You are on page 1of 16

MGA BAHAGI NG AKLAT

Sa modyul na ito’y inaasahang makikilala mo ang iba’t ibang


bahagi ng aklat. Masasagot mo rin ang mga tanong tungkol sa
mga impormasyong nasa iba’t ibang bahagi ng aklat.

Pagbalik-aralan Mo

Tingnan natin kung nakikilala mo ang piksiyon sa di piksiyon.

Lagyan ng P ang patlang sa tabi ng bilang kung ang


inilalarawang aklat ay piksiyon at DP kung ang inilalarawang
aklat ay di piksyon.

____ 1. Aklat na naglalaman ng mga alamat ng mga hayop at mga bagay.


____ 2. Aklat ng kasaysayan ng Pilipinas.
____ 3. Talambuhay ng mga bayani.
____ 4. Aklat na naglalaman ng mga pabula.
____ 5. Tunay na mga karanasan ng mga guro.
____ 6. Ang paraan ng paggawa ng tinapa at itlog na maalat.
____ 7. Mga kuwento tungkol sa mga engkantada, mga duwende at mga
diwata.
____ 8. Kathambuhay ni Pangulong Gloria Arroyo.
____ 9. Katipunan ng mga tula at maikling kuwento.
____ 10. Katipunan ng mga balita.

Ganito ba ang sagot mo?

1. P 6. DP
2. DP 7. P
3. DP 8. DP
4. P 9. P
5. DP 10. DP

Kung nakakuha ka ng mahigit pito, OK ang pagkilala mo sa mga aklat.


Kung kulang sa lima, gawing muli ito.

1
Lagyan ng T kung totoo ang sinasabi o nilalaman ng aklat at DT kung likhang-
isip lamang at hango sa mga sabi-sabi at pantasya.

____ 1. Mga Gabi ng Lagim (mga kuwentong katatakutan)


____ 2. Ang Sirenang Mahinhin (buhay ng sirenang mahinhin)
____ 3. Kasaysayan ng Pilipinas (kasaysayan ng ating bansa)
____ 4. Mga Kuwento ni Juan Tamad (mga kuwentong nagpasalin-salin sa iba’t
ibang henerasyon)
____ 5. Talatinigan (pinagkukunan ng kahulugan ng mga salita)
____ 6. Alamat ni Kulas Magilas (kuwento ng isang agimat na lalaki)
____ 7. Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa (buhay ni Pangulong
Quezon)
____ 8. Ang Ati-Atihan at Iba Pang Ritwal (paglalarawan sa Ati-Atihan Pestibal
at iba pang isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas)
____ 9. Mga Rehiyon ng Pilipinas (iba’t ibang mapa ng mga rehiyon sa Pilipinas)
____ 10. Ninoy Aquino, Bayani Ba? (koleksyon ng mga opinyon ng iba’t ibang
tao tungkol kay Ninoy Aquino)

Ganito ba ang sagot mo?

1. DT 6. DT
2. DT 7. T
3. T 8. T
4. DT 9. T
5. T 10. DT

Kung ganon, handa ka na sa ating aralin.

Pag-aralan Mo

Sa anu-anong asignatura mayroon kang aklat? Alam mo ba ang pangalan ng


mga aklat mo?
Narito ang isang aklat. Batayang Aklat ito para sa Heograpiya, Kasaysayan at
Sibika.

2
Pabalat ito ng aklat.
Nasa pabalat nito ang “Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa.”
Ito ang pamagat ng aklat.

Tingnan ang isa pang aklat na ito sa Filipino.


Ano ang makikita sa pabalat?
Ano ang pamagat ng aklat?

Buklatin natin ang sumusunod na pahina ng ilang aklat.

Karaniwang makikita sa ikalawang pahina ng mga aklat ang pangalan ng may-


akda o sumulat ng aklat.

