You are on page 1of 6

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON

Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Hulyo 8, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 4)

Wikang Pambansa
 Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.
 Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy
sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng
isang bansa.
 Ito ay nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan.
 Nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilalan ng grupo ng taong
gumamit nito.
 Sa Pilipinas, Filipino and de jure at de facto na pambansang wika ng bansa
 De Jure- legal at naayon sa batas ng Filipino ang pambansang wika.
Tinitiyak ng konstitusyon ang pagkakaroon at pagpapaunlad ng
isang pambansang wika.
 Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyon 1987
 Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang wika.
 De Facto-Filipino ang de factong pambansang wika sapagkat
aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ngmayorya ng
mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong 2000, 65
milyong Pilipino o 85.5% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na
ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filpino.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansang Pilipinas.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

V. Pagtataya (Malayang Talakayan)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Hulyo 9, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 5)

WIKANG PANTURO

 Ang wikang panturo ay wikang ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo


at pagkatuto ng sistema ng Edukasyon.
 Ang wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturora sa mga
mag-aaral.
 Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t
ibang konsepto, teorya, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang
tiyak na asignatura o larangan.
 Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987
bilang pagpapatupad sa mandato ng Konstitusyon 1987.
 Pangunahing nilalamanng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng
Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo.
 Ipinatupad naman ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-
MLE) noong 2009 na nagbibigay-ddin sa paggamit ng katutubong wika bilang
unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansang Pilipinas.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaaalaman, pananaw
at mga karanasan.

V. Pagtataya (Malayang Talakayan)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Hulyo 10, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 6)

WIKANG OPISYAL

 Ang wikang opisyal ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang


gagamitin/ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno.
 Ito ang wikang kadalasang ginagamit ng mga opisyal na dokumento na may
kinalaman sa korte, lehislatura at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno,
maging sa sistema ng edukasyon
 Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyon 1987 ang Filipino at Ingles bilang
opisyal na wika ng bansa: (Probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng
Konstitusyon)
 Sek. 7- Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo; ang
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana
ang batas, Ingles,
 Sek.8 – ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles;
at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at
Kastila.
 Presidente: Manuel L. Quezon (1937)- Ama ng Wikang Pambansa
 Surian ng Wikang Pambansa (1937)- mga naatasang mamili na wikang
gagamitin sa Pilipinas.
 Ang mga nahirang na Kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa:
 Jaime C. Veyra (Visayang Samar), - Tagapangulo
 Cecilio Lopez (Tagalog)- Kalihim at Punong
Tagapagpagganap.
 Santiago A. Fonacier (Ilokano)- Kagawad
 Filemon Sotto (Visayang Cebu)- Kagawad
 Felix Salas- Rodriguez (Visayang Hiligaynon)- Kagawad
 Hadji Butu (Muslim)- Kagawad
 Dalawa ang hindi nakaganap sa kanilang tungkulin kaya sila ay pinalitan:
 Filemon Sotto Zollo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
 Hadji Butu Lope K. Santos (Tagalog)
Jose L. Zulueta (Pangasinan)
 Tagalog Pilipino Filipino (Pambansang
Lingua Franca at multi-
language)

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansang Pilipinas.
IV. Kasanayang Pampagkatuto
 Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

V. Pagtataya (Malayang Talakayan)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Hulyo 11, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 7)

BILINGGUWALISMO

 Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng dalawang


wika.
 Ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) sa Pilipinas, sa
pamamagitan ng National Board of Education (NBE) Resolution No.73-7,
s. 1973 noong 1994.
 Naglalaman ito ng gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin
ang Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na
larangan ng pagkatuto sa mga paaralan.
 Pilipino na naging Filipino ang gagamitin bilang wikang panturo sa
mga asignaturang may kinalaman sa Araling Panlipunan/Agham
Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economics at
Values Education. Ingles naman ang gagamitin sa siyensya,
Teknolohiya at Matematika.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansang Pilipinas.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 4.)

Gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng 3 talata. Sa bawat talata, binubuo ito


ng 4 na pangunngusap.

1. Sang-ayon ka ba sa pagpapalaganap ng Bilingguwalismo sa Pilipinas? Bakit


OO bakit hindi?

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Hulyo 12, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 8)

MULTILINNGUWALISMO

 Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na


makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika.
 Sa antas ng lipunan, ito ay nangnaghulugan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga
lalawigan at rehiyon.
 Maraming dulot na kabutihan ang multilingguwalismo:
 Kritikal na pag-iisip
 Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin
 Mas mahusay sa kasanayan ng pakikinig
 Matalas na memorya
 Ang multiliguwalismo ay ang kakayahan ng isang tao na umunawa
at magsalita ng higit sa dalawang lenggwahe. Ang kakayahang ito ay
natututunan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon, pagtuturo ng
mga kaibigan na may alam sa bagong wika na nais matutunan o di
kaya'y dahil sa pagtira sa isang pook na may ibang lenggwahe liban
sa nalalaman ng isang tao.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdadaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansang Pilipinas.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 5)

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba ng Bilingguwal at


Multilingguwal at ilagay rin ang kanilang pagkakatulad.

BILINGGUWALISMO MULTILINGGUWALISMO

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mutya Publishing House Inc.

You might also like