You are on page 1of 2

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Ang Nobelang El Filibusterismo ay nagsimula sa isang paglalakbay ng


bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-
aalahas at nagbabalat kayong si Simoun na walang iba kundi si Ibarra, ang
makatang si Isagani, at si Basilio, si Huli, na ngayo'y binata na.
Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay
nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng
libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo.
Upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayin
si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dili siya at sa halip ay hinikayat ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si
Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga
estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang kamahalan
upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang
ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang
ang mamamahala sa akademyang ito ay ang mga prayle, samantalang ang mga
estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng
karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling
hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at
mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil
si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng
loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang
Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang
mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang
nangyari.
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga
paskil na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang
pagdidikit ng mga paskil na ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga
estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Huli na kanyang kasintahan. Sapagka't ang mga
estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang
makapamagitan ng kanyang kadukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiago.
Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Huli kay Padre Camorra na
tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring
ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Huli, gawa ng pagkalundag nito
sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay
nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa
ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at
Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral.
Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang
kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa
lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa
tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa
paghihimagsik na di natutuloy. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon
upang ipakita sa binata ang bombang kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may
hugis granada at kasinglaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun
ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong hapag kainan na ipasasadya niya
ang pagkakayari. Ang ilawan ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at
pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinanggad na itaas ang
mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio.
Ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatunaw ng
kiyoskong hapag kainan, at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon.
Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay
siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni
Simoun.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga
alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad
naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia
sibil na buhay. Matapos nito, inihagis ni padre Florentino ang kayamanan ni
Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng
taumbayan.

You might also like