CIVICS AND CULTURE


FOR
THE FILIPINO YOUTH
GRADE FOUR

LAURA ZAMORA MENDOZA

Distributed by:
SAINT BERNADETTE PUBLICATIONS, INC.
3335 V.Mapat St., Sta. Mesa, Manila
tel. Nos. 617614/608549

3
May mga aklat na isinulat ng isang tao lamang.
May mga aklat na isinulat o inihanda ng dalawa o higit pa sa dalawang tao.

Ilan man ang sumulat o maghanda ng isang aklat, lahat ng pangalan ng mga ito
ay makikita sa pahinang pangmay-akda.

F.D. Batoon J.D. Marquez


M.D. Pandiño E.U. Oñas

LAFFHOUSE Publishing House, Inc.


PasigCity

Ilabas ang iyong mga aklat. Buklatin ang mga ito. Isa-isahin ang ngalan ng
sumulat ng iyong mga aklat.

Isulat sa isang papel.

Sino ang sumulat ng iyong aklat sa Elementary Mathematics?

Sino ang sumulat ng iyong aklat sa Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan?

Makikita rin sa pahinang pangmay-akda ang karapatang-sipi o copyright.

Narito ang isang halimbawa.

4
Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi

Isinasaad ng Seksyon 9 ng Atas ng Pangulo Bilang 49 “Walang karapatang-


sipi ang anumang akda ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas.
Gayunman, kung kakailanganin ito kailangan muna ang pahintulot ng
ahensya o tanggapan ng pamahalaan na gumawa nito.”

Ang edisyong ito ay inilathala ng Korporasyon ng Kagamitang Panturo ng


Kagawaran ng Edukasyon, bilang bahagi ng Programa para sa
Desentralisasyon ng Kaunlarang Pang-Edukasyon (PRODED) na
tinustusan ng Pandaigdig na Bangko para sa Pagpapanibagong-tatag at
Pagpapaunlad mula sa kasunduan sa pag-utang para sa Sektor ng
Edukasyong Pang-Elementarya bilang 2030-PH.

Anu-ano ang isinasaad sa karapatang-sipi? ___________

Mahalaga ba ang bahaging ito ng aklat? ___________

Sino ang binibigyan ng proteksyon sa karapatang-sipi? __________

Basahin ang ibang anyo ng karapatang-sipi tulad ng mga sumusunod:

Sining ng Komunikasyon
Batayang Aklat sa Pagbasa
Ikaanim na Baitang
Unang Edisyon, 1985

Karapatang-sipi 1985 ng Mega Publishing House, Inc.

Ang aklat na ito ay pag-aari ng Mega Publishing House, Inc. at ang


alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa ano mang anyo,
kasama na rito ang paggamit sa pelikula at telebisyon, nang walang
nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathala. Hindi sakop ng karapatang-
sipi ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Ano ang sinasabi sa karapatang-siping ito?


Ano ang dapat gawin kung nais gamitin ang isang tula o kuwento rito?
Kanino ka hihingi ng pahintulot?
Paano ang gagawing paghingi ng pahintulot?

5
Ang karapatang sipi ang nangangalaga sa karapatan ng may-ari o nagpalimbag
ng aklat. Kailangang humingi ng pahintulot ng palimbagan. Ang pahintulot ay
dapat pasulat. Humihingi ng pahintulot kung ang kuwento o tula ay ipalilimbag
muli. Kung ang kuwento o tula ay pag-aaralan lamang, hindi na kailangang
humihingi ng pahintulot.

Ano pang impormasyon ang nababasa sa pahina na karapatang-sipi? Hindi


pare-pareho ang nakikita sa karapatang-sipi. Ito ay nakikita lang sa textbook o
batayang aklat na ginagamit sa mga paaralan. Taglay nito ang sumusunod na
impormasyon:

 Ang pangalan ng aklat


 Saan ito gagamitin
 Sa anong baitang gagamitin
 Kung kailan inilimbag ang aklat

Buklatin natin ang iba pang pahina ng aklat.

