You are on page 1of 2

Genesis 1:1-3, 5-6, 8-11, 13-14, 16, 19-20, 23-24, 26-27, 31 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit

at ang lupa.

At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang
Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.

At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.

At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at
nagkaumaga ang unang araw.

At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa
tubig.

At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at
nagkagayon.

At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at
nakita ng Dios na mabuti.

At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga
ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.

At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.

At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi;
at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:

At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at
ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.

At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.

At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at
magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.

At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.

At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaang uri: at nagkagayon.

At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng
kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa,
at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang;
nilalang niya sila na lalake at babae.
At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang
ikaanim na araw.

Genesis 2:2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng
ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa.

You might also like