You are on page 1of 1

Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas ng

kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging regular na ang kalahati
sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taong ito, tapos wala nang
kontraktwal pagdating ng 2017.

Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’ solution, na tila
mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win’ solution na bigyan
ng mga benepisyo na mayroon ang mga regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th month pay,
SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat ang mga manggagawa batay sa
pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero papayagan ang mga kumpanya na
kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung ganoon ang panangailangan. Ang mga
mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na
maghintay ang manggagawa ay bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang
kumpanya. Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag
na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng
mga kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito.
Nakabalangkas na ang panukalang ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE Secretary
Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mga
probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa.

Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang Kilusang Mayo Uno, Trade
Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga
manggagawa pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng
kontraktuwalisasyon.

You might also like