You are on page 1of 2

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.

Kasangkapang ginagamit ng lahat ng

antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat

karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang

naipapahayag ng nakararaming tao ang kanilang kaisipan.

Ayon kay Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wikay ay Higit Pang

Mabaho sa Malansang Isda.” Ang kasabihan ing ating pambansang bayani ay isa lamang sa

kanyang mga makabayang pamana tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika, ang Wikang

Filipino. Wikang Filipino? Ginagamit pa ba ito? Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang

Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa.Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan

lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong

naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat?

Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin

maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na

mapanatiling buhay ang isang wika. Sariling wika ay paraan ng pagkaisa ng mga Pilipino sa mas

ikabubuti ng ating bansa. Paraan din ito upang magkakaintindihan ang bawat pangkat dahil sa

pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat.

Ang wikang Filipino ay siyang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Ito ay

wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan

mang panig ng Pilipinas. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi

tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman
ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat. Dapat natin

itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na henerasyon.

You might also like