You are on page 1of 2

Kaligirang pangkasaysayan ng VISAYAS

(kabisayaan)
Ang Visayas o Kabisayaan , tinagurian ring Gitnang Pilipinas, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo
sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot
sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.[2]
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.[5] Ang rehiyon ay
maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga Bisaya.

Kasaysayan
Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila.
Maraming mga alamat at mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung
may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang mga tao sa rehiyon ng Kabisayaan ay
mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga
unang nanirahan ay mga tribong animista. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo
ng Srivijaya, Majapahit at Brunei, na pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan
sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito.[6] Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na Arabe at
ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang mga
tribong pangkat sa Islam.

Mga Rehiyon at Lalawigan


Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 17 mga probinsiya.
 Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon VI)
Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:
Aklan
Antique
Capiz
Guimaras
Iloilo
 Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)
Lungsod ng Iloilo (Iloilo City)
 Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo ng Cebu,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros Oriental. Ang
mga lalawigan nito ay:
Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Occidental
Negros Oriental
 Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VII)
Lungsod ng Cebu (Cebu City)
 Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII)]
Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo ng Leyte, Biliran, at Samar. Ang mga lalawigan nito ay:
Biliran
Leyte
Timog Leyte
Silangang Samar
Hilagang Samar
Kanlurang Samar
 Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VIII)
Tacloban (Tacloban City)

Wika
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng
Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang
mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang
pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang
pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing
na pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga
pampublikong palatandaan at kalakalan.
SI LALAK AT SI BABAYE
Nuong unang panahon, may dalawang bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan.
Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan at sila ay nag-asawa.

Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si
Kaptan at si Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki
ang paghihinagpis na umalis si Maguayan.

Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay. Nabagabag siya ng kamaliang
ipinataw niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya
ang buong kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang
diyosa.

Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim
ng kawayan sa halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo.
Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na
malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong kumakaway sa daloy ng hangin.

Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,”
buntong hininga niya, “kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong
magandang tanawin sa gitna ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon!”

Patuloy ang pagtubo ng kawayan. Ang halamanan ay lalong gumaganda araw-araw. Isang dapit-
hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang
sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari,
binulong na niya sa kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.”

Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha.
Bininyagan siya ng diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay “katulong ng nilalang na malakas.”
Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.
Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga pananim. Sa
kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan.

Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang
babae ay tumanggi. “Hindi ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang lalaki. “Tutuo ang sinabi
mo. Subalit walang ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si Sikalak. “At kailangan natin ang
mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa para sa ating panginoon.”

Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo
isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.”
Pagtagal-tagal, matapos ng mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa
mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin
nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pag-aasawa.
“Kailangang mag-asawa kayo,” sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.”

Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan
nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae, na tinawag nilang Samar.

You might also like