You are on page 1of 1

Jason M.

Panoy 12-Neptune 08-28-19

“Pagpapatiwakal”

Pagpapakamatay ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling


ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay madalas na ginagawa dahil sa kawalan ng pag-
asa, ang sanhi nito ay madalas na inuugnay sa mental disorder o sakit sa isipan tulad
ng depresyon, bipolar disorder, schizophrenia, pagkalulong sa alak, o pagkalulon sa
droga. Ang mga salik ng stress na tulad ng problemang pinansiyal o mga problema sa
mga interpersonal relationship o pakikipag-ugnayan sa kapwa ang madalas na inuugnay
dito. Kasama sa mga pagsisikap para maiwasan ang pagpapakamatay ang paglilimita ng
pagkakaroon ng baril, paggamot sa mga pangkaisipang karamdaman at pagkakalulong
sa droga, at pagpapahusay ng pag-unlad ng ekonomiya. Ang pinaka-karaniwang
pamamaraang ginagamit sa pagpapakamatay ay nag-iiba ayon sa bansa at bahagyang
nauugnay sa pagkakaroon nito. Kasama sa mga karaniwang pamamaraan
ang: pagbigti, pag-inom ng pestisidiyo, at mga baril.

Hindi ako sang-ayon sa pagpapatiwakal o pagpapakamatay dahil hindi ito ang


dahilan upang bawiin ang sariling buhay. Marami tayong problema na nararanasan ngunit
hindi ito ang solusyon upang takasan ang mga problema.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga dalubhasa isa sa mga dahilan ng


pagpapakamatay ng isang tao ay ang kawalan nito ng pag – asa,mental disorder, bipolar
disorder, depresyon, pagkalulong sa alak o droga. Ang nararamdamang matinding stress
sanhi ng napakalaking problemamg pinansiyal at hindi magandang resulta ng
pakikipagrelasyon ay nagiging sanhi rin ito pagpapakamatay ng isang indibidwal.
Mayroon ding mga nagpapakamatay para lamang takasan ang mga nararanasan nilang
mga pang-aapi, mga hindi makatwirang mga panghuhusga,at mga sekswal na pang-
aabuso. Ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman at walang kakayahang
magpagamot ay isa rin rito sa mga anggulong nakikita kung bakit nagpapakamatay ang
isang tao.

Sa huling banda, hindi ako sang-ayon sa pagpapatiwakal dahil hindi naman


solusyon ang pagpapakamatay ng dahil sa mga problemang narararanasan at hindi rin
ito ang tamang gawin sa mata ng diyos at bawiin ang sariling buhay. Nakasaad sa
sampung utos na “Though shall not kill” na bawal pumatay katulad ng pagpatay sa iyong
sarili.

You might also like