You are on page 1of 2

Pangarap ng Isang Mahirap

Ni Mary Ann N. Tayaban


Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung sa simula ba o sa dulo. Marahil ay
sadyang bobo ako at isang gusgusin lamang. Hindi ako kailanman nakatapak sa pinto ng
paaralang sinasabi nila na magdadala daw sa isang tao sa magandang kinabukasan.Ni hindi ko
alam kung paano magbasa at magsulat. Isa lamang kami sa mga pamilyang salat sa buhay at
uhaw sa edukasyon.
Minsan nangangarap ako na balang araw ay makaahon kami sa kinatatayuan namin ngayon.
Magkaroon ng malaking bahay,sapat na pagkain para sa aming malaking pamilya at higit sa lahat
ay makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit paano ko maaabot ang mga ito kung ganito ang estado
namin sa buhay.Hanggang pangarap na lang ba ang lahat?Marahil?
Ako si princess.Siguro iniisip ninyo kung bakit ito ang ipinangalan sa akin? Maganda raw kasi ako,
maputi, bagay maging isang prinsesa.Pangatlo ako sa sampung magkakapatid at labindalawang
taong gulang. Nakatira kami sa isang pinagtagpi-tagping mga yero at plywood sa ilalim ng isang
overpass dito sa lungsod ng Maynila.Araw-araw ay nakikipagsapalaran upang makaahon sa gutom
ang aming pamilya.
Hanggang sa isang araw,sinalanta kami ng bagyo at ‘di inaasahang matangay ng malakas na
pag-agos ng tubig ang bunso naming kapatid kaya sinundan siya ng aming tatay. Ilang minuto na
ang lumipas at wala pa si tatay na dumadating kaya naman nagpumilit si nanay na sundan sila kahit
ayaw namin. Basang –basa kami at ginaw na ginaw.Patuloy pa rin ang pag-agos ng malaks na ulan.
Lumipas ang ilang araw at medyo humupa na ang malakas na pag-ulan, ngunit wala pa ring
nanay at tatay na dumating. Ano na kaya ang nangyari saa kanila? Alam kong hindi pa ito ang
katapusan sapagkat ito pa lamang ang simula ng kwento ng aming buhay. Ngayong Malabo ng
magkita pa ulit kami ng aming mga magulang, natuto na kaming dumiskarte at maghanap ng buto
para maitaguyod ang aming mga nakababatang kapatid.Nagkakalkal sa basurahan upang
maghanap ng tira-tirang pagkain,nanghihingi ng limos sa kalsada,nagnanakaw ng pwedeng makain
sa palengke at kung hinde ay makikipaghabulan sa mga tao at sa mga pulis sa kalsada dahil sa
pitaka at ni minsan ay hindi kami nahuli, isang bagay na aking ipinagpapasalamat. Subalit, naisip ko
na hindi makatarungan itong ginagawa namin. Gumagawa kami ng hindi maganda sa ibang tao
para lamang maibsan ang aming paghihirap.
Isang araw, habang ako’y nagkakalkal sa basurahan ay nakakita ako ng isang maitim na basket.
Tinignan ko ang laman nito at nakita ko ang mga papel na maayos na nakatupi, marahil ay mga
dokumento .Binuksan ko ang pangalawang bulsa nito at napanganga ako dahil sa gulat at tuwa.
Ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng ganito kalaking halaga ng pera.Makukuha na namin
ang mga bagay na matagal naming pinapangarap, ngunit hindi sa amin ito.
Kinuha ko ang basket at umuwi sa amin.Ipinakita ko ito sa aking mga kapatid at maging sila ay
nagulat.Tinanong nila kung saan ko nakuha ito at sinabi kong nahanap ko ito sa basurahan.Katulad
ng naramdaman ko kanina ay parang hindi na rin nasiyahan ang aking mga kapatid kaya
napagdesisyunan namin itong isauli sa mga pulis.
Isinauli namin ito sa mga pulis at kinuhanan ng mga impormasyon kung paano namin nakuha ito.
Paalis na sana kami sa istasyon nang may dalawang matatandang Amerikano ang pumasok at
halatang may hinahanap na kung ano. Maya-maya ay bigla kaming tinawag ng mamang pulis na
pinag-abutan namin kanina ng basket. Lumapit ulit kami sa kanya at sinabi niyang ang may-ari raw
ng basket na iyon ay ang mga matatandang kaharap namin ngayon. Tumingin ako sa matandang
babae at bigla niya akong niyakap sabay sabi ng,”Thank you for being honest my dear. That suit case
is very much important to us.”Hindi ko man maintindihan subalit alam kong nag-papasalamat siya sa
amin.Nginitian ko lamang siya at sinabing,”It’s okey.” Oh di ba,kahit ganito ako may alam din ako sa
salitang banyaga.
Pagkalipas ng labing-limang taon ay nakabalik din kami lupang aming tinubuan.Nakapagtapos
kami ng kolehiyo at may mga trabaho na.Hindi ako makapaniwalang ang dating pangarap ko lang
noon ay naabot ko na dahil sa mga tulong nila. Marahil nagtatanong kayo kung paano nangyari
ito.Oo, hindi lang ako kundi lahat kaming magkakapatid ay kinupkop ng dalawang may-ari ng suit
case noon.At kahit wala na sila ay malaki ang utang na loob namin sa kanila.

Aral: Ang kahirapan ay hindi hadlang upang ikaw ay makagawa ng mabuti sa iyong kapwa
at sa iyong sarili.

You might also like