Talaan ng Nilalaman Pahina


Yunit I – Pagkilala ng Pangungusap 1
Pangungusap at Parirala 1
Mga Uri ng Pangungusap 5
Mga Bahagi ng Pangungusap 11

Yunit II – Katahimikan at Kapayapaan 14


Pagtutulungan sa Paaralan 14
Paggalang sa mga Sagisag ng Bayan 19
Pag-ibig sa Bayan 26
Ang mga Bayani 27

Ito ang Talaan ng Nilalaman. Bahagi lamang ito ng Talaan. Sa


bahaging ito ng aklat makikita ang paksang tinatalakay sa aklat at
kaukulang pahina kung saan ito makikita.

Kung may babasahin ka sa aklat, unang-una mo itong titingnan


upang makita kung saang pahina matatagpuan ang paksang babasahin.

Subuking gamitin ang halimbawang talaan ng nilalaman. Piliin ang


bilang na nagsasabi ng totoo tungkol sa Talaan ng Nilalaman. Isulat sa
sagutang papel.

1. Nasa pahina 19 ang Paggalang sa mga Sagisag ng Bayan.


2. Tungkol sa Pagkilala sa Pangungusap ang Yunit II.
3. Huling paksa ng Yunit I ang “Mga Bahagi ng Pangungusap.”

6
4. Ang “Pag-ibig sa Bayan” ay mababasa sa pahina 26.
5. May tatlong paksa ang Yunit I.

May mga aklat na naglalagay ng Talahuluganan.

Karaniwang nakikita ito sa hulihang bahagi ng aklat.

Narito ang halimbawa ng Talahuluganan.

Talahuluganan

adhikain goal; layunin; mithiin

aksayado wasteful; maraming nasasayang sa paggamit ng


anumang bagay

badyet budget; ang paghahati-hati at paglalaan ng anuman


(na maaaring pera, pasahod, lakas, atbp.) na batay
sa pangangailangan

dekalogo decalogue; kalipunan o koleksiyon ng mga aral o


pangaral sa iba’t ibang larangan ng buhay

iginiit forced upon; ipinilit

kakayahan ability; angking talino sa paggawa ng anuman

labag sa batas unlawful; anumang gawa na di sumusunod sa


ipinag-uutos ng batas

Kung ating susuriin, makikita na narito ang talaan ng mga mahihirap na


salitang ginamit sa aklat. Ipinaliliwanag dito ang kahulugan ng mahihirap na
salita. Maliit na diksyunaryo ito na naaayos nang paalpabeto.

Gamitin ang halimbawang talahuluganan. Kung gusto mong alamin ang


kahulugan ng kakayahan, saang titik mo ito titingnan? ______ Ano ang
kahulugan nito sa English? ______ sa Filipino? _____

Hanapin sa talaan ang salitang badyet. Ano ang kahulugan nito?


__________________

Kabilang din sa hulihang bahagi ng aklat ang Indeks.

7
Makikita sa Indeks ang mahahalagang paksang tinatalakay sa teksto o
nilalaman. Tingnan ang Indeks na ito.

Indeks

Abad, Juan, 225


Aguinaldo, Hilana, 218
Ahensiya ng Pamahalaan, 6, 97, 131, 158, 287, 294

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), 120


Commission of Immigration and Deportation (CID), 105
Department of Education (DepEd), 27, 137

Barangay, 16-112, 126


Barasoain, Simbahan ng (Tingnan din sa Konstitusyon ng Malolos)

Ano ang mapapansin sa Indeks?

Itala ito sa isang papel. Anu-ano ang nakatala?

Paano nasusulat ang mga salita sa Indeks?


Paano ito naiiba sa Talaan ng Nilalaman? Paano ito nakakatulad?

Tingnan muli ang Indeks.

Pansinin ang paalpabetong pagkakasunud-sunod ng mga nakatala.

Isa-isahin ang mga salita rito.

Mahahalagang paksa ang nakatala sa Indeks. Maaari itong pangalan ng tao,


pook, bagay o pangyayari.

