You are on page 1of 1

LEXI AISHA S.

MERTO

THEME: Isulong tamang Pag-aaruga para sa lahat ng bata.

PAG-AARUGA SA BATA

Kami ay biyaya ng Maykapal,

Sa inyo’y magbibigay dangal,

Tunay na pagmamahal,

Sa mundo’y aming itatanghal.

Buhay ko ay kay saya,

Dahil sa inyong pag-aaruga,

Lalaki kaming laging handa,

Sa gabay ninyong matatanda.

Hangad nami’y inyong kalinga,

Upang buhay ay gumanda,

Dahil wala ng kailangan pa,

Sa mundong puno ng problema.

Ito ang aming panawagan,

Pag-aaruga sa ami’y ilaan,

Nang aming mapaghandaan,

Ang magandang kinabukasan.

You might also like