You are on page 1of 2

I.

Layunin
 Nakapaglalahad ng impormasyong natutuhan sa napakinggang teksto
 Napapahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan
 Maintindihan ang tekstong binasa ng guro
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Paglalahad ng impormasyon mula sa tekstong napakinggan
b. Sanggunian: Ang Bagong Batang Pinoy 2 (Filipino), pahina 486-489
c. Kagamitan: Larawan ng palay, bigas at mga nagugutom; aklat; visual aids
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Balik-Aral
Isulat sa patlang ang S kung Sanhi at B kung Bunga ang sinalungguhitang
bahagi ng pangungusap.
___1. Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon sa kanya
___2. Malakas ang ulan kasi may bagyo
___3. Nag-aaral ng mabuti si Renz. Kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.
C. Paglalahad
1. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng palay, bigas,kanin at tao o batang nagugutom
Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga larawan? Magkakaugnay ba
ang mga ito sa isa’t isa? Bakit?
Magpapakita ang guro ng larawan ng pagtatanim ng palay at pag-
aararo sa bahagi ng kapatagan.
Itanong:
Sino-sino ang nakikita ninyo sa larawan?
Sino sa inyo ang nakaalam ng ganitong gawain?
2. Pagtalakay
 Basahin ang kuwento na makikita sa aklat; pahina 486-487
 Itatanong:
Ano ang gintong butil?
Ano-ano ang pinagdaanan ni Mang Zacarias upang
magkaroon ng magandang ani ng palay?
Ano naman ang suliranin na kinahaharap ng isang tulad ni
Mang Zacarias?
Ano ang epekto ng kasipagan ni Mang Zacarias?
3. Pagpapahalaga
Paano mo pahahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan
na kanyang inilaan para sa tao at bayan?
4. Gawaing Pagpapayaman
Igrupo ang mga estudyante sa apat
Unang Grupo – Maglahad ng impormasyong napanood sa telebisyon,
nasaksihan o narinig tungkol sa mga magsasaka.
Ikalawang Grupo – Magkuwento tungkol sa nabasa o narinig na balita
sa mga palayang sinalanta ng bagyo o peste.
Ikatlong Grupo – Magtala ng mga paraan kung papaano
pangangalagaan ang pananim ng mga magsasaka.
Ikaapat na Pangkat – Magtala ng mga paraan kung papaano
pahahalagahan ang kanin at iba pang pagkain na mula sa palay.
D. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang impormasyon sa mga
binabasa o pinakikinggan?
IV. Paglalapat
Pakinggan ang babasahing teksto ng guro at isulat ang mga mahahalagang
impormasyon sa papel.
V. Takdang Aralin
Magsulat ng isang balita na napanood sa TV o narinig sa radyo. Ibahagi ito
sa klase.

You might also like