You are on page 1of 3

Can Amnesia Turn Friendship To Love ?

Aldrin O. Juanico (@iDrinny on twitter)

Ako si Lilac Daphne Corpuz , 12 years old and a 1st Year High School student , you
can call me LiDa in short , it is pronounced as �LAYDA� . Ngayong first day of
classes hindi ako kinakabahan , wala akong first day fright , kasi alam kong andyan
si Jan , ang best friend ko na 4th Year High School na , may inililihim ako na pag-
tingin sa kanya since grade school . Business partners kasi ang parents naming kaya
magkakilala kami at naging bestfriends . Sa school .
LiDa : Hoy ! Jan Ronaldo Mendoza , andito ako ! Musta ka na ?
Jan : Hwag mo nga akong tawagin sa full name ko , mukhang pang-matanda eh . Ok
naman ako , halika ituturo ko ang classroom mo , balita ko ikaw raw ang number one
sa entrance examination dito !
LiDa : Salamat sa pagreremind sa akin na ako ang number one sa entrance exam ng
school na to , there are lots of people talking about that !
Jan : Aba ! Pa-english English ka pa huh . Halika pumunta na tayo sa classroom mo .
LiDa : Sige , sabay tayo lunch huh . At galingan mo sa klase mo para buena mano ang
first day mo , para ma-maintain mo ang 2nd Honors mo !
Jan : Sige bah .
That day , sabay kami naglunch at almost every day sabay kami mag-lunch. Gustong
gusto ko naman yun , HAHA .
Sa classroom naman may nagging close ako si Marco , hay naku , parating nangongopya
sa akin , pero matalino naman siya , ngunit may nadiskubrehan ako , isang araw ,
hinila ako ni Jan .
Jan : Hoy , babae , parati kang lumalapit dyan kay Marco , hindi mo ba alam na may
gusto siya sayo ?
LiDa : tapos ? bakit ka nagagalit , may gusto ka rin sa akin ?
.
..

Jan : eh di siyempre
.
..

WALA , bestfriends lang tayo diba ?

Nasaktan ako sa sinabi niya . Inasahan ko na , sasabihin niyang mahal niya rin ako
. Ok lang naman sa akin na sabihin niyang hindi niya ko mahal , dinugtungan pa kasi
na mag.best friends lang kami .
Isang buwan kaming di nag pansinan , pinapansin niya ako pero hindi ko siya
pinapansin , lubha akong nasaktan dahil doon . Dumating ang 1st recognition day at
siya ang tasked na mag-distribute ng mga certificates for the honor students . .
EMCEE : Second Honors goes to Michelle Cabugao .
MARCO ; Sigurado akong ikaw na ang First Honors , Lilac .
LiDa : Thanks .
EMCEE : and our First Honors goes to Lilac Daphne Corpuz ,
Ang saya-saya ko , tinanggap ko ang envelope na inabot sa akin ni Jan,
ngunit nahinto ang mundo ko ng . . .
EMCEE : tying with Rabindranath Marco Panigurado .
LiDa : Huh ? tie kami ? Eh , nangongopya lang yan sa akin eh , sabagay .
Nasa bahay na ako ng buksan ko ang envelope ko , nagulat ako sa nakita
ko , hindi certificate ko ang nakalagay ngunit isang note na nag sasabing .
---------------------------------------------------------------------------
Dear LiDa ,
Sa birthday ko sa sabado , ipapakilala kita kay lolo at may ipakikilala
rin ako sayo , punta ka huh ? claim your certificate there !

Jan Ronaldo Mendoza


----------------------------------------------------------------------------

LiDa : Huh ? sabi niya sa akin , ang mga girlfriends niya lang ang pinakikilala
niya sa lolo niya , hindi kaya , mahal niya na ako ?
Hindi ko maipinta ang mukha ko . Sobrang saya ko . Sa araw ng birthday
niya , nagbihis ako ng maganda , nagbestida , nag perfume , nagpa-salon . Hindi ko
inakala na susunduin niya pa ako sa bahay naming gamit ang gift sa kanyang sasakyan
.
Jan : Oh , ano pinatawad mo na ako ?
LiDa : OO, sa ngalan ng certificate ko .
Jan : sakay na !
Sumakay na nga ako at panay ang tingin niya sa kin , naisip ko tuloy ,
ganyan na ba talaga ako kaganda ? Dumating kami sa bahay nila at pumunta siya sa
lolo niya na hawak ang kamay ko . Parang nasa langit ako .
Hinahanap ko ang lolo niya . Tinanong ko siya .
LiDa : San ba dyan ang lolo mo ?
Jan : Ayun , sa tabi ng babaeng nakagreen . Halika na .
LiDa : Ok , magandang gabi po lolo .
Jan : Lo eto po pala ang babaeng pinaka mamahal ko ,
Siyempre nakangiti ako ng . . .
Jan : Si Belle , ang girlfriend ko .
Hindi ko alam na ang babaeng nakagreen pala ang girlfriend niya ,
tumakbo ako palabas ng gate . Hinabol niya ako .
Jan : LiDa , ok ka lang ?
LiDa : Drive me home please .
Jan : Ok , hop in .
Sa sasakyan .
Jan : anong problema?
Jan : anong problema?(louder voice)
Jan : anong problema?(shout !)
LiDa : ikaw , ikaw ang problema ko , ahhh , watch out !
NADISGRASYA KAMI . NABUNGGO SA POSTE ANG SASAKYAN NI JAN . Buti na lang
nakita ko agad at nakaprepare ako , hindi ako masyadong nasaktan . Mga galos lang
ang natamo ko . Ngunit si Jan .
LiDa : Mrs. Mendoza , sorry po .
Mrs. Mendoza : it�s alright , hija .
Doctor : Mrs. Mendoza ? Your child will suffer permanent amnesia . Sorry .