Samakatuwid, maraming bahagi ang aklat. Madali nating magagamit ang


alinmang aklat kung alam natin ang mga bahagi nito.

8
Isaisip Mo

Ang mga bahagi ng aklat ay ang mga sumusunod:

1. Pabalat
2. Pahinang Pangmay-akda at Karapatang-sipi
3. Talaan ng Nilalaman
4. Nilalaman
5. Talahuluganan
6. Indeks

Hindi lahat ng aklat ay nagtataglay ng lahat ng mga bahaging ito.

Pagsanayan Mo

A. Isulat sa sagutang papel ang pangalan ng mga sumusunod na


bahagi ng aklat.

Filipino 2
Manwal ng Guro

Edisyong Pampaaralang-Bayan
Unang Limbag, 1998

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 9


ng Atas ng Pangulo Bilang 349 “Walang Karapatang-sipi ang anumang
akda ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Gayunman, kung
kakalakalin ito, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan ng gumawa nito.”

9
Ang edisyong ito ay inilathala ng Korporasyon ng Kagamitang
Panturo ng Kagawaran ng Edukasyon, sa ilalim ng isang kasunduan
sa Vibal Publishing House, Inc. bilang bahagi ng Programa para sa
Desentralisasyon ng Kaunlarang Pang-edukasyon (PRODED) na
tinustusan ng International Bank for Reconstruction and Development
mula sa Kasunduan sa Pag-utang para sa Sektor ng Edukasyong
Pang-Elementarya Bilang 2030-PH.

1. ________________________________________

Growing in English (Language)


Elementary School English 4
Teacher’s Edition

Department of Education, Republic of the Philippines

2. ________________________________________

Unit II – Cardinal Numbers

Lesson 7 – One 14-15


Lesson 8 – Two 16-17
Lesson 9 – Three 18-19
Lesson 10 – Four 20-21
Lesson 11 – Number Sentences 22
Lesson 12 – Zero 23-24
Lesson 13 – Five 25-27
Lesson 14 – Six 28-30
Lesson 15 – Seven 31-33
Lesson 16 – Eight 34-36
Lesson 17 – Nine 37-39
Lesson 18 – Ten 40-43
Lesson 19 – Comparison of Numbers 44-45
Lesson 20 – Counting by 10’s 46-47
Lesson 21 – One and Two Digit Numbers 48-49
Lesson 22 – Counting by 1’s to 100 50-53
Lesson 23 – Skip Counting by 2’s and 5’s 54-55

3. ________________________________________

10
Relihiyon, 68

Budismo, 75, 77
Kristiyanismo, 68-69
Hinduismo, 73
Islam, 69-72

4. ________________________________________

B. Pag-aralan ang mga bahagi ng aklat sa ibaba.


Sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng sagot na napili.

A B

Karapatang Pangmamay-ari
Carmen Guerrero Nakpil
ANG PILIPINAS
at ang mga Hindi maaaring ipalimbag ang
PILIPINO anumang bahagi ng aklat na ito nang
walang pasulat na pahintulot ng may
karapatang pagmamay-ari.

Ang mga sanaysay sa aklat na ito ay


unang lumabas sa kolum ng
KASAYSAYAN NGAYON sa
pahayagang TIMES JOURNAL.
Carmen Guerrero Nakpil Inilimbag ng SBA Enterprises
San Juan, Metro Manila

1. Anong bahagi ng aklat ang ipinakikita sa A?

a. Pahina ng Pamagat
b. Pahina ng Karapatang-sipi
c. Talaan ng Nilalaman
d. Paunang Salita

11
2. Anong bahagi ng aklat ang ipinakikita sa B?

a. Pahina ng Pamagat
b. Pahina ng Karapatang-sipi
c. Talaan ng Nilalaman
d. Paunang Salita

3. Ano ang pamagat ng aklat na ito?

a. Kasaysayan Ngayon
b. Times Journal
c. SBA Enterprises
d. Ang Pilipinas at ang mga Pilipino

