You are on page 1of 1

“My God, I hate drugs.

Wala ring nakalimot sa pagsambit ni Duterte nito. At ang pagsugpo sa droga rin ang isa sa naging
prayoridad niya, lalo pa’t nagbitaw siya ng salita na matatapos ang problema sa droga sa loob ng unang
tatlo hanggang anim na buwan ng kanyang panunungkulan.

Pero na-extend na ang deadline ni Duterte sa pagsugpo sa problema sa droga. At sa halip na inaasahang
lahatang-panig na pagresolba sa problemang ito, ang tumambad sa mamamayan ay libu-libong bangkay
ng mga diumano’y sangkot sa droga o mga nanlaban mula sa pagkaaresto.

Ayon sa ulat ng pulisya, 5,882 na pinatay mula sa pagkakaupo ni Pangulong Duterte noong Hunyo 30.
Nasa 2,041 ang suspek ng ipinagbabawal na gamot ang napatay mula sa police operations, samantalang
3,841 ang bilang ng napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek, mga riding-in-tandem o mga tinuturing
na vigilante.

Nakakahindik isiping magpapatuloy ang patayan sa loob ng buong panunungkulan ni Duterte, lalo’t hindi
pa rin hinahayag sa mamamayan ang lahatang-panig o pangmatagalang solusyon na pagresolba sa
usapin ng droga: ang pagresolba sa malalang kahirapan at kawalang-kaunlaran sa bansa. Kasama naman
sa mga pinapunukala sa pangulo na short-term na mga solusyon ang rehabilitasyon, edukasyon at
programang pangkabuhayan para sa mga nalulon sa droga. Dapat ding panagutin ang mga malaking
pusher at protektor ng droga, isang bagay din na hindi pa nagagawa sa ngayon samantalang libu-libong
maliliit na pusher o user ang hindi man lang nililitis, pero agad na napapatay.

You might also like