Nalungkot ako ng malaman ko yun . Dinalaw ko siya sa bahay nila .

LiDa : Mrs . Mendoza , dadalawin ko po siya .


Mrs. Mendoza : In his room hija .
Sa kwarto niya .
LiDa : Oh , Jan , kamusta ka na ?
Jan : Sino ka ?
LiDa : Bestfriend mo , pero alam ko hindi mo na yun maaalala .
Jan : Sa ganda mong yan , bestfriend lang kita ?
LiDa : Nawalan ka na nga ng memorya , bolero ka pa rin .
Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko nun . Madalas ko siyang
sinasama sa mga lugar na madalas naming puntahan . Lumipas ang 3 taon . Hanggang
isang araw .
Jan : LiDa , minsan ba sa buhay ko , niligawan kita ?
LiDa : Hindi ah , at alam ko hindi yun mangyayari .
Jan : LiDa , pwede ba kitang ligawan ?
LiDa : Huwag ka ngang magpatawa Ja�.
Nagulat ako ng halikan niya ako. Doon ko lang naramdaman ang tunay na
pagmamahal . Naging kami mula nang araw na yun . Nung araw din na iyon , nagtapos
ako ng High School bilang Valedictorian .
Tumira kami sa iisang bahay . Isang araw , may narinig akong nagring ng
doorbell. Nang buksan ko , nagulat ako ng makita ko si . . .
LiDa : Ate Belle ?
Belle : Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, LiDa , may anak kami ni Jan , 3 taong
gulang na siya . Please ibalik mo na siya sa akin , Kung hindi siya nagkaamnesia
hindi ka rin naman niya . . .
LiDa : Tama na ate Belle , pag-iisipan ko .
Ilang araw ko yung pinag-isipan hanggang nasabi ko iyon kay Jan .
LiDa : Mali itong ginagawa natin , Jan , may anak ka kay ate Belle , panagutan mo
iyon . Sorry but I have to let you go ,
Umalis ako sa bahay na tinitirhan namin dala ang puot at pagkabigo ng
dalawang beses . LUMIPAS ANG ISANG LINGGO ,
Jan : Mr. Corpuz , nasaan po si LiDa ?
Mr. Corpuz : nasa airport , hindi mo ba alam ?
Jan : na ano po ?
Mr. Corpuz : pupunta siya ng states , doon siya titira kasama ng mama niya ,

Pinaharurot ni Jan ang kotse niya at naabutan niya ako sa airport .

Jan : LiDa , huwag ka nag umalis , nalaman ko na hindi ko tunay na anak ang anak ni
Belle . Huwag ka nang umalis .

LiDa : Jan , sabihin mo sa akin . Kung hindi ka nagka amnesia ,sa tingin mo andito
ka ngayon ? Kahit anak mo iyon o hindi , mali pa rin ang ginagawa natin ,
pinagtaksilan natin ang katotohanan , si Ate Belle ang tunay na nagmamay-ari ng
puso mo . Mahal kita Jan , matagal na , kahit noong di ka pa nagkaamnesia , pero
alam kong ang katotohanan ang mananalig sa huli . I LOVE YOU ENOUGH TO LET YOU GO .

Sabay sa pagbitiw ko ng kamay niya ang pagtulo ng aking mga luha Lingid sa isip
niya na daladala ko ang anak niya . Isinilang ko ang anak namin ni Jan sa Amerika .
Buti na lang at nakilala ko si James , isang Pilipinong nagtatrabaho sa US , na
siyang kinilalang tatay ng anak ko . Sa ngayon , masayang ikinasal sa Pilipinas
sina Ate Belle at Jan . Tunay ngang ang katotohanan ang makakapaglaya sa iyo ,
KAHIT NA HINDI MAN KAMI NAGKATULUYAN NI JAN , MANANATILI SIYA SA PUSO KO , AT
WALANG MAKAKAAGAW SA KANYA RITO .

You might also like