You are on page 1of 2

MAGULANG

Magandang hapon sa inyong lahat mga kamagaral at pati na rin saiyo binibining toledo ,
narito ako sa inyong harapan upang ipahayag sainyo ang aking saloobin o kung ano ang nasasagi
sa aking isip sa tuwing naririnig o nabibigkas ang salitang "magulang". Kayo rin ba ay
napapaisip kung gaano nga ba kahalaga sa buhay natin ang ating mga magulang ? Kung gaano
kayo nagpapasalamat na sila ang inyong mga magulang at kung napapahalagahan ba natin sila
lalo na ang bawat sakripisyo na kanilang ginagawa para lamang sa atin? Katulad na lamang ng
ating dakilang ina na kung saan siyang nagdala sa atin ng siyaw na buwan sakanya sinapupunan,
inang susubaybay saiyo hanggang sa paglaki mo , sa mga ama namang puro kayod sa trabaho , di
alintana yung pagod maibigay lang lahat ng pangangailangan niyo,mabigay ang magandang
buhay na pinangako niya sainyo ng nanay mo. Yan ang mga magulang na laging kapakanan
nating mga anak ang iniisip. Yung tipong kakainin na nila sainyo pa ibibigay wag ka lang
magutom , na ang tanging sasabihin lang nila "ayos lang anak makita lang kitang busog ,busog
na rin ako" . Diba nakakabilib nga naman ating mga magulang. Kayo ba? Bilib rin ba kayo sa
mga magulang ninyo? Napapansin ko lang din kasi na sa panahon ngayon may iilang kabataan
ang hindi na marunong rumespeto sa kanilang magulang tila ba mga walang paki alam, puro
pagbubulakbol sa eskwela ni hindi ba nila alam ang paghihirap ng kanilang mga magulang
mabigyan lang sila ng baon araw-araw. At kung sagut-sagutin tila ba wala itong magandang
nadudulot sakanya . Mga magulang na ang nais lang sa atin ay maibigay ang magandang
kinabukasan, mapagtapos ng pag-aaral nang sa ganun daw ay hindi tayo matulad sa kanilang
mga naging kalagayan ,nagagalit lamang ang ating magulang dahil nag aalala lamang ito sa atin,
tinatama at dinidisiplina tayo sa bawat maling desisyong nagagawa natin kaya sana ay wag natin
masamain. At hindi lahat ng mga kabataan kapiling kanilang mga magulang na nandyan sa tabi
nila para sumuporta at gabayan sila dahil may ilan na maagang nawalan ng ina o kaya ama,
meron namang iba na ang magulang ay nasa ibang bansa para doon makipagsapalaran.

Kaya lubos ang aking pagsusumikap makapagtapos , at makahanap ng maganda at maayos ng


trabaho dahil balang araw ako naman ang susuporta sakanila sa lahat ng bagay , maibigay ang
mga gusto lalo na ang kanilang mga pangangailangan.

Kaya ngayon habang kapiling pa natin ang ating mga magulang ay mas maipadama natin ang
ating pagmamahal para sakanila at mas maparamdam sakanila kung gaano sila kahalaga sa ating
buhay kung gaano tayo nagpapasalamat na sila ang ating mga naging magulang upang sa huli ay
wala rin tayong pagsisihan.
KALAGAYAN NG MGA MAGSASAKANG PILIPINO

Isang mapagpalaang araw sa inyong lahat, ako ay naririto sa inyong harapan upang
talakayin at magbigay ng opinyon sa kasalukuyang kinakaharap ng ating kapwa pilipinong
magsasaka. Ngunit bago ang lahat nais ko munang bigyan ng pagpupugay at pasasalamat ang
lahat ng mga magsasakang nagpapakahirap mag-ani sa napakalaking ektarya ng palayan upang
makapagproduksiyon ng bigas, bigas na sa pang araw-araw ay ating kinakakain upang
magkaroon ng lakas ng pangangatawan, lakas ng pangangatawan para maisagawa ng maayos ang
ating mga dapat gampanan sa isang buong araw. Ngunit gaya ko'y batid kong nabalitan nyo rin
ang kasalukuyang kinakaharap ng ating mga magsasakang pilipino. Magsasakang nag-aani ng
bigas, ngunit sila itong walang makaing kanin sa hapag, nag-aani ng pagkahirap-hirap ngunit
ito'y naibebenta sa napakababang presyo, na sila'y nagpapakahirap para lamang sa kaunting
barya? Samantalang dito sa kalakhang maynila napakamahal ng halaga ng isang kilong bigas,
ano pa't ang mga sako-sako.

Nakakalungkot lamang isipin na di binibigyang pansin ang kanilang kalagayan, pansin ko


pa na nitong mga nagdaang araw ay ang usapin na laging napag-uusapan sa kamara ay
patungkol sa isyung LGBTQ+ at sa iba pang isyu ng Pilipinas. Paano naman ang kalagayan ng
ating agrikultura, ng ating mga magsasaka? Hindi bat mas karapat-dapat rin itong bigyang pansin
dahil dito/sa kanila nagmumula ang ating mga pangunahing pangangailangan.

Hindi biro ang kanilang ginagampanan, ang maghapong nakayuko at maghapong


nakabilad sa matinding sikat ng araw. Kung kaya't sana naman ay mas mabigyan ito ng
pagpapahalaga, kung maaari lamang ay ang mababang presyo sa pagbili ng bigas ay palakihin at
ang maliit na pondo'y paatasin dahil iba ang hirap at pagod na kanilang inilalaan para sa ating
bayan.

You might also like