang-halaga ang Linggwistikong komunidad sa lipunang Pilipino.

V. Pagtataya : (Pagsasanay Blg 16)

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay sa paksang makikita sa ibaba. Ibigay ang iyong
opinyon at ideya na naglalaman ng tatlong talata.

1. Bakit mahalaga ang linggwistikong komunidad sa lipunang ating ginagalawan?

PAMANTAYAN BAHAGDAN
Nilalaman 40 %
Organisasyon 15 %
Kalinisan ng gawa 10 %
Gramatika 15 %
Kasiningan 20 %
Kabuuan: 100 %

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc.

You might also like