You are on page 1of 2

BAKUNA O DISGRASYA?

: LIHIM NA EPEKTO NG DENGVAXIA

Ayon sa Maslow’s Heirarchy of Needs kung saan ipinapaliwanag ang mga nakakaapekto para gumawa
ang isang tao ng isang aksyon kung saan isinasaad ang safety and security o kaligtasan at seguridad ng
isang tao upang makamit ang self actualization ay dapat malampasan niya muna ang aspektong ito. Parte
na ng isang bansa ang magkaroon ng ahensya ng gobyerno na tumutugon sa kalusugan at sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga tao ng isang bansa. Higit pa roon dapat tama at ligtas ang
anumang bagay na ipapatupad ng isang bansa.

Nito lamang nakaraang taon naging laman ng balita ang tungkol sa dengvaxia, kung tutuusin isa ito sa
mga hakbang ng ahensya ng kalusugan ng gobyerno na makakatulong upang mabawasan ang kaso ng
dengue sa pilipinas ng 80 porsyento at 90 porsyento sa pagkakahospital. Ngunit ang sana ay lunas sa
sakit ay siya pang naging sanhi ng mas malalang sakit at pagkamatay. Naging kontrobersyal ang
paglitawan ng mga batang namamatay dulot umano ng pagkakabakuna ng dengvaxia naging sanhi ito
upang maalarma ang mga magulang ng halos 800,000 na mga batang pilipino na nabakunahan sa mga
pampublikong paaralan. Ang sakit na dengue ayon sa World Health Organization ay dulot ng kagat ng
lamok na dengue carrier may apat itong types ayon kay Dr.Dans ang una ay mild, sunod ang severe at
ang pangatlo at pang apat na infection ay itinuturing na mild din pero sobrang nakakapangamba
sapagkat di mo malalaman ang agad na magiging epekto ng dengue sa katawan ng nakagat ng lamok.

Higit pa roon wala pang natutuklasan na lunas para hindi tamaan ng dengue at ang dengvaxia lang
sana ang kauna unahang bakuna na talagang makakapigil sa paglaganap ng dengue sa mga natamaan
nito. Ngunit sa kasamaang palad ay yun pa ang naging sanhi ng sakit, sa puntong ito nagsagawa ng mga
inbestigasyon ang mga ahensya ng gobyerno upang matuklasan kung ano ba nga ba ang tunay na dahilan
ng pagkakamatay ng ibang mga kabataan. Lumitaw sa imbestigasyon na mula rin sa manufacturer nitong
si Sanofi Pasteur bago pa pala ilabas at bilhin ng DOH ang dengvaxia ay may lumitaw ng risk sa mga
batang maaring maturukan nito na wala pang naging kaso ng dengue. Ang nakakapagtaka lang at
nakakapanggalaiti sa puntong ito ay ang kawalan ng konsiderasyon ng manufacturer. Alam niya na palang
may maaring masamang maidulot ang dengvaxia ay hindi niya pa ito sinabi agad at mas binigyan pa ng
halaga ang perang makukuha niya dito. Sa puntong ito dapat din nagsagawa ang ahensya ng kalusugan
ng gobyerno ng masususing pag aaral tungkol sa bakuna na ito lalo na at unang pakilala pa lang ng
bakunang ito sa buong mundo. Dapat hindi naging padalos dalos, una na lamang diyan ang pag bili agad
ng 3.5 milyon na bakuna.

Ngayong may bantang masamang epekto nang hatid ang bakuna ano na lamang ang gagawin sa mga
natitira pang vials ng dengvaxia, mananatili ang hindi pagkapanatag ng mga magulang tungkol sa
dengvaxia hanggat hindi nalalaman ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito. Hindi agad mabibigyan ng
hustisya kung meron nga ba hanggat mananatili ang usad pagong na pagiimbestiga at mga walang
kwentang kuro kuro na magpaturok ng dengvaxia upang malaman kung may masamang epekto nga ba.
Hinding hindi ito mabibigyan ng solusyon kung mismo ang kainitan ng isyu ay ginagamit ng ibang opisyal
na sangkot ay sinasamantala para sa kasikatan lamang.

Maraming pagkakamali at isa na dun ang pagtiwala agad agad, maganda ang intensyon ng gobyerno
ngunit ang anumang magandang intensiyon kung nasa maling pagkakataon ay makakapagdulot ng
maling sitwasyon. Saludo ako sa misyon ng ahensya ng kalusugan ngunit di lahat ng bagay kailangan agad
agad pagkatiwalaan, lalo na kung ganitong aspekto kailangan ng mas masusing pag aaral at
pagbeberepika para sa mas ikabubuti ng marami at sa pag unlad ng ating bansa dahil yan mismong
kabataan na ating pinapangalagaan ang siyang magmamana ng ating pinaghirapan para sa ating bansa.

You might also like