4. Sino ang may karapatan sa pagmamay-ari ng aklat?

a. Carmen Guerrero Nakpil


b. Times Journal
c. SBA Enterprises
d. Ang mga Pilipino

5. Anong uri ng seleksiyon ang nasa aklat?

a. Mga Alamat c. Mga Sanaysay


b. Mga Tula d. Mga Talambuhay

C. Basahin ang sumusunod na pangungusap.


Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasabi ng katotohanan.
Isulat ang MALI kung ito ay hindi nagsasabi ng katotohanan.
Gumamit ng sagutang papel.
1. Pinangangalagaan ng karapatang-sipi ang palimbagan upang hindi
kopyahin ng iba ang isang aklat.

2. Binabanggit sa pahina ng karapatang-sipi kung sino ang sumulat ng


aklat.

3. Binabanggit sa pahina ng karapatang-sipi kung kailan ipinalimbag ang


aklat.

4. Binabanggit sa pahina ng pamagat ang pangalan ng may akda.

12
5. Kailangang humingi ng pahintulot sa palimbagan kung pag-aaralan ang
isang kuwento sa aklat.

6. Ang mga pamagat sa Talaan ng Nilalaman ay nakaayos nang


paalpabeto.

7. Gamitin ang Talaan ng Nilalaman sa paghanap ng pahina ng isang


kuwento.

8. Binabanggit sa Talaan ng Nilalaman ang pamagat ng aklat.

Subukin Mo

A. Narito ang talaan ng mga bahagi ng aklat.


Isulat ang angkop na titik ng bahagi ng aklat na tinutukoy sa
bawat bilang.
Maaaring isa o dalawang titik ang magiging sagot. Gawin ito
sa kuwadernong sagutan.

A. Pabalat/Pamagat
B. Pahinang Pangmay-akda
C. Karapatang-Sipi
D. Talaan ng Nilalaman
E. Katawan ng Aklat
F. Talahuluganan
G. Indeks

1. Makikita ang kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa aklat.


2. Nasusulat nang paalpabeto.
3. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa sumulat ng aklat.
4. Madaling makikita kung saang pahina babasahin ang isang paksa.
5. Nagsasabi kung tungkol saan ang nilalaman ng aklat.
6. Pinakamaraming pahina ang nasasakop nito sa aklat.

13
B. Pag-aralan ang pahina ng karapatang-sipi sa ibaba.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Sibika at Kultura 2
Manwal ng Guro para sa Ikalawang Baitang
Binagong Edisyon, 1989

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 9 ng Pangulo Bilang 49:


“Walang karapatang-sipi ang anumang akda ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas.
Gayunman, kung kakalakalin ito, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya ng pamahalaang
gumawa nito.

Ang edisyong ito ay inilathala ng Instructional Materials Corporation ng Kagawaran ng


Edukasyon, Kultura at Isports bilang bahagi ng Program for Decentralized Educational
Development (PRODED) na tinutustusan ng International Bank of Reconstruction and
Development mula sa Kasunduan ng Pag-utang para sa Sektor ng Edukasyong Pang-
elementarya Bilang 2030-PH.

Lupong Pambatayang Aklat. Lourdes R. Quisumbing, Tagapangulo; Dolores F.


Hernandez, Juanita S. Guerrero, Edith B. Carpio, at Martha A. Mogol, mga kasapi.

Instructional Materials Corporation. Caridad A. Miranda, Pangkalahatang


Tagapamahala; Pacifico N. Aprieto, Katulong sa Pangkalahatang Tagapamahala; Minerva K. de
Jesus, Tagapamahala sa Editoryal; Dante R. Crisologo, Kumakatawang Puno sa Produksiyon;
Melchor H. Tipace, Kumakatawang Puno sa Pangangasiwa at Pananalapi; Daisy Ochoa-Santos
at Naidene O. Anales, mga Editor, Ma. Angeli F. Menez, Nagdisenyo ng Aklat, Noel H. Rinoza,
Gumuhit ng Larawan.

