You are on page 1of 2

Tahimik at payapang namumuhay

Ang aming pamilya


Hindi alam na isang liham lang ang kailangan
Upang mabasag itong katahimikan

Labinglimang taong gulang lamang


Nang nakagisnan ang panahon ng digmaan
Dugo at mga lantang katawan
Ang tanging nakikita

Tumatakbo palayo sa mga kalaban


Upang mabuhay lamang
Sikreto lamang dapat ang aming paghinga
Kun’di malalagot sa mga kawal na nagaabang

Isang araw
Nahuli sa tinataguan
At inilayo sa pamilya ko
Iisa lamang ang aking naiisip
Ang manipis na posibilidad na makabalik sakanila

Takot at lungkot namumuo sa bawat tao


ngunit sa aking puso
Pagibig, pag-asa at pananampalataya
Ang laman lamang nito

Para sa magandang bukas


At sa pagbabagong inaasam
“Wag isipin ang kahirapan ngunit pagtuunan
Ang ganda na nanatili parin kahit na mahirap”

Isang talaarawan ang aking kaibigan


Kausap sa oras ng mga tagong kahirapan
Lahat ng saloobin nakasulat sa mga pahina
Ang ngalan ko’y ​Annelies Marie Frank
Mas kilala bilang Anne Frank

You might also like