You are on page 1of 1

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng hagupitin ang bansa ng pinamalakas na bagyong naitala sa

kasaysayan. Mahigit anim na libo ang namatay at nasa milyon ang ari-ariang nawala paglipas ng bagyong
Yolanda. Dagdag pa rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima.

Sa kabila nito, tila mailap ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga biktima. Maraming
naging mga anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga Pilipino mula sa ibang panig ng bansa
maging ang mga tulong mula sa mga dayuhan. Mula pa lamang sa paunang relief good hanggang sa mga
proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima.

Pagdating ng administrasyong Durterte, ayon sa Commission on Audit report noong Oktubre, nasa
mahigit 30 porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30 porsyento
rin ang malapit ng simulan at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng ikaapat na taon matapos
ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong pagtugon sa rehabilitasyong
kinakailangan ng mga biktima.

You might also like