Mga Manunulat: Kawanihan ng Edukasyon Pang-elementarya, Kagawaran ng


Edukasyon, Kultura at Isports, Dr. Lidinila M. Luis-Santos, Tagapag-ugnay; Estelita B. Capina,
Aurea S. Duran, Elizabeth J. Escaño, Merlita A. Nolido, Irene C. de Robles, mga Manunulat; Dr.
Romeo Cruz, Dr. Telesforo Luna, Dr. Delilah T. Villa, Dr. Marcelina M. Miguel, at Dr. Florentino
Hornedo, mga Kasangguni.

Office Address: A. Ma. Regidor Street, Area XI


University of the Philippines Campus
Diliman 1101, Quezon City, Metro Manila

Mailing Address: U.P. Post Office Box 211, Diliman 1101


Quezon City, Metro Manila, Philippines

14
1. Ano ang pamagat ng aklat?

a. Sibika at Kultura
b. Manwal ng Guro sa Sibika at Kultura 2
c. Binagong Edisyon
d. Lupong Pambatayang Aklat

2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?

a. May karapatang-sipi ang bawat aklat na ipinagawa ng pamahalaan.


b. Kung kakalakalin ang anumang aklat na ipinagawa ng pamahalaan,
kailangang humingi ng pahintulot sa ahensiya ng gumawa nito.
c. Ang paggawa ng aklat ay tinustusan ng pamahalaan ng Pilipinas.
d. Ang aklat ay inilimbag sa labas ng bansa.

3. Alin sa sumusunod ang naglimbag ng aklat?

a. Unibersidad ng Pilipinas
b. Instructional Materials Corporation
c. Guaranteed Enterprises
d. Atlas ng Pangulo

4. Sino ang dapat gumamit ng aklat na ito?

a. Mga mag-aaral sa ikalawang baitang


b. Mga guro na nagtuturo ng Sibika at Kultura sa ikalawang baitang
c. Lahat ng guro sa mababang paaralan
d. Mga guro ng Sibika at Kultura sa mababang paaralan

5. Kanino ang mga pangalan na nasa loob ng kahon?

a. Mga sumulat ng aklat


b. Pamunuan ng Instructional Materials Corporation
c. Pamunuan ng Kawanihan ng Edukasyong Elementarya
d. Kasapi ng Lupon ng Pambatayang Aklat

6. Ano ang nilalaman ng Seksiyon 9 Atas ng Pangulo Blg. 49?

a. Ang pangungutang sa pagpapalimbag ng aklat


b. Pagpili sa kasapi ng lupon sa pambatayang aklat
c. Paggawa ng mga manunulat sa aklat
d. Karapatang-sipi ng mga aklat na ipinagawa ng pamahalaan

15
7. Kailan dapat humingi ng pahintulot sa paggamit ng aklat na ito?

a. Kung gagamitin ng mag-aaral


b. Kung gagamitin ng mga guro
c. Kung ipalilimbag ng ibang ahensiya upang ipagbili
d. Kung gagamitin sa mga seminar

C. Sagutin ang tseklist.

Minsan/
Aytem Oo Hindi
Di-Gaano
1. Maaayos ba ang mga pahina
at pabalat ng iyong mga
aklat?

2. Sinusulatan mo ba ang mga


pahina nito o minamarkahan
nang kung anu-ano?

3. Iniiwan mo ba kung saan-


saan ang iyong mga aklat?

4. Ginagamit mo ba itong
upuan, pang tabing sa sikat
ng araw at panangga sa
ulan?

5. Pinipilas mo ba ang mga


pahina ng aklat kapag may
nagustuhan ka?

Mahusay! Binabati kita sa iyong


pagtatapos sa modyul na ito. Maaari ka
nang magpatuloy sa susunod na modyul.

16

You might also like