You are on page 1of 1

Mirajoice P.

Bigueta Teacher Glory Jean

Grade V – Ecclesiastes Subject: Filipino

Filipino: Wikang Mapagbago

Ang tema ngayong taong 2017 sa Buwan ng Wika na pinagdiriwang tuwing buwan ng

Agosto ay “Filipno: Wikang Mapagbago” Marami ang naging kahalagahan ng ating wikang

Filipino sa Pilipinas at sa buong mundo sa pagdaan ng panahon.

Una, nakilala sa buong mundo ang ating pagka-Filipino. Patuloy na nagbabago ang buhay

sa ating bansa na pinagyayaman naman ng mga naidaragdag na mga salita sa diksyunaryo na

Merriam Webster. Ang ilan sa mga orihinal na salin sa salitang Filipino ay: google na kahulugan

ay pasasaliksik; presidentiables na kahulugan ay mga kandidato sa pagkapangulo; sinigang; at

marami pang iba. Pangalawa, ito ay mabisang nagagamit sa mga pagtuturo, pag-aaral at

pakikipag-usap ng lahat ng tao. Panghuli, ang wikang Filipino ay ating naipagmamalaki dahil ito

ay nakikipagsabayan sa pag-unlad at pagbabago ng ating bansa at buong mundo.

Ang wikang Filipino ay talagang patuloy na nagbabago upang patuloy na maging mabilis

na umunlad ang ating bansang Pilipinas para sa kinabukasan nating mga Pilipino.

You might also like