You are on page 1of 1

Larisa Mendoza

BSC-1201
MATH SPOKEN WORD POETRY
‘’MATH-HALAGA’’
Ang tulang ito ay sisimulan ko sa salitang MATH isang salita na binubuo ng apat
na letra na mayroong malalim na kahulugan para sa bawat isa simula noon
hanggang sa ngayon kaya ito na babanggitin ko na ang kwento ng bawat letra ng
asignatura na madalas nating kinatatakutan pero sa puntong ito gusto kong
makinig ka kung gaano ang MATH ay mahalaga magsisimula na ako sa una kung
saan may letrang M-May naaalala ka pa ba? Noong ika’y isinilang sa mundo at
natutong maglakad na sinabayan ng Nanay mo ng bilang na isa, dalawa at sunod-
sunod pa ang galing natuto ka na humakbang diba? A-Alam kong bata ka pa lang
may MATH na kaya’t aminin mo man o sa hindi na minsan ay hindi mo ito
namamalayan na ginagamit mon a sayong pang araw-araw na pamumuhay paano?
Simula sa pagtulog mo binibilang mo na kung ilang oras pa ang yung maitutulog
hanggang sa paggising mo na titingnan mo ang orasan kung anong oras na? Oras
na para gumising ka at pumasok sa paaralan upang mag-aral madalas pa pag
naririnig natin ang salitang MATH ay tayo’y namomroblema na pero wag kang
mag-alala dahil lahat ng problema ay may solusyon gaya nga ng MATH bibigyan
ka ng guro ng problem hindi para sumuko ka kung hindi ay para matuto kang
lumaban dahil sabi ng yong guro ‘’show your solution’’ ipakita mon a lahat ay
may solusyon basta tama ang formula T- Tara na at wag matakot sa math na
asignatura bigyan mo ito ng value gaya ng value ng pamilya mon a kapag nakikita
mo ay solve ka na kaya H- Huwag kang matakot dahil ang MATH ang magtuturo
sayong mabuhay ng eksaktongmasaya walang labis , walang kulang ang MATH
ay mahalaga kahit saang banda kaya’t tatapusin ko na ang tulang ito pero ang
halaga nito ay hindi matatapos kaya bago ko tapusin ang tulang ito gusto kong
ipaalala sayo na in ‘’every problem there’s a solution’’.Iwasan ang negative at
palaging maging positive dahil ang totoong kahulugan ng MATH ay MATH-saya
hindi MATH-lungkot.

You might also like