You are on page 1of 4

navigation

‘Ang Pangulo at ang Press’: Pooled editorial in Filipino

3 years ago

Introduction: President and press have common duty

Pooled editorial in English: The Prez and the press

Pooled editorial in Bisaya: Ang President ug ang prensa

NAKALULUNGKOT na kailan lang ay naging matalim at maanghang ang palitan ng pahayag ni President-
elect Rodrigo Duterte at ng mga taga-media. Naipit sa usapang ito ang tungkulin ng dalawang panig, sa
batas at sa kasaysayan, na kapwa magsilbi at magbigay ng impormasyon sa mga mamamayan ukol sa
mga isyu, pangyayari, at patakaran na apektado ang kanilang interes at kagalingan.

Ang Pangulo—chief executive ng pamahalaan, bukal ng patakarang panlabas, tagapangasiwa ng pondong


bayan, punong-bantay ng kapayapaan, pinuno ng sandatahang lakas at pulisya, at arbiter ng
magkatunggaling pakatakaran—ang pinakamapagpasyang focus ng balita sa buong bayan. Sa batas,
mandato niya ang mamuno at magtaguyod ng transparency, accountability, at mahusay na pamahalaan.

Kasabay nito, itinataguyod din ng Saligang Batas ang karapatan ng mga mamamayan—free speech, free
press, free expression, at peaceable assembly. Ginagarantiya din ng Konstitusyon ang karapatan ng lahat
ng Pilipino sa due process, pagkapantay-pantay sa batas, access to information, katarungan at buhay.

Bilang “private eye” ng bayan sa public arena, ang news media ay nagsisilbing tanod at tagapangalaga ng
ilan sa mga karapatang ito. Tungkulin ito na dapat gampanan ng mga taga-media. Sa dantaong
paglalakbay ng Pilipinas mula demokrasya tungo sa diktadurya at balik demokrasya, pinagtibay na ito ng
news media. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang magsuri, magbusisi, at mag-imbestiga ang media
ng mga opisyal at tanggapan ng pamahalaan, sa ngalan ng taumbayan.

Ito rin ang dahilan kung bakit nakatutok ng walang humpay ang news media sa bawat pahayag at aksyon
ng Pangulo, sa kabila ng kanyang nasabing pagka-inis sa mga tinatawag niyang “lowlife” at “mouthpiece”
sa hanay ng media. Ang totoo ay dapat mag-ulat ng mas pursigido at mas magaling ang news media
tungkol kay President-elect Duterte at sa kanyang mga patakaran at hakbang, ayon sa mahusay na
panuntunan ng accuracy, fairness, at context sa lahat ng balita at kwento nito.

Ito ang dapat gawin ng news media sa gitna ng dalawang nakababahalang “mensahe” ni President-elect
Duterte.

Una, aniya, ang mga “corrupt journalists” daw, “kaya namamatay ‘yan… karamihan dyan nababayaran na
o sobrahan nila ang atake… Hinihingi ‘nyo, pumapasok kayo sa illegal.If you are a vulture of journalism,
that’s not my problem.”

Sa mensaheng ito, tila kinukutya ang ala-ala ng 172 journalists, ayon sa huling bilang, na pinaslang in the
line of duty mula nang maibalik ang demokrasya nuong 1986. Ang huling ulat ng marami mga napatay ay
exposes ukol sa krimen at katiwalian—mga problemang bayan na nais mismong masawata ni President-
elect Duterte. Nakakalulungkot na hanggang ngayon, wala ni isa mang mastermind o pangunahing
suspek sa mga pagpatay na ito, kabilang na ang ilang ahente ng gobyerrno, warlord, at kriminal, ang
naikulong at naparusahan na.

Ikalawa, sinasadya man o hindi, ito ang pahiwatig ng kanyang mala-bulkang pananalita: Dapat mag-ingat
at mahintakutan ang mga nagbabalita. Sinasadya man o hindi, ang pahiwatig sa mga mamamahayag:
Mahalaga man ngunit mapanuri ang tanong, asahang bulyaw at mura ang aanihing sagot.

Walang duda, problema ang korapsyon sa news media. Kasing linaw ito ng 16 na milyong boto na nakuha
ni President-elect sa nakaraang halalan. Ang totoo, hindi lang ilang indibidwal kundi pati ilang tanggapan
ng media ay nasasangkot sa ganitong masamang gawi.
Pero kahit saan man tumingin, ang korapsyon sa media ay isang supply-demand chain din. May papel sa
isang solusyon sa problem ang Duterte administration: Isara ang gripo ng korapsyon. Marapat na istorya
lang at wala nang iba pang bagay ang manggaling sa mga media agent ng gobyerno, mga pulitiko, at mga
PR sa pribadong sektor. Sa salita mismo ni President-elect Duterte: “Stop it.” Isa pang solusyon ang dapat
agad na gampanan ng mga tagapangasiwa ng media: Ayusin ang benepisyo at bigyang proteksyon ang
mga mamamahayag.

Gayunpaman, bahagi na rin ng korapsyon sa media ang puilitika. Sa ilang lugar sa Pilipinas, nagaganap na
ang institutional capture ng media ng mga pulitiko. Hindi lang block-time segment sa broadcast media
ang binibili ng ilang lokal na pamahalaan gamit ang pondong bayan. Hindi lang blocktime kundi buong
istasyon ng radyo o diyaryo ang binibili at ngayo’y kontrolado na ng ilang lokal na pulitiko at mga angkan.
Ang korapsyon sa media ay nababahiran din ng partisan political interest—ito ay batid mismo ni
President-elect Duterte.

Sa kabila ng tila ‘di pagkakasundo sa ilang bagay, nagkakaisa ng lubos ang media at si President-elect
Duterte sa isang usapin: Ang agarang pagpasa ng Freedom of Information Law. Nangako na siyang
maglalabas ng isang FOI executive order sa unang araw ng kanyang pamumuno. Ito’y magsisilbing
paniguro na mabilis na gagampanan ng 17th Congress sa tungkulin nitong isabatas ang FOI.

Ang FOI Law ay mahalagang institutional at legal framework sa pagyabong ng tunay at lubos na ugnayan
ng transparency at accountability sa pamahalaan. Ito ay proteksyon din sa karapatan ng lahat ng Pilipino
na makatanggap ng sapat na impormasyon para sa kanilang lubos paglahok sa mga usaping bayan.

Inaasahan namin ang tagumpay ng Duterte administration sa lahat ng tunguhin nito. Bilang mamahayag
at mamamayan, tutuparin namin ang aming tungkulin na magbalita ng tumpak at mahusay. Kasabay nito,
itataguyod at ipagtatanggol namin ang free speech, free press, free expression, at right to know na
karapatan ng lahat ng Pilipino.

READ NEXT

read next
The Prez and the press

INQUIRER.NET

Back to top

You might also like