You are on page 1of 2

"Iba’t ibang salik sa pagbagsak ng marka ng mag-aaral ng Urdaneta City University sa kanilang unang

taon sa kursong Akawntansi. "

Kaligiran ng Pag-aaral

Edukasyon ang nagsisilbing haligi ng bawat kabataan tungo sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" (Rizal, Jose), ika nga, sa kabataan manggagaling ang patutunguhan
ng ating bansa. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang bawat hakbang tungo sa kaunlarang tinatamasa
ng bawat Pilipino na noon paman ay ipinaglalaban ng ating mga ninuno.

Ngunit sa bawat daloy ng panahon, mayroon ding mga pagsubok na kinakaharap ng tao sa mundo.
Kabilang na rito ang pinakaiingatang edukasyon ng bawat kabataang Pilipino.

Ang kadalasang asignatura na nararanasan sa suliranin ng mga mag-aaral ay ang Matematika, na


nagkakaroon ng komplikasyon sa kani-kanilang marka. Dahil rito, nagkakaroon ng summer classes o
remedial classes. Nagsusumikap rin na matustusan ng gobyerno ang mga kakulangang ito sa iba't ibang
paraan tulad ng K+12 Educational curriculum.

Isa sa kursong mayroon ang paaralan ng Urdaneta City University ay ang akawntansi. Ang kursong
akawntansu ay ang popular at in-Demand ngayon dahil sa dami ng oportunidad ng naghihintay sa mga
makapagtatapos sa kursong ito. Ang accounting ay isang malawak at daynamikong propesyon. Ito rin ang
pamamaraan ng pagsusuri, pagsusukat, pagpoproseso at pamamahayag ng mga ariarian, mga
pananagutan, at mga kita ng mga resulta ng mga gawaing ekonomiko.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay kaalaman sa mga dahilan ng pagbaba o pagbagsak ng marka ng
mga akawntansi na mag aaral sa kanilang unang taon. Naglalayon itong matugunan ang sumusunod na
katanungan:

■Ano-ano ang posibleng mga dahilan sa pagbagsak ng marka ng mga ito?

■Ano-ano ang magiging epekto sa pagbagsak ng mga marka ng mga estudyante?

■Ano ang iba't ibang salik na makakaapekto sa pagbabago ng pagganap ng mga freshmen sa kanilang pag-
aaral?

■Ano-ano ang posibleng solusyon sa paglutas ng suliraning ito?

You might also like