Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Pananaliksik PDF
Kahulugan NG Pananaliksik PDF
Ø Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
Ø Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at
mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ø Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
Ø Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.
Ø Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang syentipikong pamamaraan.
Ø Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng
isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Ø Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng
mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
explanasyon.
Ø Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong
proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan
ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa
limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
Ø Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa
mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o
yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral
na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon
ay nakaplano.
Ø Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri
at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu
o aspekto ng kultura at lipunan.
Ø Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang
komposisyon sa musika.
Ø Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ø Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na
nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral,
maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at
higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad
ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at
Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagatala ng mga tiyak na layunin ng
pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.
Halimbawa:
Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa pamamagitan ng pananaliksik,
maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina.
Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at impormasyon
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas,
ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring
malunasan na sa hinaharap.
Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya,
napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng komputer,
cell phone, fax machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na pananaliksik sa larangan
nabanggit, higit sa sopistikado at episynte ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa
hinaharap.
Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
Halimbawa:
Dati-dati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit
bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).
Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
Halimbawa:
Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang mga negatibong epekto ng
metemphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong
isang ipinagbabawal na gamot.
Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan.
Hailmbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hyskul ay
kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang
naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa
batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Education Curriculum
o BEC.
Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
Halimbawa:
Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga
ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawg
na incubator.
Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga
mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya
nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hingil sa mga katangian at kalikasan
ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga
mamimili.