You are on page 1of 3

Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (isinilang noong 17

Disyembre 1978), ay isang Filipino propesyunal na boksingero


at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong
dibisyon at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng
panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang
dibisyon
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong
dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA),
World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization
(WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa
mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA.
Best Fighter ESPY A
ward rin sya noong 2009 at 2011

Manny Pacquiao

Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak Marso 28, 1945


sa Maasin, Leyte) ay isang Pilipinong abogado at politiko na
kasalukuyang nanunungkulan bilang ika-16 na Presidente ng
Pilipinas. Siya'y nanumpa sa bagong katungkulan noong
Hunyo 30, 2016.
Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ang antas ng krimen
sa Davao ay sukdulang bumaba, sa punto na ang pulong ng
lokal na turismo ay maaaring ipahayag ang lungsod bilang
"pinaka-mapayapang lungsod sa Timog-silangang Asya."
Binansagang "The Punisher" ng Time Magazine, paulit-ulit na
kinundena ang alkalde ng ilang lokal na mamamayan at
ng Amnesty Internationaldahil sa pagkakaroon at maging
pagpapahintulot sa mga maliliit na kriminal (madalas ay
kabataan na nadadawit sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na gamot at
pagnanakaw) na patayin ng death squads.
Rodrigo Roa Duterte
Si Albert Einstein (14 Marso 1879–18 Abril 1955) ay
isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na
kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-
dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong
nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang
papel na kanyang ginampanan sa agham ay ang pagbuo
ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang
pangkalahatang relatibidad. Sa karagdagan, marami siyang
naiambag sa teoriyang quantum at mekanikang estadistikal.
Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel sa kanyang
paliwanag sa epektong photoelektrika noong 1905.Dahil sa
kanyang katalinuhan at orihinalidad, ang salitang "Einstein"
ay naging sinonimo ng salitang "henyo".

Albert Einstein

Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga o kilala bilang si Lea


Salonga-Chien(ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang
Pilipinang mang-aawit at aktres. Una siyang nakilala sa The
King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong
gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea
ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging
mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres
at mang-aawit sa Pilipinas.

Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa


pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal
bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence
Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang
Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap
bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine,
isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables.

Lea Salonga
Santa Teresa
Si Teresa ng Ávila, tinutukoy rin na Santa Teresa de Jesus,
bininyagan na Teresa Sánchez de Cepeda y Ahumada (Marso
28, 1515 – Oktubre 4, 1582), ay isang bantog na mistika mula
sa Espanya, banal ng Simbahang Katolika,
madreng Carmelita, nag-aakda noong Kontra-Reporma,
at teologo ng mapagnilay na buhay sa pamamagitan ng
taimtim na pagdarasal. Siya'y repormista ng Ordeng
Carmelita at itinuturing na nagtatag ng Carmelitas
Descalzos kasama ni San Juan de la Cruz.
Nang siya'y yumao, nakilala sa Espanya ang kulto ni Santa
Teresa noong mga 1620, at minsa'y itinuring na kandidata
upang maging pambansang patrona. Ang santero ng Birhen
ng Paglilihi na di-umano'y pinadala ni Teresa sa kaniyang kapatid
sa Nicaragua ay ngayo'y pinipintuho bilang pambansang patrona sa Dambana ng
El Viejo.[6] Iniuugnay rin ng mga relihiyosong Katoliko sa imahen ng Santo Niño
de Praga at sinasabing si Teresa ay deboto nito at dating nagmay-ari.

You might also like