You are on page 1of 2

SAN AGUSTIN AT ANG MISTERYO NG BANAL

1. Bakit ganoon na lamang ang pagkamangha ni San Agustin sa tinuran ng bata sa


kaniyang tanong?

Ganoon na lamang ang pangkamangha ni San Agustin sa tinuran ng bata dahil


nagulat siya kung paano nalaman ng bata ang mga katanungang sinasagot ni
San Agustin tungkol sa misteryo ng Banal na Trinidad. Namangha siya kung
paano mag-isip ang bata ukol dito.

2. Nasagot ba ang misteryo ng Banal na Trinidad?

Hindi tuluyang nasagot ang tanong tungkol sa misteryo ng Banal na Trinidad


ngunit nasagot nito na hindi nararapat na hanapin ang mga bagay na tanging
ang Panginoon lamang ang nakakaalam.

3. Ano ang kaugnayan ng ilustrasyong ito sa aral salin (Translation Studies)?

Lubhang makatutulong kung ito ay isasalin sa Filipino kung saan mas


maiintindihan ang mga mensahe o aral na hatid nito.

BAGONG TIPAN

Gabay na mga Tanong:

1. Ano ang mga prinsipyong sinunod ng PBS sa pagsasalin ng Bagong Tipan?

Isinaalang-alang nila kung ano ang papabor o mas maiintindihan ng


masa. Isinalin nila ang Bagong Tipan sa napapanahong wika ngayon. Naniniwala
silang walang magagawa ang banal na lengwahe kung hindi naman ito
naiintindihan.

2. Ano-anong teorya ang ginamit ng PBS sa pagsasalin ng Bagong Tipan?

Ibinase nila ang pagsasalin ng Bagong Tipan mula mismo sa kanilang


interpretasyon na sa kanilang paniniwala na ang ginamit na salita ni Hesus sa
pangangaral ay ang salita ng nakakarami, ordinayong salita na kung gagawin sa
ating panahon, ito ay ang paggamit ng “Pinoy version” o Taglish.

3. Paano isinalin ng PBS ang Bagong Tipan?


Isinalin nila ito sa taglish o impormal na patok sa mga kabataan ngayon.
Sa paraang ito, katamtamang nabawasan ang hirap sa pag-intindi ng mga
mensaheng sinasabi sa atin ng Bibliya.

4. Sa pangkalahatan, sang-ayon ka ba sa ginawang version ng PBS sa Bagong


Tipan?

Sang-ayon ako sa pagsasalin na ginawa ng PBS dahil ang tuntunin nito


ay mapadali ang pagpapahayag ng salita na Diyos lalo na sa mga
kabataan at sinabi na rin mismo ng PBS na pansariling pagbabasa
lamang ito kaya’t wala akong nakikitang mali sa palalathala nito.

You might also like